strike the gazer

1.3K 27 9
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THREE
strike the gazer
━━━━━━━━━━━━━━━━

"Putangina." Nangangalaiti kong mura bago hinagis ang bag ko sa sulok ng kwarto na siya namang dahilan ba't nagkalat lalo ang mga gamit ko.

Hindi ko 'yun pinansin at pinaghahagis din ang sapatos ko sa sulok kasama na rin ang relos na suot ko.

Mabilis akong dumapa sa kama at binaon ang mukha ko sa unan bago sumigaw nang malakas.

Sobrang nag-aalab ang puso ko sa galit lalo na sa mga kaibigan ni Caliem dahil sa ginawa nila kanina pero tapos na, tapos na at wala na kong magagawa kasi kapag lumaban pa ako ay mapahiya lang ako lalo.

Gumatong sila nang gumatong at wala akong laban dahil nag-iisa lang ako, wala rin namang witness na magsasabing hindi ko 'yun ginawa kasi wala akong kakilala roon.

Dagdag mo pa ang nag-aalab na tingin ng mga tao ro'n dahil sa eskandalo kuno na ginawa ko kaya wala na rin akong naging choice kundi tumalikod at umalis.

Pagkauwi ko sa apartment, nagtaka pa mga kasama ko bakit gano'n ang ayos ko pero nginitian ko lang sila atsaka na ako pumasok sa sariling room ko.

gBumungad pa sa'kin 'yung gulong iniwan ko bago ako umalis, mas lalo akong nainis dahil do'n kahit kasalanan ko naman.

"Mga Vuerrero, putangina niyo!" Naiiyak kong sigaw habang nakadapa pa rin sa kama.

Wala na akong lakas, wala na ring parte ng katawan ko ang may gustong gumalaw at halos gusto ko na lang humilata at mamatay doon. Langit-langit ang inis ko at parang gusto kong ibaon sa lupa sarili ko.

Hindi pa ako nakakakain, wala rin akong napala sa paghahanap ng trabaho, nawalan pa ako ng pera kasi binayad ko sa cashier kanina, nasiraan ng sapatos at bag, napahiya sa loob ng 7/11 sa bagay na hindi ko naman ginawa, at sa kamalas-malasan ay nagtagpo pa ang landas namin ng lalaking ayoko na talagang makita pa ulit.

Tuluyang dumausdos ang luha ko sa galit. Hindi ko alam pero kapag naiipon ang galit ko ay naiiyak na lang ako lalo na kapag wala akong magawa kasi mas pinili kong gawin lahat mag-isa.

Ayoko ring humingi ng tulong, ayoko rin namang makaabala, at mas lalong ayokong baka sumbatan nila ako na tinulungan nila ako. Mas lalo lang akong manghihinayang kung gano'n.

"Nakakainis. Nakakabwisit. Putangina kayong mga Vuerrero kayo. Sinusumpa ko talaga mga angkan niyo." Umiiyak kong bulong bago bumangon, dumako rin ang tingin ko sa salamin at halos gusto kong magwala ng makita ko na mas lalo akong pumangit.

Pangit na nga ako kanina, pumangit pa ngayon. Kasalanan talaga 'to ng mga Vuerrero, nakakabwisit.

Nagkalat ang mascara na sinuot ko, kalat na rin ang cerise lipstick na paborito ko, at mas lalong hindi na rin maayos ang buhok ko gaya kanina pero gaya ng dati ay mabilis ko 'yun pinalis sa utak ko atsaka umirap na lang.

Hindi ako pwedeng umiyak dahil lang doon. Ang babaw no'n, mas malala pa 'yung naranasan ko noon pero hindi naman ako umiyak. Sobrang nakakafrustrate lang kasi talaga, sobrang nakakabwisit ng nangyari ngayon at mas dumagdag pa roon ay 'yung pag-ring ng cellphone ko.

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili bago tumayo at inayos ang postura ko.

Mabilis ko ring kinuha agad ang cellphone ko mula sa bag dahil baka importante ang tawag at mukhang importante nga siya kasi may halos benteng miss calls na mula kina Mama na hindi ko 'ata napansin kanina.

"Hello, Ma?" Magiliw kong sagot, mabilis kong tinago ang poot at dismaya sa boses ko dahil baka pauwiin nila ako ro'n nang permanente kung malaman nila ang nangyayari sa'kin dito sa syudad. Ayoko rin namang manirahan doon lagi at umasa sakanila, ang laki-laki ko na para ro'n.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon