Chapter 38

1.3K 58 2
                                    

"So... what now?" panimula ko nang walang narinig sa kaniya.



Kahahatid ko lang kay Nero sa silid namin at mahimbing ang tulog ng anak ko, mukhang hindi na yata makakapaghapunan iyon pero paniguradong magigising iyon sa gitna ng gabi at gigisingin ako para kumain. Kami naman ni Han ngayon ay nandito sa may swimming pool area. Maliwanag ang paligid dito kaya rito namin naisipang mag-usap. Tahimik si Han at nakatanaw lamang sa kawalan.



"Mag-usap na tayo, Han," maiksi kong sabi nang hindi siya umimik.



"Mahal mo pa ba siya? O talagang hindi ka tumigil sa pagmamahal sa kaniya?" sa halip ay tanong niya sa mahinang boses at kahit walang pangalang nabanggit, kilala ko kung sino ang tinutukoy niya. "Siya... ilang buwan mo lang nakasama pero hindi mo pa rin makalimutan, samantalang ako naman ay ilang taon mo nang nakasama pero hindi mo pa rin akong magawang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kaniya."



Noong nasa German kami ay kinuwento ko ang lahat kay Han. He never seen and he don't know Clarence that time. Kinuwento ko ang lahat-lahat kay Han, kung saan kami nagsimula ni Rence at kung paano ako kutyahin ng ibang tao na pumatol ako sa guro para lamang daw sa grades. Bagsak naman talaga ako palagi sa Stenography pero pasado naman ang marka ko. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay iyong kinutya ako ng mga schoolmates ko at naglabas ng maling impormasyon. Han was sorry for me when I told him everything. May tiwala ako kay Han, malaki ang tiwala ko sa kaniya kaya kinuwento ko ang lahat sa kaniya dahil alam kong makakatulong talaga siya sa akin. And I wasn't wrong to believe and trust him. For years with him, I could say that Han never failed to amaze me.



"Bakit ba, Elle?" muli niyang saad kinalaunan nang wala siyang narinig na kahit ano mula sa akin. "Gusto kong malaman kung bakit sa tuwing umaamin at aamin ako sa 'yo ay iniiba mo ang usapan. Ayaw mo ba talaga akong pakinggan?"



Bumuntong-hininga ako. "Han, hindi naman sa ganoon... Ayaw ko lang kasi na maging awkward ang nasa pagitan nating dalawa..."



He scoffed. "Awkward? O talagang ayaw mo lang akong pakinggan? Kung siya ay kaya mong pakinggan at ako naman ay hindi? Ano ba kasi ang mayroon siya na wala ako, Elle? Bakit siya ang mahal mo? Ano ba ang mga dahilan kaya mo siya minahal?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.



"Sinabi ko na sa 'yo noon, hindi ko alam, Han," I explained briefly. "I just love him. Kapag ba magmahal ka ng isang tao, kailangan ba talaga ng dahilan, Han? A real love has no reason. Han, iniiwasan kong pag-usapan natin ito dahil ayokong saktan ka..."



"Pero nasasaktan na ako, Elle." Gumaralgal ang kaniyang tinig. "Nasasaktan ako sa bawat pagpapadama mo sa akin na hanggang kaibigan lang ako. Minsan natutuwa ako sa tuwing pinapakilala mo 'ko sa iba bilang fiancè mo pero nangingibabaw ang sakit kasi alam kong hindi, eh... Pinapalabas mo lang na may fiancè ka kasi... ayaw mo ring may umaasa sa 'yong iba. At nang makita ko siya... hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. You stared at him like he's the only person you see..."



"H-Hindi ako nakatitig sa kaniya, Han," I said defensively.



"Hindi mo lang napansin," he whimpered. "Tell me, Elle... Mahirap ba akong mahalin?" mapait niyang dugtong at mapaklang napatawa sa kaniyang sarili.



Umiling ako. "H-Hindi, Han... Hindi ka mahirap mahalin."



"But why is it hard for you to love me?" he whispered bitterly. "Why can't you love me the way you love him, Elle?"



Napatiklop ako. Hindi ako makapagsalita kaya napayuko ako dahil sa narinig mula sa kaniya. I think, that was the arduous question from him. Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong niyang iyon kaya mas pinili ko na lang na itikom ang aking bibig.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now