KABANATA CCXV

4.1K 29 16
                                    

KABANATA CCXV

"F*ck, alisin niyo ang batang iyan ditto!" Galit n autos ng kalbo.

'Gusto talaga ng gulo ng isang to!'

Clang! Clunk!

Mabilis na lumapit kay Darryl ang kalalakihan at paulit ulit itong hinataw ng steel pipes at kutsilyo!

Mariing kumagat si Darryl at sinubukang hindi gumalaw habang yakap at nakapatong kay Nancy.

Umagos ang dugo nito sa mukha ni Nancy.

"Darryl, hayaan mo na ako! Umalis ka na mamamatay ka lang..." nanginginig na sabi ng umiiyak na si Nancy.

"Hindi ako tatayo!" Nag ngisi ng ngipin si Darryl at mariing sinara ang kamao.

"Hall Master!"

"Sino kayo para saktan ang Hall Master naming?"

Higit sa isang daang maskuladong lalaki na nakasuot ng itim ang lumabas galling sa hotel. Mga alagad sila ng Eternal Life Palace Sect!

Nag aantay ang mga ito sa pagdating ni Darryl pero napansin nila na may mali sa hindi nito pagdating at saktong narinig nila ang kaguluhan sa labas ng hotel kaya agaran silang lumabas at nakita na binubugbog ang nakahigang si Darryl.

Lagpas na sila sa limit!

"Ikaw ang---"

Nagulat ang kalbo sa narinig. Mabilis na gumilid ang mga tauhan nito na parang agos!

Umungol pa ito bago sumakay sa sasakyan at tuluyan nang umalis!

"Darryl, okay ka lang ba?" tanong ng nag aalalang si Chester.

"Darryl, anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba?" hindi tumitigil sa hagulgol niya si Nancy.

"Okay lang ako, hanapin mo na si Dax."

Hindi alam ni Darryl kung saang gang galling ang mga iyon. Napag isip nito na may masamang background ang mga iyon kaya sinabihan nito si Nancy na hanapin si Dax para na rin sa kaligtasan nito.

"Pero ika..." kinagat ni Nancy ang labi sap ag aalala.

Umilng si Darryl at tinuro ang mga kalalakihan na nakapalibot. "Ayo slang ako, sila na ang bahala sakin."

Umalis na si Nancy matapos itong igiit ni Darryl. Pero lumilingon lingon ito para icheck si Darryl.

Ginamot ang mga sugat ni Darryl, sinamahan rin siya sa ward ng ospital ng mga miyembro ng Eternal Life Palace.

Naalarma ang nurse nang mapansin na ito ang walang kuwentang manugang. Naalala rin nito na hindi kayang makapagbayad ni Darryl ng medical bills noong nagka heart attack ang tatay nito.

'Bakit napakarami nitong kasamang lalaki ngayon?'

Bihirang senaryo ito sa ospital. Hindi nagsalita ang nurse habang ginagamot nito si Darryl at agad din itong umalis pagkatapos.

Nagsindi ng sigarilyo si Darryl. "Anong pangalan mo?" Tanong nito sa matipunong alagad.

Pinagdikit nito ang kaniyang kamay at may respetong sumagot. "Ako po si Caelan Lewis, Hall Master."

Caelan, Caelan Lewis.

Tumango si Darryl bilang pagtangkilik. Mataas ang disiplina ng isang ito, kita rin na dinisiplina siya ng iba. Dapat ay third level master ito base sa kaniyang lakas, mukha rin siyang matalino.

Bahagyang ngumiti si Darryl at tumango. "Caelan, makapangyarihang pangalan, maganda. Mula ngayon ikaw na ang Vice Hall Master! Ikaw ang maglelead sa kapatiran sa Hall kapag wala ako."

"Hall Master, sa tingin ko ay hindi ko kaya ang responsibilidad na ito." Nauutal na sagot ni Caelan.

Mahirap mapagtanto na biglaan siyang inilagay sa puwesto bilang Vice Hall Master. Isa lamang siyang hindi napapansing alagad ng hall.

Natatawang sumagot si Darryl. "Ikaw na ang Vice Hall Master sabi ko."

Biglang may pumasok sa isip nito.

"Oo nga pala, paki sabihan ang military Adviser na hindi ki siya maihahatid ngayong gabi."

Ngayon na naestablish na ang Hall sa Donghai City, panahon na para bumalik sa altar ang military advisor.

Ang altar ng eternal life Palace ay nasa eternal life island, libo libong milya ang layo mula sa Donghai City. Si Darryl ang dapat na maghahatid dito pero sobrang sakit pa ng mga sugat nito.

"Naiintindihan ko." Sagot ni Caelan, tumalikod na ito para umalis sa ward.

Nag antay si Darryl na makaalis si Caelan. Saka ito tumayo upang pinuhin ang godly pill habang napangiwa sa sakit ng buong katawan. Napagtanto nito na magagamit pala ang pill na nagmula sa auction, walang mawawala kung magpino pa nang marami.

Nang makalawang araw.

Mahimbing na natutulog si Darryl nang may biglang kumatok sa pinto.

Pearl Hahn-- ballot ng propesyonal na kasuotan -- mabilis na pumunta sa higaan.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now