BMDN Chapter 9

99.5K 3.1K 298
                                    

"Paano Nina, Kisza una na kami ng binata ko" paalam ni Jiro samin ng mag uwian na ng hapon. Hanggang alas tres lang kasi ang oras ng pasok nila Kisza pag hapon.

Tumango ako saka nag paalam na rin sa kanila, masarap kakwentuhan si Jiro para akong nag karoon ng kuya pag kausap ko sya. Magaan ang aura nya at hindi nakakatakot katulad kay Sir Spencer.

"Kisza"

Napatingin ako sa gate ng marinig ko ang boses ni Sir Spencer, mukhag kagagaling lang nya sa trabaho dahil naka pang opisina pa sya. Ang sabi ni Kisza ang Daddy nya ang laging nag hahatid sakanya sa school at ito rin ang sumusundo sa hapon. Masaya naman ako dahil nakikita ko na nag bibigay pa rin sya ng oras para kay Kisza kahit na may trabaho sya.

"Daddy!" Sigaw ni Kisza saka tumakbo papunta kay Sir Spencer saka yumakap sa bewang nito.

"How's school?" Tanong ni Sir Spencer saka binuhat si Kisza. Tinalikuran nya ako saka nag umpisang mag lakad papunta sa sasakyan nito.

"Okay lang Dad, lagi naming kasabay sila Elijah pag break time" kwento ni Kisza.

Binuksan si Sir Spencer ang pinto sa backseat saka ibinaba doon si Kisza. Pagkasarado nya ng pinto ay humarap sya sakin at kinuha ang bag ni Kisza.

"Mag commute ka nalang papunta sa bahay may pupuntahan kami ng anak ko at hindi ka naman kakailanganin doon" sabi nya na halatang napipilitan lang syang kausapin ako. Tumango nalang ako bilang sagot, nilagpasan na nya ako pero nakalimutan ko na wala akong pamasahe.

"Teka Sir, w-wala akong pamasahe" sabi ko saka nag iwas ng tingin ng tumingin sya sakin.

Binuksan nya ang driver seat at ng humarap sya sakin ay nakita kong may hawak na syang itim na wallet.

"Ayos na siguro ang limang daang piso para makauwi ka sa bahay" sabi nya. Lumapit ako ng inaabot nya ang buong limang daan ng kukuhanin ko ito ay binitawan nya kaya nahulog ito sa lupa.

"Keep the change" sabi pa nya pa. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag iyak habang yumuyuko ako at kinukuha ang pera sa lupa.

Nakakasama lang ng loob ang pag trato nya sakin, kung tratuhin at tignan nya ako parang sinasabi ng mata nya na hindi ako nararapat makihalubilo sa kanila. Na parang ang dumi ko sa paningin nya, na ang mahirap na tulad ko ay hindi nararapat makalapit sa kanila. Sana lang huwag makuha ng anak ko ang ugali ng lalaking ito, ang lalaking kinalakihan nya bilang ama.

"Alam mo Sir, kung hindi lang dahil kay Kisza at kung hindi ko lang kailangan ang trabahong ito hindi ako mag papakababa ng ganito" hindi ko alam dahil na rin siguro sa sama ng loob ko sakanya kaya na sabi ko iyon. Pinunasan ko ang takas na luha saka sya tinalikuran at nag lakad para mag hanap ng masasakyan.

***

"Ma, ganito rin ba ang naranasan mo noong namasukan ka sa mga mayayaman? Mama bakit ang sasama nila? Kung tratuhin niya ako parang wala akong karapatang masaktan. Kung ganitong hindi nya pa alam na ako ang totoong ina ni Kisza ganito na ang trato nya saki paano pa pag nalaman nya ang totoo? Ma, mali ba talaga ang naging desisyon ko? Mali ba na ipinamigay ko ang anak ko? Mama naman kasi bakit ang aga mo kaming iniwan? Alam kong pag subok lang sakin ito ng Dyos pero Ma parang hindi ko na kaya. Parang hindi ko na kakayanin ang mga susunod na mangyayari. Mama p-paano kaya kung sumunod nalang ako sainyo dyan?" Hindi ko alam hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa utak at nasasabi ko ang mga ito, siguro dahil sa sama ng loob ko sa dalawangpu't apat na taon kong nabubuhay ngayon lang may trumato sakin ng ganito kaya siguro sa simpleng salita at galaw ni Sir Spencer ay sumasama agad ang loob ko. Pero ginagawa ko naman ito para sa anak ko, para makasama kahit sandaling panahon ang anak ko.

"Pero Ma alam kong ayaw mo na sumunod ako dyan dahil kawawa ang mga kapatid ko walang mag aalaga sakanila. Sorry Ma kung anu-ano ang pinag sasasabi ko. Wala lang talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob. S-siguro kailangan ko nalang tiisin lahat ng ito para sa anak ko, para kay Kisza." Sabi ko saka pinunasan ang mga luha ko. Gumaan ang loob ko dahil nasabi ko lahat ng ito kay Mama, mas masaya sana akung sasagot sya pero alam kong imposible iyon.

Inayos ko ang mga bulaklak na pinitas ko kanina. Saka hinaplos ang pangalan nya.

"Na mimiss na kita, sana kung nandito ka lang magiging madali sana ang lahat. Mahal na mahal kita Mama ko"

***

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa napakalaking pinto ng bahay nila Sir Spencer. Kailangan kong mag pakatatag para makasama pa ang anak ko, siguro isa ito sa kabayaran sa kasalanang nagawa ko ng iwan ko ang anak ko.

"Bakit ngayon kalang? Kanina pa nandito ang alaga mo" salubong sakin ni Leslie pagkapasok ko ng malaking pinto.

"Pinag commute ako ni Sir" sabi ko. Nginisihan naman nya ako.

"Baka ayaw malanghap ang mabaho mong amoy" sabi nya bago ako iwanan.

Tumuloy ako sa kwarto kung saan ako natutulog, balak kong maligo dahil nag lalagkit ako dahil nilakad ko lang ang papunta dito. Dahil nanghihinayang ako sa limang daan. Pagkatapos kong maligo ay umakyat na ako sa kwarto ni Kisza. Habang paakyat sa hagdan ay nakasalubong ko si Sir Spencer, yumuko ako at nag patuloy sa pag lalakad. Akala ko okay na nung nalagpasan ko sya pero laking gulat ko ng hatakin nya ang braso ko at sinandal sa railing ng stair. Kumalabog ng husto ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit nya, naramdaman ko rin ang mainit nyang kamay sa bewang ko nakalingkis ito na parang ahas na handang manuklaw. Naramdaman ko rin ang mainit nyang hininga sa tenga ko.

"Gusto ko lang ipaalala sayo Nina, Ako ang amo mo . Kaya matuto kang ilugar ang sarili mo at sa oras na sagut-sagutin mo pa ulit ako, sisiguraduhin ko sayo na habang nandito ka sa pamamahay ko hindi magiging madali ang mga araw mo. Naiintindihan mo?" Bulong nya sa tenga ko gamit ang matigas na boses na nag padoble ng takot ko sakanya. Humigpit pa lalo ang hawak nya sa braso ko .

"Naiintindihan mo ba?" Ulit nya sa mas madiing tinig. Unti-unti akong tumango at halos mahulog ako sa hagdan ng bitawan nya ako, dahil sobrang panginginig ng tuhod ko. Nakatingin lang ako sa likod nya ng iwanan nya ako.

***

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon