Chapter 1

1K 45 15
                                    

(Mayumi Pov)

Habang bumibili ako ng mga pagkain dito sa may grocery store ay may naramdaman akong nakatingin sa akin, palihim ko namang sinilip kung sino ito. Hindi ko gaano makita ang kaniyang mukha dahil nasa madilim ito ng parte nang kabilang daan. Hindi ko naman ito pinansin at kinuha na lang ang mga binili ko. Umalis naman ako sa lugar na iyon at nagpatuloy na sa paglalakad pauwi sa aking bahay. Walang gaanong tao sa lugar na ito dahil malayo ang grocery store sa mga kabahayan.

Napangisi naman ako dahil naramdaman kong sumunod ito at hindi na siya nag-iisa at may mga kasama na ito. Nilagay ko naman ang isang kamay ko sa aking bulsa habang dala-dala ang binili ko sa grocery store. Nakarating na ako sa mga kabahayan na nandirito pero nararamdaman ko pa rin ang pagsunod ng mga ito sa akin.

Lumiko naman ako sa may isang eskinita para sana iligaw sila pero masyadong mautak ang mga ito dahil hindi ko sila maligaw-ligaw. Binilisan ko naman ang aking paglakad pero ganun din ang mga ito. Wala na akong choice kundi labanan ang mga ito sa walang kataong lugar para matapos na.

Nakarating naman ako sa isang madilim na bahagi ng lugar na walang katao kaya napangisi ako. May nakita naman ako dun na puno kaya napasandal ako doon habang hinihintay ang mga ito. Ilang segundo lang ang aking hinihintay ng maramdaman ko ang kanilang presensiya na paparating. Isinabit ko naman ang pinamili ko sa may puno at inayos ang aking sarili. Nakita ko naman ang mga ito na parang may hinahanap kaya mahina akong napatawa.

Mukha silang mga tanga sa kakalinga sa kung saan para mahanap lang ako. Napailing naman ako at nakapamulsang lumakad papunta sa harapan nila. Nagulat naman sila at napaatras ng biglaan akong sumulpot sa kanilang harapan.

Walang gana ko naman ang mga itong tinignan. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ang mga ito kaya mahina akong napatikhim na siyang nagpabalik sa kanilang sarili.

"Oh, nandito ka lang pala, mabuti naman at nagpakita kana." Nakangising sabi ng isa sa kanila.

"Naaawa kasi ako sainyo, nagmumukha kayong tanga kakahanap sakin." Nakangisi ko ring sabi.

Nag-iba naman ang timpla ng kaniyang pagmumukha kaya mahina akong napatawa. Ang bilis magbago ng mood ng panget na ito.

"Nang-aasar kaba, ha?" Galit niyang sabi at dinuro ako.

Napataas naman ang isa kong kilay dahil sa ginawa niya.

"Pano kung sabihin ko, Oo? Magagalit kana nyan?" Nakangisi kong sabi.

Nakita ko namang lumaki ang butas ng kaniyang ilong at nakikita ko ring parang may lumalabas na usok dito.

"Aba! Tarantado rin itong babaeng to ha!" Galit na sigaw nito.

Mahina naman akong napatawa dahil sa kaniyang kinikilos ngayon. Masyado siyang pikon sa lagay na yan.

"No, I'm not. Ikaw ba?" Mas lalo kong pang-aasar sa kaniya.

Susugurin na niya sana ako ng pigilan siya ng kaniyang mga kasamahan. Galit na galit itong nakatingin sa akin pero mas lalo ko lang siyang inasar.

"Hoy, ikaw! Tumigil kana kung ayaw mo pang mamatay ngayon." Pagpapatigil sa akin ng isa nilang kasamahan na mukhang unggoy.

"Why would I? Edi, patayin niyo, kung kaya niyo." Nakangisi kong sabi.

Tinignan naman nila akong lahat ng masama na ikinabilog ng bibig ko.

"Oh, look! I'm scared na," pag-iinarte ko sa mga ito na parang natatakot talaga.

Mas lalo naman nila akong tinignan ng masama na ikinahagalpak ko ng tawa. Napapalakpak naman ako sa kanilang harapan habang may malaking ngiti sa aking bibig.

She's a Badboy's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon