Chapter 12

50.5K 1.3K 181
                                    

Sea Without Waves

Entertain

I don't understand how the concept of love truly works. The stages are always foreign to me.

For me, all of it are typical love stories. Mahuhulog sa isa't isa. Magkakaroon ng label. May haharapin na problema. Tapos magb-break. Siguro magkakalayo pa ng ilang taon ngunit magkikita ulit.

It's always typical. Paiba iba lamang ng desinyo at estilo ngunit katulad lang naman lahat. You will get hurt and you will lose either yourself or your that certain person on the process of loving too much.

Kahit ata anong bura ko sa aking isip sa mga sinabi ni Draven, para na silang mga ugat na nanuot sa kasuluk-sulukan at hindi na madaling putulin.

Naalala ko ang pagkakadulas ni Trison at may nabanggit na kakaiba. Siguro isa iyon sa rason kung bakit ganito umasal si Draven.

Ngunit paano naman iyong narinig ko? At sa nararamdaman ko, parang may pagdududa sa akin kung seryoso ba talaga si Draven o may plano lang talaga kaya ganito ka pursigidong paamuhin ako.

Kinagat ko ang dulo ng ballpen habang binabasa nang maigi ang mga tanong sa test papers. The whole room was silent. Seryoso ang lahat sa pagsasagot at tanging tunog lamang ng dalawang electricfan sa itaas na paikot ikot ang pumapaibabaw.

I answered some of them confidently. Sa bawat lingon ko sa gilid kahit wala naman akong planong mangopya at kuryoso lang sa katabi ko, mabilis agad akong titingnan ng guro at matamang titingnan na para bang nahuhuli niya ako kahit wala namang ginagawa.

Trison's so serious while answering his papers. Too much for being smart and top one student huh? I sighed boredly while scribbling my answer on the essay of the exam.

I need to pass. I need high grades. Lola will probably agree to my favors once she realized I'm doing well in school?

Ngunit papayag ba talaga siya? Knowing she knows everything, I'm sure she will think of it thoroughly.

But it won't scar our wealth. It won't affect us. Para lamang iyong bato sa malawak na lupain. Ang kanyang pagsang-ayon ay hindi makakaapekto at maliit lamang na bagay.

I've known Lola for being strict. Malupit daw sabi ng iba. She had done so many things in order to maintain our wealth intact. She conquered so many battles alone without my grandfather by her side.

At sa pagkakaalam ko, si Lolo pa ang nag-iwan ng problema sa kanya noong mawala ito kaya mas naging grabe ata ang tingin niya sa mga lalake.

My thoughts are uncontrollable while I'm taking my exams. Lumilipad at minsan ay lutang ako sa aking mga naiisip.

"Nakakagulat at nandito ka pa rin," the teacher said when she noticed my presence.

I smirked confidently. "Tatakbo kasi akong Valedictorian, Ma'am..."

Her sudden dramatic reaction made everyone laughed. I laughed along with them. Si Trison naman nakaangat ang kilay.

"Valedictorian saan, Ashtraia? Sa kalokohan ba? Dahil kung ganoon ay talagang nangunguna ka," my teacher said while giving the test papers away individually.

Hindi ko na iyon pinansin pa. I took another pen out to answer the test paper she put on the table of my desk. My classmates are still laughing. Nangingiti akong sumasagot habang si Ma'am ay umikot na sa likod ng row para doon magbigay ng test papers.

I started scribbling my full name. Naging seryoso na ulit lahat. Habang dumadaan ang oras, mas napagtanto ko kung gaano ako ka palaban ngayon hindi para pumasa kundi para magpa impress lamang kay Lola.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon