Chapter 54

1.5K 59 18
                                    

WARNING: SPG
---------------------

"What the fuck, Rai?!"



Napapikit ako dahil sa sigaw ni Rence sa akin. This is the first time he shouted at me like this, this is the first time he got mad at me. Napayuko na lang ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang hikbi ko. Wala pang ibang nasasabi si Rence ay naiiyak na talaga ako ngayon.



We're now beside his car, which is away from the police station. Iniwan namin si Nero kay Han para makapag-usap kami nang maayos at nang kami lang dalawa. Dapat matutuwa ako ngayon kasi hindi napahamak ang anak ko pero mas lalo akong naiiyak ngayon dahil kay Rence. He's really mad at me and he's so grave right now! Sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin ay mas lalo pa akong naiiyak.



"C-Clarence---"



"Sabihin mo nga, Rai!" bulyaw niya. "Ganoon ba talaga katindi ang galit mo sa akin na pati ang anak natin ay ipinagkait mo pa sa akin?! Fuck! Ilang taon! Ilang taon pero hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol dito!"



Mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang hampasin ni Rence ang bubong ng kaniyang sasakyan. Umamba akong hawakan siya ngunit mabilis siyang umiwas at nilayo niya ang sarili niya sa akin. Mas lalo akong napahagulgol at kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan niya ngayon.



"Bakit, Rai?! Bakit nagawa mo sa akin ito?!" he shouted furiously. "Damn!" he cursed under his breath.



"N-Naghahanap pa ako ng tamang panahon, Rence," I said, sobbing. "G-Gusto ko lang na sa tamang panahon---"



"Tamang panahon?!" he cut me out and scoffed. "Hindi pa ba sapat ang ilang taon, Rai?! Sabihin mo nga! May plano ka ba sabihin sa akin ang tungkol sa anak natin o wala?! Kasi sa palagay ko ay ayaw mo talagang maging parte ako ng buhay ninyo, eh! Putang ina naman! Anak ko 'yon, Rai! Anak natin iyon! Lahat na lang ba ay dapat mong ipagkait sa akin?! Kahit sarili kong anak, Rai?!"



I sniffed. "A-Akala ko kasi---"



"Hayan ka na naman sa putang inang akala mo, Rai!" he cut me off again. "Bakit?! Ganoon ba kahirap sabihin na may anak tayo?! Rai, he's really my son! Nakita mo ba ang anak natin, ha?! Kamukhang-kamukha ko pero bakit hindi mo pa rin nagawang ipaalam sa akin?! Ano ba talaga ang ginawa ko para gawin mo sa akin ito?" Biglang huminahon at pumiyok ang kaniyang tinig. "Rai, wala akong ginawa kung hindi mahalin ka.. pero dapat ba talagang gawin mo sa akin ito? Sa amin ng anak natin? Dapat ba naming maranasan na ipagkait sa isa't isa? Nero is four years old for Pete's sake, Rai. Ilang taon ang anak natin pero hindi mo man lang pinaalam sa akin kasi ano? Kasi wala kang tiwala sa akin? Ganoon ba iyon, Rai? Ha?"



"Hindi naman sa ganoon," I said in a lower voice.



"Eh ano?!" Muling tumaas ang tinig niya. "Ano, Rai?! Iniisip mo na hindi ko tatanggapin ang anak natin kaya mas pinili mong ilihim siya sa akin! Ganoon 'yon!"



"R-Rence, calm down---"



"Calm down?!" he mocked. "Putang ina, Rai! Paano ako hihinahon ngayon, ha?! Sabihin mo nga, magiging kalmado ka ba kapag malaman mong tinaguan ka ng anak, ha?! Rai, alam mo! Alam na alam mong gusto kong magkaanak sa 'yo pero ginawa mo pa rin sa akin ito! Now, tell me?! How can I calm---"



"P-Pakakasalan kita..."



Natigilan siya nang marinig ang biglaang sinabi ko. The madness that was written on his eyes suddenly faded away. Ilang sandali siyang napatitig sa akin at hindi makapagsalita. Tinuwid ko ang pagitan naming dalawa at inabot ang kaniyang kamay, sa pagkakataong ito ay hindi na niya iwinaksi ang kamay ko at hinayaan akong hawakan siya.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now