Kabanata 45

18.3K 1K 723
                                    

"Mamita, sigurado ka bang uuwi na si Orpheus?"

Hindi talaga ako mapakali matapos namin mag-tanghalian. Umasa ako kaninang umaga na uuwi siya dahil sumikat na ang araw at hahanapin na niya ako ngunit wala ni-isang bakas ni Orpheus ang bumabalik.


"Uuwi 'yon," sabi niya. "Malapit na."

Kaalis lang ni Evan at bumalik ito sa loob ng kuwarto para maligo. May mga damit naman siya rito kaya wala iyong problema. Nilingon ko si Mamita,  tahimik siyang nagkakape habang nakatanaw sa bayan mula rito sa teresa ng unang palapag ng palasyo.

"Bakit mo hindi pinapansin si Evan?" tanong ko, "hindi mo ba siya miss?"

Nilapag niya ang tasa ng kape niya sa mesa at umiling, "miss na miss syempre. It's just some problems between his dad and him, nadadamay siya."

Napatango ako, "why is dad acting like he wants you back? May girlfriend siya. . . 'di ba?"

Dinampot ni Mamita ang isang kahon sa harapan niya. I watched her opened it. May dalawang baso roon, punyal at tali na nakabuhol. Kumunot ang noo ko.

"Ito ang ginamit namin noong kinasal kami. Dito namin pinadanak ang dugo na galing sa palad namin at inihalo sa alak bilang isang tradisyon sa pagpapakasal," sabi niya. "Ito ang tali na ibinuhol namin noong araw na iyon."

"Anong gagawin mo d'yan?" tanong ko.

Kinuha ang tali na iyon at pinasadahan ng paghawak at haplos. Sinundan ko ng tingin ang isa niyang kamay na inabot ang punyal. Dumaan ang lito sa mga mata ko at agad na nagsalita.

"Mamita, anong ibig sabihin nito?" tarantang tanong ko, "bakit mo puputulin?! W-wala kang permiso ni dad!"

Nilingon niya ako at umiling, "isa akong reyna, Hara. Kahit walang pahintulot ni Timothy, kaya kong ipagwalang-bisa ang kasal. Malalaman niya iyon kapag naputol din ang tali na nasa kaniya."

Umawang ang labi ko. Alam kong nasasaktan siya sa nangyayari, oo may girlfriend si dad pero parang mali na hindi niya sabihin kay dad ang tungkol dito. Hinawakan ko ang braso niya at kinuha ang punyal at tali sa kaniyang kamay.

"Pag-usapan niyo muna ni dad ang tungkol dito. Narito na naman si Evan at p'wede natin sabihin sa kaniya ang tungkol dito para sabihin kay dad."

Tumawa si Mamita, "tanga ka, 'di papayag 'yon."


"Just explain yourself to him. Siguradong maiintindihan  ka niya, may girlfriend si dad, e!"

Umirap siya at nagkibit balikat. Alam ko rin naman na hindi papayag si Evan pero maiintindihan naman iyon ni Evan kapag inexplain. Sigurado ako na hindi rin naman siya makakapayag na palagi na lang nasasaktan ang nanay niya kahit may tampo siya rito.


Napailing ako at inirapan si Mamita ngunit agad na tumayo nang makakita ako ng mga papalapit na kumpulan ng mga lobo. Pati si Mamita ay tumayo, inihanda ko ang pana at palaso ko ngunit pinigilan ako ni Mamita. Pareho naming tinakbo ang distansya ng teresa at bungad ng palasyo. Tumigil ang mga ito sa harapan namin.

Maliit ang mga ito at bilang lamang ang malalaki. Natuon ang pansin ko sa maliit na itim na lobong nangunguna sa kanila. Nilingon ko si Mamita, tinanguhan niyo ako kaya't walang pag aalinlangan ko itong binuhat.

"Oh, my baby," I hugged Orpheus after he changed his form. Mariin ko siyang niyakap at hinalikan ang pisngi ng ilang beses. He hugged me back tightly.

"Mummy, I missed you. . ." hikbi niya.

I caressed his back. Wala na siyang pag itaas na damit at tanging pajama na lamang ang natitira. Nag-aalalang nilingon ko si Mamita na nakaharap sa mga lobo. Isa - isa rin itong nagpalit ng anyo, mas marami nga ang bata at iilan lamang ang mga binata.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon