Chapter 14

407K 19.9K 31.1K
                                    


Chapter 14

I swallowed hard to slow down my heartbeat. His eyes, even with his glasses on, show so much emotion that they cut right through me.

"B-Bakit ka nanghahalik ng kamay?" pagalit na saad ko bago bawiin ang kamay sa kanya. "May kamay ka namang iyo . . ."

His lips curved into a smile as he stood.

"Magbibihis na 'ko."

I kept my eyes on his plate and continued taking the fish bone out even though my hands were shaking. Nang makaalis ang lalaki ay saka lang ako nakahinga nang maluwag.

Fuck. His soft lips just brushed against the back of my hand!

The nerve of my . . . hand!

Nauna pa sa labi ko!

Umawang ang bibig ko sa naiisip. I shook my head and breathed a lot to get my unwanted thoughts out of my head.

Amari, it was just your flirty side coming out! Gusto mo ang lalaking 'yon kaya syempre . . . normal ang kiligin at mag-isip ng kung ano!

"Why are you shaking your head?"

Leon's voice from behind me brought me back to my senses. Lumingon ako sa kanya at nakitang naka-T-shirt na puti na lang siya at itim na trunks.

Lumapit siya sa akin at bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko. Tinanggal niya ang pagkakapuyod ko at maya maya'y sinuklay iyon gamit ang kamay niya. He clasped it all in the center and pulled it back into a ponytail, leaving no strands hanging loose.

Iniharap niya ako sa kanya at sinuri kung maayos ang pagkakaayos niya sa buhok ko bago dahan-dahang tumango.

"Okay na . . . let's eat."

As if hypnotized, I slowly took a seat. My heart was beating wild, and there was nothing I could do to calm it! God! Leon would cause me my death!

Tahimik kaming kumain. Siya rin ang nagtanggal ng tinik ng ulam ko at hinayaan ko na lang siyang gawin iyon. Pakiramdam ko, sa oras na magsalita ako ay manginginig ang boses ko.

We finished lunch in no time. He cleaned everything before setting up the things we needed to work on our thesis. Naghintay lang ako sa kanya sa sala dahil nabanggit naman niyang hindi kami rito gagawa.

"Isuot mo 'to," sabi niya bago inilapag sa tapat ko ang dilaw na sipit na tsinelas. "Baka maputik sa farm. Madudumihan ang white shoes mo."

Bitbit niya sa magkabilang balikat ang dalawang laptop bag nang tumayo siya sa gilid ko na para bang papanoorin pa ako sa pagsusuot ng tsinelas. Tinanggal ko ang medyas at tahimik na inilagay iyon sa bag ko. I put on the slippers and was surprised by how big they looked on me.

"Kaya mo bang ilakad kahit gan'yan kalaki?" he asked. "Wala kasi 'yong kay nanay, eh."

Tumayo ako. "Oo. Komportable naman. Kanino ba 'to?"

"Akin."

Naglakad lang kami papunta sa farm. He said that it was at the end of their barangay and that we could get there in five to ten minutes.

Wala nang masyadong bahay sa looban. Dulo na rin kasi halos 'yong bahay nila. Nearly all I saw were rice fields, and the road we were on was bordered by really ancient and large trees.

Hindi ko inaasahan na may makikitang ganito sa isang lungsod. Para kasing nasa probinsya na kami.

In contrast to the other farms and lands we'd seen along the way, with their profusion of trees, their farm is home to a wide range of vegetable and root crops. Hindi ito kalakihan, tulad ng sinabi ni Leon noon, pero sa tingin ko ay sapat na iyon sa negosyo nila dahil sa dami ng mga pananim.

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon