Chapter 55

1.7K 55 18
                                    

"Dito pa talaga sa pamamahay ko, ha?!" Dad shouted furiously that echoed in every corner of the house. "Ellai! Hindi ka man lang ba nahiya, ha?!"



Nakayuko ako samantalang si Rence ay simbleng nakaupo lamang sa tabi ko. Siniko ko siya pero hindi niya ako pinansin at tiningnan lamang si Dad. Nandito na kami ngayon sa sala. Nakaupo kami ni Rence nang magkatabi at nasa harapan naman namin si Mommy at si Daddy na nakapamaywang.



"Matt, hayaan mo na. Malaki naman 'yang anak natin, eh," si Mommy naman.



"Malaki?!" Hinarap ni Dad si Mommy. "Ikaw talaga, Yvonne! Kinukunsinti mo 'tong anak mo!" sigaw pa ni Dad at dinuro ako. "Tinuruan mo ba 'yang anak mo---"



"Anong ako, Matt?! Baka nakakalimutan mong sa 'yo nagmana 'yang si Ellai!" Dinuro rin ni Mommy si Daddy. "At puwede bang hayaan mo na ang anak natin?! Malaki na si Ellai! Akala mo naman virgin pa 'yang anak natin, eh!" si Mommy na akala mo'y hindi ako pinangunahan. "At saka, may anak na 'yang si Ellai, oh!"



"Iyon nga, Yvonne!" Dad snapped. "May anak na ang anak natin pero---"



"Eh ama naman 'yan ni Nero 'yang si CJ, eh," putol ni Mommy kay Dad.



"W-What?!"



Biglang napawi ang galit na makikita sa kay Daddy. Nilingon niya si Rence at doon na siya napahilamos ng kaniyang palad. Muli niya pang pinagmasdan ang lalaki at mukhang napansin na niya na kamukha ni Rence si Nero.



"Bakit hindi n'yo kaagad sinabi sa akin?" pambabawi ni Dad na ngayon ay nasa mahinahong boses na. "Hijo, kumain ka na ba?" tanong pa niya kay Rence na tila hindi lang siya nagalit.



"Tapos na po, Sir," Rence answered. "Can I call you Tito, Sir? If that's okay with you..."



"Hoy," mahinang suway ko kay Rence at pinandilatan siya pero ngumisi lamang siya sa akin. Wala na talagang mas makapal pa rito kay Rence. Really? Kay Dad pa talaga siya gumaniyan, ha?



"Of course, hijo," sagot naman ni Dad na ikinalaglag ng aking panga. "I don't know that you're my grandson's father," Dad stated in a lower voice. "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo, hijo?"



"Clarence Jayv Evans po, Tito, I was Nephele Rai's Professor when she was in college," kumpletong sagot ni Rence sa aking ama. "And I want to apologize about earlier, Tito, but I promise to marry your daughter. Pakakasalan ko po si Rai hindi po dahil doon, kung hindi dahil mahal ko siya," hindi na nagdalawang-isip si Rence na sabihin iyon kay Daddy.



"That's good to hear," Dad responded, nodding his head before gazing me. "Itong anak ko kasi ay ni hindi man lang nagkukuwento sa akin na may napupusuan na rin kaya hayan tuloy.. pinagtulakan ko pa siya kay Skynard. Pero natutuwa ako ngayon dahil sa wakas ay nakilala na rin kita. Sa tuwing tinatanong ko iyang si Ellai ay hindi naman sinasabi kung sino ang ama ni Nero."



Rence chuckled. "Pasensya na po kayo kung masyado akong duwag para pumunta rito noong mga nakaraan."



"Rence," I called him before lifting my head to my father. "Dad, ako po ang nagsabi sa kaniya na huwag kayong kontakin kaya hindi rin siya pumunta rito dahil ayaw niyang magalit ako sa kaniya."



"Ang ibig mong sabihin ay matagal na kayong nagsasama nang hindi namin alam, ha?" saad ng aking ama.



"U-Uh.. ikaw lang naman po ang walang alam, Dad. Han and Mommy already know about me and Clarence Jayv," I said and bit my lips.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now