Chapter 4

350 20 8
                                    

“Give me a reason to accept you in my store,” tanong sa akin ng Manager ng store.

Nandito kami ngayon sa kaniyang opisina, mabuti na lang ay dumating agad ito at hindi na ako naghintay pa ng matagal.

Walang gana naman akong napasandal sa aking upuan dahil sa tanong niya.

“Wala akong maiibigay sayong rason para tanggapin mo ako rito, ayokong magsalita tungkol sa mga gagawin ko o hindi ko gagawin. Just give me a chance to work on your store and I will do my best to work on it,” walang gana kong sabi sabay tingin sa kaniya.

Nakita ko naman siyang napangisi kaya napataas naman ang isa kong kilay. Matanda na ito pero mukhang bata pa rin kung titignan dahil sa kaniyang pananamit at kilos.

“Hmm, pag-iisipan ko,” nakangising sabi niya.

Mahina naman akong napabuntong hininga at tinignan siya ng walang gana sabay tayo.

Aalis na sana ako ng tawagin niya ako ulit.

“Teka,” ani niya.

Hindi ako humarap sa kaniya at nanatili lang nakatalikod habang hinihintay ang kaniyang sasabihin.

“I'm just kidding, you're hired,” wika nito.

Napaharap naman ako sa kaniya at hindi makapaniwala dahil sa kaniyang sinabi. Napatayo naman siya at lumapit sa akin.

“Congrats, Mayu. You can start tomorrow,” nakangiting sabi niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa tinawag niya sa akin.

“Mayu?” pag-uulit ko sa kaniyang sabi.

Napatawa naman siya at tinapik ang aking balikat na siyang ikinatingin ko naman dito.

“Yes. Why? You don't want that nickname?” Tanong niya.

Mahina naman akong napabuntong hininga at napailing.

“No. Call me whatever you want, I don't care.” Walang gana kong sabi at tinapik ang kamay niya na nakahawak pa rin sa aking balikat.

Mahina naman siyang napatawa na ikinatingin ko sa kaniya ng nagtataka.

“Tsk. Crazy Manager,” ani ko sa aking isipan.

“You know what? I like you,” ani niya na agad ko namang ikinatingin sa kaniya.

Napalaki naman ang aking mata dahil sa kaniyang sinabi. What the hell is wrong with this old man?

“The hell! Are you crazy? Tsk, I don't like you old man,” inis kong sabi.

Napaatras naman ako dahil bigla itong napahagalpak ng tawa. Napakagat labi naman ako dahil parang gugulong na ito sa kakatawa.

“Now, I really know that this old man is crazy, period.” Mahina kong bulong sabay na umiling.

“Shit! You're so funny, Mayu, that's why I like you,” natatawa niyang sabi nang sabihin niya iyon.

Mahina naman akong napabuntong hininga dahil sa kaniyang sinabi ulit.

“Damn,” mahina kong bulong.

Aalis na sana ako ng pigilan ako nito kaya napatigil ako at hinintay ang kaniyang sasabihin.

“Wait, Mayu!” Sabi niya at pumunta sa aking harapan.

Hindi ko nanaisin na magkagusto sa matandang to. Kadire, mukhang baliw pa naman.

“Hoy tanda, tigilan moko baka masapak kita,” walang gana kong sabi.

Napataas naman ang kaniyang dalawang kamay at napatingin sa akin ng nakangiti.

She's a Badboy's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon