Chapter 50

1.3K 51 4
                                    

"Umuulan nang malakas sa labas," biglang sabi ni Doremi.



Lumabas kasi siya para sana magpahangin kaso bumalik siya. Mabuti na nga lang ay umagap kaagad ako kaya hindi natuloy ang galit ni Van kay Marco. Naging tahimik na rin si Marco dahil ilang beses pa siyang pinukol ng masamang tingin ni Van.



"Ligo tayo?" anyaya ko sa mga kaibigan. "Masarap maligo sa ulan, isama na natin ang anak ko."



"Hindi ba siya lalamigin niyan, Elle? Baka lagnatin siya," Prince said worriedly.



"Hindi naman, Prince," I said. "Mahilig sa malalamig ang anak ko. Isama natin siya para makapaglaro rin siya sa ulan kasama tayo."



"I missed the old times," biglang sambit ni Archie. "Ang bilis ng panahon, isang araw ay magugulat na lang tayo na lahat tayo ay may sari-sarili nang mga pamilya. Minsan ay masarap bumalik sa pagiging teenager. Dati, ang pinoproblema natin ay party lamang, ngayon ay sariling buhay na natin. Napansin ko na lahat tayo ay nagbago talaga, we're getting matured."



"Oo nga," sang-ayon naman ni Doremi. "Ang dami kong natutuhan sa buhay. Kahit na puro bulakbol lang ang ginagawa natin noon ay hindi ko inaakala na may mararating tayong lahat ngayon."



"Eh kahit party tayo nang party noon, hindi naman talaga natin pinabayaan ang pag-aaral natin," si Prince naman. "Ang sarap pa lang balikan 'yong mga panahon na puro kalokohan lang ang inaatupag natin kasi wala tayong ibang iniisip noon kung hindi ay magpakasaya lamang."



Kinalaunan ay pumayag sila sa kagustuhan kong maligo kami sa ulan. Lahat sila ay naghubad pa ng kani-kanilang pang-itaas na damit at iniwan ang mga t-shirt nila sa sofa. Sinama ko si Nero at ngayon ay hawak-hawak ko ang kamay ng aking anak habang sinasabayan ang mga kaibigan.



Malakas ang buhos ng ulan at basang-basa na kaagad kaming lahat. Si Nero naman ay sumabay rin sa amin at tumatalon-talon pa. Noon pa man ay ginagawa namin ito, naliligo sa ulan at walang ibang iniisip kung hindi magpakasaya lamang.



"Woah, ang lamig!" natatawang sigaw ni Prince at niyakap pa ang kaniyang sarili.



"Payat ka kasi kaya ang bilis mong lamigin!" asar naman ni Jeydee sa kaniya. "Minsan lang tayo maligo sa ulan nang sabay-sabay kaya lubos-lubusin na natin!"



Nagwisikan pa sila ng tubig sa ulan, kami rin ni Nero ay nakisali rin at kahit si Marco ay nakisali na rin. Nandidilim ang mga ulap dahil sa lakas ng ulan, idagdag mo pa ang malakas na ihip ng hangin. Nakaramdam ako ng kaunting panlalamig kaya tiningnan ko ang anak ko at mukhang hindi naman nilalamig, nasanay rin kasi sa air-conditioned kaya ganiyan. He was giggling while playing with my friends. Sumilay naman ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang anak.



"Appear, pre! Natalo natin sila!" kantiyaw ni Archie at nakipag-appear sa anak ko.



"Pre!" sigaw rin ng anak ko at napatawa naman ako dahil sa cute ng boses niya. "Appear, pre!" he exclaimed.



"First time na may tinawag na pre ang anak ko," I said laughingly to Archie. "Halos Papa ang tawag niya kasi, eh. Sa mga katulong nga sa bahay ay Mama ang tawag niya at sa mga guwardiya naman ay nakiki-Papa siya. Siguro nagustuhan niya 'yang pre na 'yan."



"Nakakatuwang kasama ang anak mo, Ellai, ang galing niya ring makisalamuha at makisama," puna ni Archie.



Nagtakbuhan bigla sina Prince, Marco, at Jeydee, kaya roon napabaling ang atensyon namin. Naramdaman ko naman na hinihila ng anak ko ang aking kamay. Nagpahatak na lang ako kay Nero at sabay kaming tumakbo rin kasunod ng tatlo kong kaibigan. Ang iba naman ay nagsitakbuhan din.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now