Chapter 44

1.3K 49 5
                                    

"What happened?"



Iyan ang unang lumabas sa aking bibig nang gumising ako kinaumagahan. I yawned and looked at the man beside me. Nasa kama na kami pareho at parehong nakahiga rito nang magkatabi. Mukhang kanina pa gising si Rence samantalang ako naman ay kagigising lang.



"We made love last night," he said and pulled me closer to him. "Don't you remember?" he added.



Mabilis akong umiling. "Hindi, Rence, naaalala kong may nangyari sa atin pero ano 'yong sunod na nangyari?"



He chuckled. "You passed out between our love making. Nagulat ako at hinayaan ka na lang, mukhang kulang ka yata sa pahinga at tulog kaya ka hinimatay."



Napatampal ako sa noo ko. "Gosh, anong oras na pala?" I changed the topic.



Tumingin siya sa kaniyang pambisig na relo bago sumagot, "9 in the morning, Rai. Bakit? Uuwi ka na ba?"



"Kailangan," tipid kong sabi at bumaba na sa kama.



Hubo't-hubad pa rin ako ngayon, gano'n din si Rence. Kahit nakabalot ang katawan niya ng kumot ay alam kong wala siyang suot na saplot sa loob. Tiningnan ko nang masama si Rence nang makita siyang titig na titig sa hubad kong katawan.



"Stop staring," suway ko sa kaniya. "Saan mo tinapon ang damit ko?" tanong ko lang at iginala ang paningin sa kung saan.



"I have clothes in my cabinet, you can borrow some," he presented. "Gusto mo bang ako ang kukuha ng masusuot mo? Lalabhan ko pa kasi 'yong damit mo mamaya."



"Huwag na," tanggi ko kaagad. "Iyon ang suot ko nang umalis ako sa mansiyon kaya iyon din dapat ang suot ko kapag dumating ako roon. Baka magtaka si Mommy na iba na ang suot kong damit. At baka ano rin ang iisipin ni Han---"



"Rai, I told you, I don't want to hear his fucking name from your beautiful mouth," he said. "Kapag ako ang kasama mo, huwag mo muna siyang isipin. Kapag ako ang kasama mo, huwag kang magbanggit ng pangalan ng fiancè mong iyon."



"Hanred Skynard is not my fiancè, we're just friends for years---"



My eyes widened when I suddenly slipped out. Napatakip ako sa bibig ko nang makitang sumilay ang ngisi sa labi ni Rence. Umiwas kaagad ako at nagbaba ng tingin. Minsan talaga ang bibig pa natin ang papahamak sa atin, eh. Kahit ako nga rin ay nagulat nang lumabas iyon sa bibig ko!



"So.. he's not your fiancè, huh? Oh, you told me that he's your fiancè to make me jealous. Am I right?"



I saw him went down from his bed on my peripheral vision. I swallowed hard when I heard his footsteps near me. He stepped our distance. Unti-unti kong inangat ang aking tingin at sinalubong ang kaniyang asul na mga mata. May munting ngiti pa ring nakasilay sa kaniyang labi. Halatang tuwang-tuwa sa napag-alaman.



"Gumana, Rai," he stated. "Gumana ang pagpapaselos mo sa akin."



"H-Han is my fiancè," I stuttered.



Humalakhak siya. "At kailan n'yo plano magpakasal kung fiancè mo talaga siya?" Napatiklop ako roon. "Nadulas ka na, Rai. Hindi mo fiancè ang lalaking iyon, mabuti na lang talaga. Pero napaisip ako na.. ano ba siya sa buhay mo?"



"Bakit ko naman sasagutin iyan? Ni hindi mo nga sinabi kung ano ba talaga si Shekainah sa 'yo," I told him.



"Shekainah is important to me, Rai," he said.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now