Chapter 41: Guardian Angel Organization

160 12 0
                                    

Aika Blythe POV

Halu-halo ang nararamdaman ko. Wala pa man kami sa loob ay may nakikita na kong imahe sa isip.

Mga batang naglalaro, tumatawa at may mga madre na humahabol sa kanila. Hindi naman mukhang galit ang mga madre dahil nakangiti sila.

"Halika" lumabas nang sabay sina Shainah at Blake... or should I say, Kuya Blake. Pinagbuksan ako ni Kuya Blake ng pinto. Hindi ako sanay ng may tinatawag na Kuya. Buong buhay ko ay nagsilbi ako sa organisasyon na puro kaedaran ko ang naroon o di kaya'y kapag may nakakatanda ay sir ang tawag namin.

Tiningala ko ang bahay-ampunan.

"Ang Guardian Angel Organization ay isang bahay-ampunan na tumatanggap ng mga batang-lansangan," kwento ni Shainah. "Noon ay hindi rehistrado sa bansa ang organisasyon na ito kaya ilegal kung susumahin ang pagpapatayo. Tanging hangad lang nila ay mag-alaga ng mga bata. Hanggang sa na-discover ng gobyerno na hindi rehistrado ito. Doon ay sinabi nila sa mga madre na ipapa-demolish at ililipat sa rehistradong bahay-ampunan ang mga bata sa loob"

"Doon dumating ang Sevrious Family para tulungan ang mga madre," pagpapatuloy ni Blake. Tumingin ako sa kaniya. Nakasandal siya sa pinto ng kotse habang nakatingin sa mga batang naglalaro. "Sila ang lumakad ng mga papeles at gumastos para i-rehistro ang organisasyon"

"Naging pundasyon para tumibay ng GAO ang Sevrious Family. Laking pasalamat nila dahil dumating ang pamilya sa buhay nila" sabi ni Shainah. Suminghot ako at bahagyang pinunasan ang namuong luha sa gilid ng mga mata ko.

"Pumasok na tayo" hinawakan ni Blake ang pulsuhan ko saka kami sabay-sabay na pumasok sa loob. Agad naming naagaw ang atensyon ng mga batang tumatawa, naglalaro at nag-uusap. Pati mga madreng nakabantay sa kania ay napatingin sa amin. Isang madre ang lumapit sa amin at nagtanong.

"Magandang Umaga" nagtayuan lahat ng mga bata.

"Magandang Umaga mga Ate at Kuya! Masaya po kaming makita ang pagpasyal ninyo rito! Tuloy po kayo!" Masiglang bati nila.

"Magandang Tanghali mga Ate at Kuya! Masaya po kaming makita ang pagpasyal ninyo rito! Tuloy po kayo!"

Bigla ay isang imahe at malinaw na boses ang nakita ko matapos marinig ang pagbati ng mga bata. Noon ay bumati kami sa mga pulis na kausap nina Madre Ylping.

"S-Si Madre Ylping?" Pinigilan ko ang sariling luha. Isa-isang pumapasok sa isip ko ang ala-ala. Magmula ng makapasok ako sa Guardian Angel Organization hanggang sa... gabing iyon sa New York. Kinilabutan ako nang may makitang hindi gaanong malinaw na imahe sa aking isip. Pula, iyon ang nangingibabaw.

"Nasa loob po siya Ma'am. Tinuturuan niya ang mga bata na mag-gantsilyo"

"P-Pwede ko ba siyang m-makita?" Nagulat ang madre nang makita ang pagluha ko. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Si Madre Ylping... Si Madre Ylping ang nagsilbing ilaw ng buhay ko. Siya ang nag-ampon sa amin ni Blake. Dinala niya kami dito at inalagaan.

"O-Opo, Ma'am. Tuloy ho kayo" tinalikuran kami ng madre at naglakad papasok kaya agad namin siyang sinundan.

"Don't cry" ani Blake saka ako inakbayan. Pinunasan ko ang luha ko at pinigilan itong tumulo. Ayokong makita ako ni Madre Ylping nang ganito. Baka isipin niya ay naging mahina ako.

Tiningnan ko ang garden. Malaki at pamilyar pa sa akin ang mga halaman. Ang puno ng mangga na nagsilbi kong taguan noong binu-bully ako nina Chet.

Nakapasok kami sa loob. Malaking bulwagan ang aming nakita. Iba't-ibang instrumento pang-musika ang nasa kaliwa at mga laruan naman sa kanan. Sa dulo niyon ay mga batang babae na nakaupo sa harap ng isang may katandaang babae. Nangingibabaw ang puti nitong buhok. May salamin pang-mata at nakaupo sa rocking chair.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now