Chapter 51

1.2K 44 2
                                    

Lumingon ako sa likuran ko nang makarating na sa harapan ng kotse ko, inaaasahan na sinundan ako ni Rence pero bumagsak pareho ang aking magkabilang balikat nang malaman na hindi siya sumunod. So ganoon na lang iyon? Hindi niya ako susuyuin? Hindi niya ako susundan o lalambingin man lang dahil nandiyan na ang Shekainah niya?



Pumasok ako sa loob ng aking sasakyan matapos patunugin ito. Pabagsak at padabog kong sinara ang pinto dahil hindi ko talaga alam kung bakit puno ako ng iritasyon ngayon. Naiinis ako kay Shekainah pero nagulat naman ako kasi bakit bigla siyang umiyak nang ganoon?



As far as I know, she was an actress and also a model. Maybe, she's really that good at acting. Kanina kasi ay masasabi kong parang hindi peke ang iyak niya, parang hindi sinasadya pero ang tanong ko, bakit siya umiyak nang ganoon? Bakit kung makahagulgol siya ay parang may ginawa akong masama sa kaniya?



Shit! Bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon? Do I feel bad about what I did to her? Oh well, why would I? Binigyan niya ako ng dahilan para tulakin siya! Hindi ko naman sana gagawin iyon kung hindi lang siya umiyak, eh! I shouldn't be feel sorry for pushing her. Idagdag pang tinaboy ako ni Rence nang dahil sa Shekainah na 'yon!



Naisipan ko na lang na ipagpatuloy ang pagmamaneho. Bukas ay masuwerte ako dahil wala akong trabaho pero kakausapin ko naman si Daddy. Bahala na si Rence, kakalimutan ko ang araw na ito. He really chose that Shekainah over me and he even pushed me away, telling me to leave them alone.



Hindi ko alam kung saan na ako nito, I even told my parents that I'll stay overnight at Zani's place. May palipas na gabi pa 'kong nalaman. Kasalukuyan akong nagmamaneho nang naisipan kong tawagan si Han, siya na lang talaga ang malalapitan ko sa ngayon, ayaw ko rin abalahin ang mag-asawang Steris at Trevon.



I dialed Han's number and he immediately answered my call. Gumaan ang aking pakiramdam doon. Han is really my one call away, isang tawag ko lang ay nandiyan na kaagad siya. Naisip ko na halos lahat ay nasa kaniya na, pero bakit hindi ko pa rin siya magawang mahalin?



"Ellai?" he called my name after answering my call. "Napatawag ka? At nakauwi na ba sina Tito Matt?"



"Han, nakauwi na sina Mommy pero umalis ako. Han, do you have a place for me to stay just for one night? Kailangan ko talagang matutuluyan ngayong gabi. Pagod kasi si Zani at sina Steris naman ay ayaw kong abalahin. Hindi rin ako magpapakita sa kay Daddy ngayong gabi dahil baka ano ang iisipin ni Daddy."



"What really happened, Elle? Hindi ka ba pumunta sa bahay ng ama ni Nero?" tanong niya pa.



"Can we talk about this personally, Han? I'm driving right now. Where should I meet you by the way?"



"Sa bahay na lang namin, Elle. Nandito ako ngayon, Mom and Dad are also here."



"Okay, I'm on my way now, Han. Ibaba ko na muna 'to dahil madilim na ang paligid, baka maaksidente pa 'ko rito sa daan," biro ko pa.



"Elle, that's not a good joke," he said in a serious voice. "Hindi ka nakakatuwa, ah."



Lumabi ako. "Okay, sorry na, Han."



Matapos kong kausapin si Han sa tawag ay binaba ko na kaagad ito at mabilis na pinaharurot ang aking sasakyan patungo sa kina Han. Mabilis ko lang din narating iyon at kaagad na pinarada ang aking sasakyan sa may labas lang ng bahay nila.



Nahihiya ako para sa mga magulang ni Han pero kailangan ko munang lunukin ang hiya ko dahil kapag hindi ko ginawa ay wala akong matutuluyan ngayong gabi. Matagal-tagal na rin simula nang hindi ko nakita sina Tito at Tita kaya dapat lang na kumustahin ko rin sila.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now