BMDN Chapter 8

104K 3.1K 193
                                    

"Ingatan mo ang anak ko."

Sabi ni Spencer bago kami bumaba ni Kisza ng sasakyan. Nasa tono ng boses nya ang pag babanta. Alam kong normal lang na mag alala ang magulang para sa anak nila, kaya gusto kong patunayan sakanya na ligtas sa kamay ko si Kisza.

"Daddy, wag mo na ngang awayin si Ate Nina. Bye na po, I love you" paalam ni Kisza kay Spencer saka ito hinalikan sa pisngi. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Spencer sa anak ko dahil lumabas ma agad ako ng sasakyan. Pero masaya si Kisza ng lumabas sya ng kotse.

Humawak sya sa kamay ko ng papasok kami sa gate. Nginitian ko naman ang guard na mukhang namukhaan ako.

"Kisza!"

Napalingon kami ni Kisza ng tumawag sakanya. At nakita ko ang isang poging bata na tumatakbo papunta samin.

"Elijah!"

"Sya ba ang Mommy mo?" Tanong ng hinihingal ng batang lalaki na tinawag ni Kisza na Elijah.

"Oo sya nga, ang ganda nya no?"

Napatingin ako kau Kisza na sabihin nya iyon. Alam kong mali pero ang saya ko ng sinabi nya iyon, ng sinabi nya sa kaibigan nya na ako ang mommy nya. Tumingala sakin si Kisza at kumindat.

"Oo, magkamukha nga kayo eh."

Sabi ni Elijah na ngayon ay nakatitig sakin. Masyado bang halata ang pagkakaparehas ng mata namin ni Kisza?

"Talaga? Sabi ko naman sayo maganda ang Mommy ko ayaw mo lang maniwala eh" masayang sabi ni Kisza saka muling humawak sa kamay ko.

Ang sarap pala sa feeling pag yung anak mo mismo yung pumuri sayo. Yung proud sya sayo kahit na hindi nya alam ang koneksyon nyo sa isa't- isa.

"Elijah!"

Nakuha ang atensyon naming tatlo ng lalaking tumawag kay Elijah. Katulad ni Sir Spencer ay matikas din ang pangangatawa ng lalaki, halatang nakakaangat sa buhay base sa itsura nito.

"Lagi ka nalang nawawala. Masyado kang malikot"

Sabi ng lalaki kay Elijah saka ito piningot sa tenga. Pingot na parang ama na nag lalambing sa anak nya.

Tawa ng tawa si Elijah dahil mukhang nakikiliti sya sa ginagawa ng lalaki. Kaya pati si Kisza ay nakikitawa ba rin.

"Tama na Papa"

Natatawang sabi ni Elijah sa lalaki, na Papa nya pala.

"Hi tito Jiro"

Napatingin samin ang Papa ni Elijah. Nag tagal ang tingin nya sakin bago bumaling kay Kisza na nasa tabi ko.

"Kaya pala biglang nawala si Elijah, nakita ang crush nya" natatawang sabi ng Papa i Elijah.

Natawa ako ng nakita kong namula ang mukha ni Elijah. Kaya nakuha ko ang atensyon ng Papa nya. Ngumiti sya sakin kaya nginitian ko rin sya.

"Tara na nga Papa. Mag uumpisa ng mag turo si Teacher" sabi ni Elijah saka hinatak ang Papa nya. Umiling iling naman sya sa inasta ng anak nya. Pero bago umalis ay mag paalam muna sya samin ni Kisza.

"Tara na anak?"

Huli na ng mapag tanto ko ang sinabi ko. Nakatingin lang sakin si Kisza na mukhang nabigla rin sa narinig. Pero ilang sandali lang ay ngumiti din sya, ngiti na alam mong masaya talaga sya.

Hinatid ko sya hanggang sa room nila at sinabi ko na hihintayin ko sya sa labas ng room. Pumayag naman sya pero bago pumasok sa loob ay hinalika nya muna ako sa pisngi.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon