Treinta Y Tres
"Let her go, fucker." Napatingin ako sa taong nagsalita.
Si Theo!! Matalim siyang nakatingin kay Luke. Para siyang hayop na handang pumatay. Nakakatakot ang dating niya. Mas nakakatakot kesa kay Luke. Nakakuyom din ang dalawa niyang kamay.
"T-Theo!" Nanginginig kong sabi. Tumingin siya sakin na para bang sinasabi na wag akong magalala. Ililigtas niya ako.
Narinig kong nangaasar na tumawa si Luke. "Ah! So the prince charming is here? Going to save your little princess?" Tukoy niya sa akin at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa braso ko. Napa aray ako sa sakit. Siguro kulay violet na 'yon ngayon. Baka nga wala ng dugong dumadaloy eh.
Suminghap si Luke na para bang may biglang naalala.
"Oh, I remember you! That's why you look so familiar! Where was that— ah right! Ikaw yung nakasapak sa akin sa bar! That asshole! Hindi pa nga ako nakakaganti sa ginawa mo sakin tapos ngayon mangaagaw ka ng hindi sayo?! Well I won't fucking allow that!" Marahas na binitawan ni Luke ang braso ko at sinugod si Theo kahit na pa suray suray na ang lakad niya.
Susuntukin na niya sana si ito pero sadyang mas mabilis kumilos si Theo at nakaiwas agad kaya imbes na makakasuntok si Luke ay muntik na siyang sumubsob sa lapag. Tumayo ulit ng maayos si Luke. Ayaw papatalo kahit mukhang hindi na kaya makipag sapakan dahil sa kalasingan. Susuntok sana siya ulit pero this time ay naunahan na siyang sapakin ni Theo. Hindi ko maiwasang wag mapatili dahil dun.
"T-Tama na, Theo! H-Hayaan mo na siya!" Agad kong nilapitan si Theo para pigilan dahil kung hindi ay malamang mabubugbog niya ng husto si Luke. Ayaw ko naman mangyari 'yon.
Hinawakan ko ang braso niya at marahas na hinarap sa akin. "T-Tama na, okay?" Naluluha kong sabi sa kanya.
Ayokong makasakit si Theo. Baka mapahamak pa siya ng dahil sa akin. Hindi na rin naman siguro manggugulo si Luke dahil nakita ko itong nakahiga sa lapag at nakapikit ang mga mata. Nakatulog na siguro sa isang suntok lang ni Theo.
Bumalik sa normal ang paghinga ni Theo. Hindi na siya nanginginig tulad kanina na tila ba'y galit na galit.
Hinawakan niya ang mukha ko. "Ayos ka lang? May masakit ba sayo? Gusto mo bang pumunta sa ospital?" Sunod sunod niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kasiyahan despite sa nangyari.
Ngumiti ako kahit papaano at umiling. "Ayos lang ako. T-Thank you."
Narinig kong bumuntong hininga siya. "Hindi sana kita hinayaan pumunta sa cr na mag isa. Dapat pala ay sinamahan kita. I'm sorry." Guilt flashed all over his face.
For the second time ay umiling ako. "Don't say sorry. It's not your fault."
Hindi nalang siya sumagot. Kinuha niya ang kamay ko at hinatak paalis dun in a gentle manner. Nilapitan namin ang isang staff na lalaki na nasa harapan ng hotel at pinakuha ni Theo ang sasakyan niya sa valet parking. Maya maya lang ay dumating ito.
Tahimik lang siya nagdadrive. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa harap. Nga pala, meron naman na sigurong nakakita kay Luke doon 'diba? Kahit papaano ay naawa rin ako dito. Awa lang ang naramdaman ko. Nothing else. Narealized ko rin na wag ng magtanim ng sama ng loob sa kanya. Siguro ay lasing lang talaga siya kaya niya nagawa yung kanina.
Sumulyap ako kay Theo. Kailangan mabasag 'tong katahimikan na ito. Naiilang na rin kasi ako. Gusto ko rin magsorry kasi sinira ko ang gabi niya.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...