Chapter 2

435 28 7
                                    

Nagising naman ako dahil sa ingay na aking naririnig mula sa aking pintuan. Katok na para bang gusto ng sirain ang aking pintuan. Napakunot naman ang aking noo at bumangon nalang. Kinusot-kusot ko naman ang aking mata at tinungo kung nasaan ang aking pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan ay agad bumungad sa akin ang mukha ni buknoy, tinignan ko naman siya ng walang gana. Napansin ko rin na pawis na pawis ito at parang takot na takot.

Anong problema ng isang ito? Kay aga-aga nangbubulabog.

"Oh, anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong na parang inaantok pa rin.

"Boss, kailangan namin ang tulong mo! Si Mang Kaloy, nagwawala na naman, lasing," tarantang sabi nito.

Napakunot naman ang aking noo dahil sa aking narinig. Mahina naman akong napabuntong hininga at tinignan siya ng walang gana.

"Nasaan ang matandang yon?" walang gana kong tanong sabay hikab.

"Nandon po sa harapan ng bahay ni Aling Bebang," sagot niya.

Napatango naman ako sa kaniya at kinuha ang baseball bat ko. Nauna naman akong lumabas ng bahay at sumunod naman ito sa akin.

Hindi pa kami nakakarating doon ay napansin ko na maraming mga taong nandon, nakiki-usyo. Tsk, mga chismoso't chismosa.

Pagkarating namin doon sa kung saan ang pinangyarihan ng gulo ay nakita ko si Mang Kaloy na nagwawala habang may hawak-hawak na itak.

Mahina naman akong napabuntong hininga at napapikit ng mariin. Ang aga-aga ito agad ang bubungad sa akin? Wow! as in wow.

"Tabi!" Sigaw ko kaya napatabi naman silang lahat.

"Nandyan na si Boss, mabuti naman."

"Lagot na naman si Mang Kaloy nito."

"Mabuti nga sa kaniya yan e."

"Hindi na nagtanda, mabuti nalang nandyan si Yumi."

"Kung ako kay Bossing, dapat itali si Mang Kaloy, tuwing nagwawala ito para mag-tanda."

"Itali ng patiwarik para mas lalong mag-tanda."

Hindi ko na pinansin ang mga taong nagbubulungan sa paligid at nagtungo nalang sa kung nasan si Mang Kaloy.

Napatigil naman ito ng makita niya ako. Gulat na gulat ito habang nakatingin sa akin. Parang naging maamo itong tuta pero nung kanina ay parang tigre itong nagwawala at nang-aaya pa ng away.

Itinutok ko naman sa kaniya ang baseball bat ko at tinignan siya ng walang gana.

"Itapon mo yang hawak mo," walang gana kong sabi.

Agad niya namang itinapon at napaluhod nalang sa may harapan ko. Napataas naman ang isa kong kilay at humakbang ng isang beses palapit sa kaniya. Nakita ko naman siyang nanginginig habang takot na takot na nakatingin sa akin na siyang ikinatingin ko sa kaniya ng seryoso.

"Alam mo bang inabala mo ang tulog ko?" Walang gana kong tanong sa kaniya.

Itinukod ko naman ang baseball bat ko sa lupa habang ang isang kamay ko ay nasa bulsa ng aking pantalon.

Napayuko naman siya na parang nagdadasal na ikinatingin ko sa kaniya ng walang gana.

"Patawarin moko, Yumi. Ito kasi si Aling Bebang, ayaw niyang tanggapin ang pag-ibig ko para sa kaniya," sumbong nito sa akin.

Nakarinig naman ako ng hiyawan ng mga taong nasa paligid namin na ikinairap ko. Napahilot nalang ako sa aking noo dahil sa mga pinaggagawa nila.

Binalingan ko naman ng tingin si Aling Bebang na pulang-pula na ngayon. Mahina naman akong napabuntong hininga at tinalikuran na ang mga ito. Dahil lang pala sa walang kwentang dahilan. Hindi ako ng mga ito napansin na umalis dahil abala ang mga ito sa panunukso kina Aling Bebang at Mang Kaloy.

She's a Badboy's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon