Chapter Thirty-three

19.8K 285 32
                                    

I woke up feeling sick and kinda exhausted even if I have done nothing these past few days. Palagi lang naman akong tulala at wala sa sarili pero pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.

Baka dahil siguro nahihirapan akong matulog sa gabi kaya naman paggising ko sa umaga ay masama ang pakiramdam ko at parang ayaw ko nang bumangon mula sa kama.

Maaga akong naligo dahil darating ngayon si Raya at flight na namin bukas ng madaling araw.

Iritang-irita ako habang nagbibihis dahil parang hindi na sakto ang mga bra ko sa dede ko, pakiramdam ko lumalaki na.

May improvements.

Nang matapos akong magbihis ay kinatok ako ng isa sa mga kasambahay at sinabing naroon na raw sa baba si Raya kaya naman bumaba na rin ako.

Seeing her two big luggages really surprised me. She snickered when she saw me. Binitiwan niya ang mga hawak niya at lumapit sa akin upang yakapin ako.

"How have you been, Mil?" she asked, still not removing the humourous smile on her lips.

"We're not going to live there, Raya. Bakit ang dami mong dalang gamit?"

Her brows furrowed and looked at her things. She then shrugged and glanced at me again. "I'm planning to stay a little longer. I really need it."

"How long?"

Napatingin siya sa itaas na para bang nag-iisip. "Perhaps six months? Or a year? I don't know."

I immediately held my forehead. Parang mananakit ang ulo ko sa gusto niya pero mukhang desidido nga siyang magtagal doon.

Ako, even if I want to, I have business I need to take care of kaya hindi ako puwedeng magtagal. Siguro ayos na ang isa o dalawang buwan. Maaasahan ko naman sila Jil. I'm still going to design while I'm away and send it to them.

Bumuntong-hininga ako saka muling tumingin sa kaniya. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa since yesterday," sagot niya. "Kaya pala parang may nakakalimutan akong gawin. Hindi pa ako kumakain. What's your available food there?" she asked while walking towards the kitchen.

Umirap ako sa hangin saka ko siya sinundan. Kahit ako naman ay hindi pa kumakain mula kahapon.

Ganito ba talaga kapag brokenhearted? Nakakalimutan kumain o wala talagang gana kumain?

Ganoon ako noong unang linggo but suddenly, parang maya't maya na lang akong gutom kaya kain ako nang kain. Probably stress eating.

"I'll just ask someone to cook," I said, and opened the fridge to look for something to eat.

Nang wala akong makita bukod sa mga prutas ay sinara ko na lang ulit iyon. Wala akong makitang kasambahay at tinatamad akong akyatin o tawagin sila sa taas.

"Kumakain ka ba ng tuyo?" tanong ko kay Raya.

She nodded.

"Ako na lang magluluto. Gusto ko ng tuyo ngayon."

"Tuyo lang?"

"Hmm. Iyon lang gusto ko, e."

Tinabig niya ako paalis sa harap ng pantry at nag-umpisang tingnan ang mga de latang naroon.

"Ako na lang magluluto," aniya habang hawak ang maling.

Tuyo lang talaga ang gusto kong kainin ngayon. Parang ayaw ko nga rin siyang iulam sa kanin. Parang gusto ko siya i-try sa champorado kasi sabi nila masarap daw. I haven't tried it yet. Hindi naman ako marunong magluto no'n at mukhang ganoon din si Raya.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon