Chapter 28

1.2K 41 1
                                    

Nagdaan ang mga araw, linggo, at buwan. Tuluyan na akong umuwi sa mansiyon nang umuwi sina Mommy at Daddy roon. Umalis ako sa puder ni Rence pero ayos naman kami nang umalis ako roon. Nagkasundo kami matapos ayusin ng Dean ang kumalat na issue. Mabuti na lang ay unti-unti ring lumulubog iyon.



Kahit ganoon pa man, hindi pa rin talaga maiwasan ang pagdududa ng iba sa amin ni Clarence. Nag-iiwasan na lang kami kapag nasa loob kami ng campus. Nag-announce na rin kasi ang Dean na hindi totoo ang issue at kinakailangan na hindi dapat lumabas iyon sa paaralan para sa kapakanan nito. Kaya ganoon nga, iniiwasan ko na lang si Rence sa loob ng campus para hindi na magkagulo pa.



Hindi na rin lumaki ang issue at mabuti na lang din dahil hindi nagtanong sa akin ang mga kaibigan ko tungkol sa amin ni Rence o tungkol man sa issue. They're always there for me, in good and in bad ways. Akala ko pa nga naman ay hindi na nila ako kakausapin, eh.



Naging okay na rin kami ni Marco nang malaman na hindi talaga siya iyong nagpakalat ng issue. I was so glad knowing that it wasn't him, I was happy to know that I was wrong for doubting him about it. Alam niya pa rin naman na kami pa rin ni Rence sa kabila ng nangyari pero nirespeto niya na lang iyon at tinanggap na lang.



Okay kami pero hindi na katulad ng dati, ayos lang naman dahil sa katotohanan ay si Marco lang talaga ang medyo malayo ang loob sa aming magkakaibigan. Nakikisabay rin naman siya minsan pero mahalata talaga na hindi ganoon kalapit ang loob niya sa amin.



Nang tumuntong akong kolehiyo ay naging kaibigan ko sila, ayaw kasing makipagkaibigan sa akin ng mga kababaihan. Sina Marco, Clark, at Van ay magkakabarkada, silang tatlo ang una kong naging kaibigan. Si Archie naman ang sunod, nakipagkaibigan siya sa akin dahil ayaw niyang makipagkaibigan sa iba. At ang panghuli naman ay sina Jeydee, Prince, at Doremi. Nabuo kaming lahat na magkakaibigan simula niyon.



"Tumataba ka na, Ellai, oh," puna ni Mommy sa gitna ng malalim kong pag-iisip.



I stared at my reflection on the mirror, tama kasi si Mommy. Mas lalo na talaga akong tumaba nitong mga nakaraan. Paano ba naman kasi, ang takaw ko na at halos takot maubusan ng pagkain. My parents noticed me for being like that also. Si Daddy ay natutuwa samantalang si Mommy naman ay gusto pang ibalik sa dati ang katawan ko.



"Wear this," she said and handed me the corset.



Napangiwi ako. "Mommy, ayoko niyan. Wala bang iba riyan? Waist trainer na lang po sana."



"Mayroon ako, kukuhanin ko lang sa tokador ko," aniya. "Kailangan mong suotin, ha? Nagkabilbil ka na kasi. Sinabing huwag pabayaan ang katawan mo, eh," sermon pa niya sa 'kin.



"Mommy, naman," angal ko pa. "Hindi ko naman pinapabayaan ang katawan ko, eh."



"Ang tinutukoy ko, pagkatapos mong kumain ay huwag kang umupo kaagad, Ellai. Maglakad-lakad ka para hindi ka magkabilbil," pangaral niya sa akin. "Baka mahirapan na tayo magpabalik sa dating katawan mo niyan."



"Mommy, don't be over acting," I said. "Hindi naman ako gaano kataba, eh. You know, Mom, I love myself being chubby like this!" I exclaimed and exposed my body to her through the body size mirror.



Napailing siya. "Sige na, kuha muna ako ng waist trainer."



Lumabas na kaagad siya sa aking silid matapos pumaalam. Sa totoo lang, si Mommy ay maalagang-maalaga talaga sa kaniyang katawan. Bata pa lang ako ay inaalagaan talaga ni Mommy ang katawan ko. She said that she did it for me, not for others to impress. Pero ako, ayos lang naman kung ano ang pangangatawan ko, eh.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now