Chapter 11

34.2K 1.4K 633
                                    

Shower








Hindi mawala sa isip ko ang nalaman ko tungkol sa pinagdadaanan ni Ahtisia sa Mommy niya. Hindi ko napigilang marahang haplusin ang buhok niya habang mahimbing ang tulog niya.

Narinig ko pa ang pagtikhim ni Kuya Wil pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ko inakala na kaya siyang pagbuhatan ng Mommy niya sa tuwing hindi niya sinusunod ang mga utos nito. She's too soft for this.

Nanatili ako sa clinic para bantayan siya. Ni hindi ko na inisip pa kung absent ako para sa susunod kong klase. Babawi na lang ako sa next meeting. Kailan ako ngayong ng girlfriend ko.

Nagpaalam na din si Kuya Wil na lalabas na muna dahil isa lang ang pwedeng kasama sa clinic. Dahan dahang kumunot ang noo ni Ahtisia tanda na gigising na siya kaya naman napaayos ako ng tayo.

Napangiwi kaagad siya ng subukan niyang igalaw ang paa niya. Hindi nagtagal ay muli nanamang namuo ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa nahaluan 'yon ng takot.

"Ang sabi ng nurse...hindi maganda ang nangyari sa paa mo," sagot ko sa kanya ng magtanong siya.

I want to comfort her with words but it's not really comforting to tell her lies. She needs to know and it's better kung wag na muna siyang tumuloy sa audition niya dahil siguradong maapasama lalo ang pilay sa paa niya.

"Magagalit si Mommy. Hindi pwede," umiiyak na sabi niya sa akin. Mas mahinahon na siya ngayon kesa kanina pero ramdam kong may dumoble ang lungkot at takot sa boses niya.

"Baby...mas lalong delikado," sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa pero nakita kong mas lumalim ang iniisip niya.

"Ahtisia..." tawag ko sa kanya ng mapansin kong masyado na siyang nagpapalunod sa iniisip niya.

Marahan kong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya.

"Magiging ayos lang ang paa ko. Makakapag-audition pa din ako...kailangan lang ng pahinga," sabi niya sa akin. Pilit na pinapasigla ang sarili.

Hindi na ako sumagot pa at hinalikan na lang siya sa noo. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Matapos makapagpahinga ni Ahtisia ay napagpasyahan siya bigyan ng excuse letter ng nurse para may ipakita siya sa mga professor niya para sa mga klase na hindi niya mapapasukan. Mas minabuti nitong pauwin na muna si Ahtisia para makapagpahinga.

Yumakap ang kanang kamay niya sa leeg ko nang kargahin ko siya kahit may wheelchair naman.

"Pumasok ka sa susunod mong klase. Umabsent ka pa tuloy dahil sa akin," sabi niya sa akin habang naglalakad ako sa hallway habang karga siya.

Wala masyadong estudyante sa labas dahil class hours. Ramdam ko ang tingin ni Ahtisia sa akin habang buhat ko siya kaya naman bumaba ang tingin ko sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Mabuti na lang nandito ka,' she said kaya naman mas lalo kong naramdaman na I need to be with her all the time.

Na sa mga oras na pakiramdam niya mag-isa lang siya ay mas lalo kong dapat iparamdam sa kanya ang presencya ko.

"I'll always gonna be here for you," pangako ko sa kanya.

Matamis siyang ngumiti sa akin bago siya nag-iwas ng tingin. Bumaba kaagad ng sasakyan si Kuya Will para buksan ang pintuan ng passenger seat. Ma-ingat kong inalapag si Ahtisia sa may backseat.

"Take a rest. Text me kung may kailangan ka...text me pag naka-uwi na kayo," paalala ko sa kanya na kaagad niyang tinanguan.

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya bago ko siya siniil ng halik. Matapos sa labi niya ay isang halik ulit sa noo bago ako umayos ng tayo.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon