ᜀᜅ᜴ᜀᜃᜒᜅ᜴ᜆᜓᜎ

4.7K 102 1
                                    

"Muling muli"
by miss demon

Sa bawat yabag ko
Patungo sa kung saan
Patungo sa malayo kung saan hindi sayo
Muling isang hakbang palayo
Muling muli, pabalik sayo

Para akong hinahatak ng hangin
Hinihila pabalik sayo
Tinutulak palapit sa bisig mo
Paulit-ulit walang hangganan
Walang katapusan

Dulot mong enerhiya
Dating ay kilabot
Puno ng pananabik
Sa bawat segundong magdadaan
Sa bawat pagpikit ng talukap ng mga mata
Dagsa ng damdamin kong
Hindi maipinta

Madilim, kagaya ng pusong may lihim Umiiyak, nasasaktan, natatakot aminin Kailangan kita, na sa pagbago ng petsa
Sa kalendaryo nais kong hagkan kita
Manatili ka sa bisig ko
Sa huling araw ng taon at mga susunod pa

Hilahin mo 'ko
Hawakan ng mahigpit
At huwag mong pagkabitawan
Turuan mo 'kong muling lumikha ng liwanag
Na sabayong pananabik muli kang mahanap

Hindi tuwid ang hangganan
Maaari akong lumisan
Na sapagsibol ng buwan
Maaari akong lumangoy sa dagsang liwanag
Ngunit pinili kong manatili
Muling muli, inibig kong manatili

Sa bawat pag-ikot ng planeta
Sa bawat sukat ng tingin
Alam ko, na sa muling muli
Iibigin kita hanggang huli
Hindi alintana ang puot at giit

Mananatiling puso ay sumasaiyo
Dahil sa bawat pag-ikot ng buwan
Kinang mula saiyo ang natatangi
Hindi ako sumuko, patuloy na nag-antay
Hindi napagod magbakasakali
Dahil alam kong muling muli kang
Magliliwanag sa munti kong mundo

Muling muli, nariyan ka na
Iniibig na hindi na muling malalayo pa
Na sa bawat pagkinang ng buwan
Kasama kita, tuyo na ang luha
Mga sugat ay naghilom na

Maaari ng tapusin ang hangganan sa simula
At simulan ang hangganan
Puno ng ligaya
Wala ng espasyo sa puot at kalungkutan
Tanging galak at pagmamahalan lamang
Muling muli, mahal kita

          
Follow me on
Twitter: @callmemsdemon

On The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon