Special Chapter #2:

114 6 12
                                    

“Goodbye, Grade Twelve.” Saad ni Sir Harry sa kaniyang advisory, si Sir Harry Roque ang siyang teacher at adviser ng classroom sunod kila Bongbong na siya namang advisory ni Professor Miriam.

“Goldbye, Sir Harry, goodbye, classmates, see you tomorrow again.” Paalam ng mga mag-aaral sa kanilang guro at sa kapwa nila mga kaklase, kalaunan nga ay nag-impake na sila ng kanilang mga ginamit sa klase upang lumabas na rin ng eskuwelahan.

It was just an ordinary afternoon for Riza Hontiveros, she’s already spending two months of her school year on the second section of grade twelve. Being in the top of their class is as important for her as being alive—even though it’s against her will.

Riza is literally depressed, hindi niya lang ipinapahalata sa iba dahil ayaw niyang nakikita nila siyang mahina. She has to be strong, she has to be on top of everything. Noon kasing nakaraang taon ay halos mapatay na siya ng mga magulang niya dahil may naibagsak siyang subject.

Ito rin ang nagresulta sa kaniya upang hindi mapabilang sa unang section sa Epiphany. Kabilang si Riza sa Section B, marami rin naman siyang mga kasama sa section niya noong mga nakaraang taon katulad nila Leila De Lima, at Francis Escudero o mas kilala nila bilang Chiz.

“Oh Riza, ’di ka pa ba magliligpit? Anong oras na oh, baka mahuli ka sa biyahe ng bus niyan.” Saad ni Leila nang makarating siya sa tapat ni Riza, napahinga naman nang malalim si Riza at isininop na nga niya ang kaniyang mga gamit.

“’Di ka pa ba nagtataka, Leila, she’s been in this situation for like... her whole junior high school life and even just last year. I doubt that she’ll be able to gain a lot of friends with that behavior.” Sabad naman ni Chiz nang makalapit ito kila Leila at Riza.

“I thought so, Chiz. Look, ayo’kong until college wala ka pa ring kaibigan, Riza. You need to get out of your comfort zone and like... touch some grass!” Sinapo ni Leila ang kaniyang noo matapos niya iyong sabihin.

“I don’t need any, I can do anything by myself and an could live without friends or so. Who would even waste a lot of time making those stupid things?” sabad naman ni Riza. Inilagay niya na nga ang kaniyang mga gamit sa kaniyang bag.

After that, she stood up and and she took a deep breath. Alam niyang mali ang kaniyang mga sinabi kay Leila kaya kaagad siyang bumaling dito.

“Look, I know na mali ang sinabi ko pero that’s based on my perception that’s making it right. I really don’t need friends though, pero kailangan ko kayo ni Chiz. Dahil kayo na lang ang me’ron ako eh.” She smiled at them.

“Alam ko naman ’yon, but still, you need to have some friends before this school year ends. Hindi talaga ako papayag na wala ka man lang maging kaibigan up until this March next year. Anong petsa na oh, July na!” sumabad muli si Leila.

“I got some club stuffs to do, see you tomorrow, you two!” nagpaalam na nga si Chiz. Tumango naman ang dalawa at hinayaan na lang nila siyang umalis. Riza and Leila doesn’t really prioritize clubs at any rate.

For them, it’s just a waste of time. Dahil nga wala silang club ay sabay din silang umuuwi at nagco-commute, pareho silang maykaya sa buhay pero napili nilang nag-commute na lang dahil ayaw nilang makasagabal sa trabaho ng mga magulang nila upang sunduin pa sila ng mga ito galing sa eskuwela.

Hindi naman din sila gano’n kayakan para maka-afford ng sarili nilang service kaya wala silang pagpipilian kung ’di ang mag-commute. May kalayuan kasi ang terminal ng bus mula sa kanilang eskuwelahan at ay naaabutan pa sila ng rush hour kaya medyo mahirap din para sa kanila.

Nang makalabas sila Riza at Leila ng kanilang eskuwelahan ay kaagad nang bumungad sa kanila ang amoy ng mga usok na galing sa iba’t ibang klaseng sasakyan. The noise coming from it also lights up the atmosphere, habang lumulubog ang araw ay siya ring pagliwanag ng buong bayan.

HatsukoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon