KABANATA 45

5.4K 348 66
                                    

Nakahiga ang aking ulo sa kanyang dibdib. Hinahaplos ko ang kanyang matigas na dibdib. Alam kong gising pa siya. Hinahaplos niya ang aking buhok at hinahalikan.

Hindi ako makapaniwala na nagawa namin iyon. Umiinit ang pisngi ko sa tuwing naalala ang mga ginawa niya sakin.

"G-Grabe naman iyong mga ginawa natin Frosto." huminga ako ng malalim.

Tumigil ang paghaplos niya sa aking buhok. "We'll do it everyday Sol. Masasanay karin."

Ngumuso ako at tiningala siya. Lumandas ang kanyang tingin sa aking mukha patungo sa aking balikat. Inayos niya ang T-shirt na pinasuot sakin.

"Hmm." Hinawakan ko ang labi niya. Hinalikan niya ang kamay ko. "Ganoon rin ba ang ginagawa mo sa mga babae mo noon?"

Nangunot ang kanyang noo. Naging seryoso siya at tinitigan ako sa mga mata.

"Iyong mga ginawa mo sakin kanina?"

"Hindi natin ito pag uusapan Sol. Shut it." suplado niyang sabi sakin at kinabig ang aking ulo upang halikan.

Naalala ko ang mga naririnig ko sa kanya noon. Na manloloko at playboy raw siya.

Kinagat ko ang labi para hindi na ako makapagsabi ng ano pa. Hindi ko talaga kasi minsan mapigilan na isipin.

"Kung ikaw ay ginagawa iyon sa iba't ibang babae. . . Ako ba ay may possibilidad na gawin rin iyon sa iba-"

Nagulat ako ng bumangon siya at pininid ako sa kama! Umalon ang aking unan at nabigla ako!

"Hindi mo iyon puwedeng gawin sa iba!" diin ang boses niya. Ngayon natatakot ako sa galit na nakikita ko mula sa kanya.

"F-Frost.." nautal ko siyang tinitigan. Awang ang bibig niya at bigla siyang pumikit ng marinig ang boses ko.

Hinawakan ko ang dibdib niya. Bumaba ang titig niya doon.

"Tinatanong lang kita. Hindi ko iyon gagawin alam mo iyan." sabi ko. "Pero ang ibig kong sabihin ay mapalalaki man o mapababae ay dapat parehas lang. We are equal. Patas lang dito sa mundo."

Tumango siya tila gusto niya pang marinig sakin ang gusto kong sabihin.

"Sa pagmamasid ko sa mga bagay bagay sa lumilipas na panahon ay marami akong natutunan. Tulad ng. . .babae ako. Kung magkaroon ako ng first love, kunwari ikaw at magbreak tayo-"

"Hindi tayo maghihiwalay." mataman niyang sinabi.

Tumango ako. "Kunwari ito Frosto."

"Alright. I will listen. "

"-Kunwari. Nagbreak tayo. Tapos nakakita ako ulit ng mamahalin at nagkaboyfriend ako ulit. Parang ganoon. Tapos, bakit ang unfair ng tao minsan? Kung lalaki parang wala lang na marami na silang naging karelasyon parang trophy pa sa kanila bilang lalaki pero sa aming mga babae ay parang ang dumi dumi na namin tingnan sa iba?"

Tumango siya tila nakukuha ang sinabi ko.

"Maybe because of tradition here? Sa ibang bansa kung virgin man o hindi ,hindi iyon big deal doon." sabi ni Frosto. Hinawakan niya ang pisngi.

"But Sol.. I don't care about it. Kung ano kaman siguro noon na nakilala ko . .I will still fall in love with you. You got me even I am worst Sol. You still catch me. I am loyal to you."

Kinagat ko ang labi dahil parang gusto kong umiyak.

Hinawakan niya ang pisngi ko para halikan. Kahit na nakailan kami ngayong gabi ay nararamdaman ko na naman ang naramdaman ko kanina ng pinagbahagi niya ang aking hita at mapusok akong hinalikan.

"Puwede ba ulit?" tanong niya sa akin. Halos uminit ang pisngi ko. Nahihiya ako kung tatango ba o tatanggi.

"P-Puwede naman Frost." sagot ko.

Aaminin ko na gustong gusto ko ang ginagawa ni Frosto sakin. Marahas siya sa kama. Minsan ang awkward ng posisyon namin na ginagawa ngunit nararamdaman ko ang pag iingat niya na hindi ako masaktan.


Nagising ako ng malapit na mag umaga. Alam kong' alas 5 na dahil sa pag agaw ng dilim at liwanag. Pumikit ako ng mariin at naramdaman ang yakap ni Frosto ng mahigpit sakin.

Dahil doon ay nakabalik ulit ako ng tulog.

May naririnig akong yapak at ang pintuan na sumara. Hindi ako makabangon.

Naramdaman ko ang halik sa aking noo . At nahulog ulit ako sa mahimbing na pagtulog.


Nang ako ay magising ulit ay naramdaman kong masama ang aking pakiramdam. Mainit ang aking buong katawan at halos hindi ako makagalaw sa aking kinahihigaan.

Hindi ko magalaw ang aking mga katawan. Naramdaman ko ang pagkuja ng kung ano sa aking kili kili.

"39.2." ani ng lalaking di ko kilala. Hindi ko man lang maimulat ang mga mata ko.

Narinig kong nag usap sila. Gusto kong kumilos.

"Gising na siya." narinig ko ang boses ni Frosto.

"F-Frost.   . . nalalamigan ako.Mainit." sabi ko para malaman niya ang karamdaman ko.

"Damn." bulong niya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan. "I'm so sorry."

"Frosto, maghanap ako ng dahong gamot sa likod. Iyon ang pinapainom ko noon kay Sol at gumagaling siya sa kanyang lagnat."

"Sige lola. Salamat. Kasalanan ko ito." narinig ko ang boses ni Frosto. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Sinubukan kong' bumangon kaya inalalayan niya ako. Nilagyan ni lola ng unan ang aking likod.

"Naku Sol. Masakit ba talaga ang katawan m-mo?" nautal si lola ng tanungin ako at tinitigan si Frosto.

"Opo. Ang likod, balakang at hita kopo talaga. Masakit."

Napahilamos ng mukha si Frosto.

"Inaasahan ko na papakasalan mo ang apo ko hijo." namaywang si lola.

"Yes lola. Alam ni Soledad yan. Alam niyang mahal na mahal ko siya."


Tumango si lola at nilapitan ako. "Kukuha langa ko ng dahong gamot sa likod. Mag uusap tayo mamaya."

"Opo lola."

Nang lumabas si lola ay agad nilapit ni Frosto ang pagkain sakin. May mga gamot rin doon.

"Kasalanan ko ito. Hindi ko inaasahan na hindi mo kakayanin ang unang gabi natin."

Ngumuso ako at ngumiti. Ganito pala kapag una mo.

"Masakit iyong ano k-ko." ngumiwi ako at halos maiyak. Napalunok si Frosto.

"Hindi ako aalis ngayon. Magpahinga ka ngayon. Damn. Hindi ko talaga alam na magkakaganito."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Ayos lang ako. Masakit lang talaga balakang ko. Paano kasi pinatuwad moko ng biglaan kagabi. Baka nabali ang buto ko. Baka papahilot ko lang ito at mawawala na."

Bawat salita ko ay nakikinig ng mabuti si Frosto at tumango tango.

"Okay, tatawag muna ako ng masahista. Kumain ka muna at uminom ng gamot. Kung gusto mo ng makakausap pwede ko rin ipahanda ang poolside sainyo ni lola. Just rest today. Tatawagan ko rin ang eskwelahan mo."


"Salamat."

Lumuhod siya sa harapan ko. "Pagaling ka. Natatakot na akong masaktan kita ng ganito. Pagaling ka kasi magpapakasal na tayo." bulong niya at agad kong narinig ang pagbukas ng pintuan.

Tumaas ang kilay ni lola ng makita ang posisyon namin ni Frosto.

"Sol, dinalhan kita ng bestida at panty. Maligo ka muna at naamoy ko ang amoy Frosto sa katawan mo. Ikaw Frosto mamaya na iyan pagalingin mo muna ang apo ko. Diyos ko ,ooh."

Kinagat ko ang labi dahil nakitaan ko ng hiya si Frosto.





Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon