Kabanata 46

18K 1K 622
                                    


"Orpheus, bilisan mo na d'yan."

Gabi na nang mapaliguan ko si Orpheus dahil nakatulog ito sa kama. Nakababad siya ngayon sa batya at naglalaro ng tubig. Evan is here, helping me to pack our things for tomorrow. Hindi ko alam kung dito muli siya matutulog dahil ang sabi niya kay Paris, ngayon ang uwi niya.

"My God, Orpheus!" sinapo ko ang noo nang makita ang stuff toys niyang maliliit na nasa tubig din. "Bakit mo dinala d'yan?! Paalis tayo bukas, mahirap patuyuin 'yan"

Tuwang tuwa siya roon dahil pati ang sabon ay nilaro niya. Na-busy lang ako sa pag-aayos ng mga gamit namin ay naglandi na siya.

"Mummy, I miss chiz," tingala niya sa akin habang sinasabunan niya si spongebob. "I want chiz, mum."

Binuhat ko siya paalis sa batya at ang mga laruan nito. Napairit ako nang yakapin niya ako dahil basa siya. Naging dahilan ang pag-irit ko nang pag-pasok ni evan sa banyo. Natigilan si Orpheus at nag-iwas ng tingin.

"Ayos lang ba kayo d'yan?" tanong niya sa akin at lumapit. Bahagyang umatras si Orpheus habang nakaakap sa akin.

Tumango ako sa kaniya. He picked up the toys to clean the mess but Orpheus yelled at him.

"Don't touch them! It's all mine!" hinampas niya si Evan ng bote ng kaniyang baby shampoo.

Umaray roon ang lalaki at sinapo ang braso niya. Agad kong pinatigil si Orpheus, "that's bad! Daddy is just helping us to clean your mess, hindi niya kukunin ang toys mo!"

Pati ako ay aksidente niyang hinampas kaya't nakielam na si Evan. Kahit nagpupumiglas ang bata, hubo at basa pa ay binuhat niya ito.

"Why did you hit mommy, huh?" tanong ni Evan sa bata, "tama ba 'yon? Tama ba ba 'yon, Orpheus?"

Natigilan siya at tiningnan ang hawak niyang bote ng shampoo bago tumingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin at hinaplos ang braso ko na nahampas niya upang mapansin niya iyon. Ramdam ko ang pananahimik niya at maya mayang pag iyak sa balikat ni Evan.

"Sorry. . ." iyak niya, nakataklob ang dalawang palad sa mukha. "Sorry po, mommy. . ."

Suminghal ako, "mommy lang? Kay mommy ka lang magso-sorry?"

Nagtuloy tuloy ang hikbi niya. A small smile formed on Evan's lip while we were acting mad at Orpheus. Pinandilatan ko ng mga mata si Evan at tinanguhan. Tumikhim siya at nagsalita na.

"Ang bata bata mo pa, ang bad mo na," aniya sa galit na tono. "What if mom bleed? Is your sorry enough to heal her?"

Dahan dahang umiling si Orpheus. He looked at his father while crying and shaking his head.

"I'm. . ." humina ang boses niya, "I'm sorry, daddy." his voice broke.

Matagal bago nakaimik si Evan dahil natigilan ito. He kissed our son's forehead while his eyes are closed. Niyakap niya rin ang bata at tinanguhan ito.

"It's okay, buddy. Just don't do it again, never hurt your mommy, okay?" he softly whispered to Orpheus that nodded at him immediately after he finished his sentence. Ibinaba ni Evan ang bata, "okay, magpa-wash ka na kay mommy. Maaga tayo matutulog."

Evan gave me a quick kiss on lips before he stepped out of the room. Agad akong nag iwas ng tingin matapos niyang umalis dahil ngayon lang muli ako nakaranas nang maya't-maya na halik. Nakakapanibago at nakakahiya minsan.

After cleaning Orpheus, we all went to the dining area to have dinner with Mamita and Dakila. Vegetables everywhere, tanging ang isang plato lang ang naglalaman ng manok. It's obviously just for Evan because he doesn't eat those kinds of healthy foods.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon