Chapter Forty Two

17K 1.3K 1K
                                    

Chapter Forty Two

Why is she here?!

"Okay friends, sabi ni Mama, pwede tayong tumulong dito sa eatery namin hanggang bukas! Yung kikitain natin, feeling ko sakto na 'to para sa medical bills ng mahal nating pusa na si Sebbie!" sabi ni LJ sa amin.

Weekend. Nandito kami ngayon sa eatery nina LJ para mag part time job. Hiyang hiya ako sa totoo lang, pero sobrang na appreciate ko yung effort ng mga nag punta dito para tumulong. Of course si LJ, si Chichi, si Harold, si Glen at si Seb.

Pero ang hindi ko inaasahan ay pati si Mona, nandito rin.

"Let's do our best for baby Sebbie!" masiglang sabi ni Mona. Hindi ko alam kung paano nakarating sa kanya na mag p-part time kami dito. Probably one of them told her. Pero ang uneasy ng pakiramdam ko.

My gut-feel tells me she has something to do with what happened to Sebbie. But the thing is, I have no solid proof. Hindi ko nakita mismo na ginawa niya kaya ang hirap pag bintangan. Maybe I'm wrong. Maybe she's innocent. Baka kaya ko lang naiisip na si Mona ang gumawa is because.... I dislike her. No. More like, naiinsecure ako whenever she's around.

Huminga ako nang malalim. Wala akong oras para sa mga negative thoughts ko. Tinignan ko ang mga kaibigang ko and I gave a shy smile to them.

"Salamat talaga. Hindi niyo naman kailangang---"

"Op! Wag mo nang ituloy!" pag putol ni LJ sa sasabihin ko at inakbayan ako. "Ilang beses mo nang sinabing 'di naming kailangan gawin 'to. As if namang mapipigilan mo kami."

"Oo nga Ms. Pres!" sabi naman ni Chichi at humawak siya sa braso ko. "Wag mo nang isipin na abala ka sa amin. I-enjoy mo na lang ang bonding natin this weekend para happy happy!"

Napatingin ako kay Harold, Glen at Seb. They're all smiling at me. Napayuko ako as I let out another smile.

"Salamat."

"O tama na chika! Mag prepare na tayo!" sabi ni LJ at sabay sabay kaming pumasok sa loob ng eatery nila.

~*~

LJ's eatery is quite popular in this area. Sikat kasi 'tong kainan nila sa mga sizzling silog at sisig na sineserve nila. Usually, mga hapon at gabi ang dagsa ng maraming tao rito. Since may pang night shift naman daw na staff, i-co-cover lang namin yung shift from between 10AM to 6PM.

"Kailangan ko ng dalawang tao sa counter para mag take ng orders. Tatlo sa kitchen—yung dalawa taga plating ng order, yung isa taga hugas ng pinggan. The rest, sila ang mag s-serve," sabi ni LJ. "Unahan ko na kayo, ayokong mag hugas ng pinggan."

"Ayoko rin!" sabi ni Chi chi.

"Hindi rin ako pwede," sabi naman ni Mona. "What if si Ms. Pres na lang ang mag hugas ng pinggan?"

Napatingin ako kay Mona. She's smiling sweetly at me. Hindi ko alam kung nag o-overthink na lang ba ako pero the way she said it parang, ako na ang mag hugas ng pinggan tutal tinutulungan naman nila ako?!

Yes, I was about to volunteer. Pero bakit bigla akong nainis?

"Bato bato pik na lang!" singit ni Seb. "Wag na natin isali si LJ tutal kanila 'to. Pares pares tayong anim, tapos yung matalo, maglalaban!"

"Oo mabuti pa nga't daanin natin 'to sa maayos na pag dedesisyon," sabi ni LJ. "Okay first round! Chichi Vs. Glen!"

"Oh my god ako agad?!" sabi naman ni Chichi.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon