Chapter 32

507 13 1
                                    

Chapter 32

Nakabalik na ako ng siyudad. Dahil na ding iyon sa pakiusap ni Ali. Hindi niya ako tinigilan sa kakabuliglig sa isla hangga't hindi niya ako napapayag na sumama pabalik ng San Mateo.

Ilang araw din kasi siyang nagstay sa isla kasama ko. Mula ng magkaayos na kami ay walang tigil ang kakulitan niya. Tila para siyang bumalik sa pagkabata! At ako halos araw-araw stressed sa kaniya! Oo nga, maayos na kami pero siya 'ata ang magiging dahilan ng pag kaanak ng maaga!

Mantakin mo ba namang mangisda siya sa gitna ng laot ng dagat ng magisa para lang maiulam! Araw-araw din ay sumasama siya sa mangingisdang naroon. At paminsan-minsan nagbubuhat ng mga batyang punong-puno ng mga nahuling isda habang nakaborles! Kaya ayun pinagpipiyestahan tuloy siya ng maraming mata ng mga kababaihan!

Hindi ako nagseselos sa ibang babae. Naiinis lang ako! Kasi porke ang daming naamazed sa kamachuhan niya ay lalo naman siyang nagpapasikat.

Kaya naman bago pa ako makakalbo ng mga linyang mahihilig sa machong katawan pumayag na akong bumalik na kami sa San Mateo.

At ngayon, halos magdadalawang linggo na akong nakabalik sa bahay niya. Tuwang-tuwa ang loko. Panay pa ang lambing niya sa akin. Iisang kwarto na din ang ginagamit naming dalawa. Iyong kambal may parehong kwartong ginagamit pero paminsan-minsan tumatabi sa amin kaya ang lalaki laging lukot ang mukha paano'y hindi maka-score sa akin.

Masayang-masaya din si Manang Artura dahil nagkasundo na daw kami ng alaga niya.

Araw-araw niya akong inaabutan ng flower boquet. At kahit nasa opisina niya siya nagpapadaliver siya ng bulaklak sa akin. Oras-oras at minu-minuto din ang pagtawag niya sa akin sa telepono. Kinukumusta ang kalagayan ko at ang mga kambal.

Hindi siya pumapalya. Bumabawi siya sa lahat ng panahong wala siya sa tabi ko at sa tabi namin ng kambal.

Kapag umuuwi na siya ng bahay palaging siya ang nagaasikaso sa aming magiina. Siya ang nagluluto kahit hindi siya marunong. Sinusubukan niyang aralin ang pagluluto at si Manang Artura ang coach niya sa cooking lesson. Panay ang reklamo niya sa tuwing natatalsikan siya ng mantika at pulos paso na din ang mga kamay niya dahil nadidikit ang balat niya sa kaserola at kawali sa tuwing nagpi-feeling chef siya pero hindi siya tumitigil hangga't hindi niya natutunan ang isang recipe.

Panay ang sermon ng matanda rito pero panay naman ang ingos ng isa. Kesyo, malapit na daw nitong maperpek ang niluluto ay pinagagalitan pa siya.

Natutuwa ako dahil unti-unti na talaga siyang nagbabago. Desidido talaga siyang pagsilbihan kaming magiina.

Hindi na siya tulad ng dati...

Iyon nga lang mas lumalala ang pagiging horny niya!

Nakakainis!

Araw-araw kaming nagmemake-love iyon kasi ang tawag niya. Make love hindi na basta sex lang with feelings na!

Aaminin ko masaya ako sa nangyayari dahil iyong pinapangarap ko noon ay unti-unti ng matutupad. Ang magkaroon ng sarili at masayang buong pamilya.

Pero...

Parang may kulang pa.

Pakiramdam ko ay hindi pa sapat iyong sayang nadarama ko. Para kasing may hinihintay pa ako at may gustong marinig.

Kasulukuyang nakatanaw ako ngayon sa bintana at pinanunuod ang paglalaro ng kambal kasama ang panganay na anak ni Henzel na si Kheilo nang may dalawang brasong pumalibot sa bewang ko.

"Dumating kana pala."

"Oo kanina pa. Nakita pa nga kita sa labas pagkababa ko ng sasakyan. Mukhang malalim ang iniisip mo para hindi ako mapansin." Ani Ali habang nakadantay ang sariling ulo sa balikat ko.

MY BOSS 2: Hot and WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon