Kabanata 38

16.6K 973 904
                                    

Warning ; killings, rape attempt, harassment

****

"Mam, si Sir po umalis, eh. Nahimatay si Mam Donna kaya isinugod agad sa ospital."

HIndi ako umimik at pinagpatuloy ang pag iimpake ko ng gamit. Hanggang ngayon ay wala pa ring tigil ang pagtulo ng luha ko. For the second time, love made me realize that it's not easy to get and have. Nagsisimula pa lang akong mahalin siya pero heto na agad kami, nabigyan agad ng malaking problema.

" Mam, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ng matanda ngunit hindi ako sumagot.

Wala ako sa wisyo makipag usap ngayon. Halos lahat na ata ng gamit na nasa closet ko ay inilagay ko sa bag pack ko. Ang mga personal ko naman na kagamitan na kagaya lamang ng pabango, pulbos, at kung ano pa'y inilagay ko sa sling bag ko. Pilit ko lahat iyon na pinagkasya at sinakbit sa sarili. Nagtama ang tingin namin ng matanda na nakanguso ngayon.

"Hindi ka makakaalis, mam. Binilin ka ni sir sa malalakas niyang tauhan na lobo," nguso niya sa akin.

Hindi ako nakinig at naglakad pa rin palabas ng kuwarto. Kahit na nabibigatan ako sa bag ko ay pinilit ko ang sarili ko na magpatuloy sa paglalakad sa isang mahaba naming hagdanan. Kagaya ng sinabi ni manang, punong puno ng mga lobo at kalalakihan na hindi pamilyar sa akin ngunit mararamdaman mong hindi ito normal. Mula sa kulay ng kanilang mga mata na pilak ay malalaman mo na.


Lahat din ng mga bintana at pintuan sa mansyon ay nakasara. Isa lamang ang ibig sabihin noon kung hindi ay bantay sarado nila ako at hindi hahayaan lumabas nang walang permiso ni Evan.

Someone came near me. He's chewing a gum on his mouth and looking at me with a smirk. Nagtaas ako ng kilay ngunit pinagtaasan niya rin ako.

"I am Diego-"

"I am not asking you to speak," mariin kong sabi. "Open the damn door!"

Umiling siya sa akin habang nakapamewang. Pinandilatan ko siya ng mga mata ngunit hindi pa rin siya nagpatinag at pinagpatuloy ang pakikipagtitigan sa akin kaya naman inihampas ko na sa kaniya ang sling bag ko. Umaaray siya ngunit hindi talaga ako hinahayaang lumabas.

"Ayoko na rito! I want to get out of this hell!" Sigaw ko sa kaniya.

"You can't," aniya. "Bawal ka lumabas hangga't hindi pa umuuwi si Evan."

Lalong naginig ang ulo ko rito. Sinasamahan niya ang babae n'ya, paano ako makakaalis? Hindi na 'yon babalik dito dahil kay Donna. Aalagaan na niya iyon.

Hindi ko na pinagod pa ang sarili ko na mag sisigaw at makipagaway kay Diego. I sat on the couch and calmed myself. I need to think something, I need to go get out of here.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nag sisink in sa utak ko ang nangyari kanina. Suot ko pa rin ang magandang bestida na sunflower. He got Donna pregnant and Donna had the evidence. I bit my lower lip and lowered my head. That's cheating.

Gusto na namin ang isa't isa, eh. Ayos na kami. Aaminin ko nang buntis ako na tanggap naman niya pero nangyari 'to. Nagulo na ang lahat. Kung hindi dumating si Donna, sana nag cecelebrate na kami ngayon ng pagbubuntis ko pero hindi, e. Narito ako, nakakulong sa mansyon at nagluluksa.

My heart feels heavy. Nangingibabaw ang galit at selos. Dapat hindi ako nagkagusto sa lalaking iyon. Dapat hindi ko hinayaan ang sarili ko. Habang nasa malalim na iniisip, hindi ko na napansin na tumutulo na pala ang luha ko.


Wala akong nagawa kundi pumunta sa guest room at doon nagkulong. Nang makarating ako roon at sumilip ako sa bintana. Kahit madilim na ang paligid, makikita mong may mga tauhan sa palibot ng mansyon na nakabantay. Bumuntong hininga ako at binagsak ang sarili ko sa kama.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon