Chapter 21> Tiredness

880 60 5
                                    

Lynn's POV


Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa sobrang pagod na nararamdaman ko...


Imagine,ika-limang beses akong nagpabalik-balik sa canteen para kuhanin yung spaghetti nila,ehh para na akong naligo sa sarili kung pawis sa sobrang init ng panahon at nung spaghetti...


Ngayon ay last na itong magpabalik-balik ako sa canteen kasi last batch na to ng spaghetti,nagsimula na akong magbuhat ng muntik na akong matisod,buti na lang ay nasalo ako ng kung sino...


"Ayy salamat!"


"Okay lang,bat ba kasi ikaw ang kumukuha nyan wala ka bang kaklase na makakatulong?"tanong  nya at tinulongan ako. Pinagmasdan ko sya napakaganda nito,napaka puti at halatang mayaman at bata pa,kung lalaki lang ako nagkagusto na ako dito...


"Wala ehh mga,tamad kasi sila"nakanguso kung sagot at tumawa naman sya...


Kahit yung tawa ay ang sarap pakinggan...


Natotomboy na ata ako!


"Ahmm anong section kaba nabibilang?"tanong nito sa akin habang lumalakad kami dala-dala ang spaghetti...


"Ahmm Section Ruby!"Sagot ko kaya napahinto sya...


"Section Ruby?,ikaw ba yung transferee na pinag-uusapan kanina na inaway daw yung Taga-Section Citrine na si Nova?"tanong nito sa akin


"Oo ako nga yun,tsaka hindi ko sila inaway ha?Sila ang nauna pinagtanggol ko lang ang Section ko!"


"Ahhh ganun ba..."Bulong na at nagsimula ng maglakad


"Ehh ikaw?Anong Section mo?"tanong ko


"Ahh hindi,hindi ako taga dito,m-may binisita lang"


"Sinong binisita mo? Boyfriend?!"tanong ko at namula naman ito


"So boyfriend nga?!,Ayieee hinaut tanan!"


"Hinau-Ano?"tanong nito"Sana ol yan sa bisaya dear..."sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad


Nag-kwentuhan pa kami tungkol sa maraming bagay hanggang sa may tumawag sa kanya...


"Hello kuya?,Oo an-pwede mamay-,Oo na uuwi na..."


"Seems like pinauuwi kana..."


"Oo nga ehh,sensya na ha mukhang hanggang dito na lang kita matutulungan..."


"Huy ano kaba?!,Okay lang noh. Ipatong mo lang yang dala mo dito sa kin"nakangiti kong sabi


"Sige ha!,aalis na ak-"Pagpapaalam nya sana ng pigilan ko sya"Ano muna pangalan mo?"Tanong ko


"Basta tawagin mo na lang akong,Star!Buhbye!"huling sabi nya bago sya mawala sa paningin ko


Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.




NANG makarating ako sa room ay naabutan ko na namang busy nag-tatapon ng basura kahit saan ang mga tukmol. Pumikit na lang ako sa inis at padabog na nilagay yung Spaghetti sa lamesa...


Nakakuha yun ng atensyon kaya naman ay naguunahan sila sa pagkuha ng pagkain sa mesa. Kukuha na sana ako ng harangan ni Law ang kamay ko...


"Linisin mo muna ang room,bag-o ka kumain"


Napabuntong hininga nalang ako,kinalma ang sarili at inisip kong bakit ko ginagawa to,para makuha ng loob nila,para tulungan ako ni Sir sa grades ko,mapabilang sa Section Diamond at huli sa lahat para malutas ang misteryo ng pamilya ko...


Nagsimula na akong maglinis,pinulot ko ang basura sa sahig nilagay sa trash bin tapos nagwalis ako ng sahig at in-arange ang upoan, pahirapan pa nga kasi ayaw nilang tumayo sa kadahilanang kumakain pa sila


Nang matapos ay kumuha na ako ng spaghetti ko,susubo na sana ako ng padabog na nilagay ni Law sa desk ko ang mga notebook...


"Ano na naman to?"bored kung tanong


"Assignment,sagutin mo lahat ng assignment namin"utos ni Batas at bumalik na sa upoan nito


"Huyy wait-hayyy"


Makalipas ng ilang minuto,ay umalis sila at ako nalang ang naiwan.

Kasalukuyan akong kumakain ng spaghetti while naga-answer sa assignment nila minsan pa nga ay magkaka-stain ang papel nila ng spaghetti sauce kaya karma na nila yun panigurado...


Maya-maya lang ay dumating na ang mga tukmol at ang dudumi pa ng mga sapatos kaya no choice,nag-mop na naman ako ng sahig. Nang dumating si Maam ay pinasa ko na ang assignment na puno ng stain ng spaghetti. Nang matapos ang klase namin ay naka-toka na naman ako sa labas para mag walis sa labas pero hindi tulad noon wala na akong kasama,may pagkakataon den kasi na nauutusan ko sila at maypagkakataon den naman na hindi,kaya tsamba² lang


Umuwi na ako ng matapos na ako sa pagwawalis,nang makarating ako sa bahay hindi na ako kumain dumiritso na ako sa kwarto ko at nahiga,wala kasi si Tita Rita ngayon nag over-time sa work


Sa halos isang buwan kong pananatili sa room ay tila ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa katawan. Oo,yun na ang naging everyday routine ko sa room ako ba lang lagi ang gumagawa ng mga bagay²


Babangon na sana ako para magpalit ng damit pero bigla den akong matumba sa sakit ng ulo ko,parang umiikot yung paligid. At kapag ganitong sitwasyon alam ko na ang ibig sabihin nito


Magka-katrangkaso ako...




A/N:
New update for todays video!
Ngayong tapos na ang exam namin sisikapin kong mag-ud ng mas madalas para sa inyo, para makabawi ako kasi ang tagal kung mag-ud eh hehe

Don't forget to vote and comment! Wag den kayong mag-puyat kaka-wattpad pages!🦋❤️😚

The Province Girl In Section RubyWhere stories live. Discover now