Chapter 25

11.8K 563 239
                                    

"Sonny, isukat mo 'to, anak, bagay 'to sa iyo..."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Sonny. Alanganin niyang kinuha ang damit na inabot ni Mama sa kaniya at sinukat ito. Sakto naman sa kaniya kaya pinakita niya yun kay Mama.

She smiled. "Ang tangkad mo na, anak."

Binalingan ko si Papa. Tahimik lang din siyang nakatingin kay Mama habang isa-isa niyang nilalabas ang mga pasalubong niya para sa amin. Natunugan din ata ng mga kapitbahay namin na kakauwi lang ni Mama dahil nagpaparinig sila kung san daw ang mga pasalubong nila at kung magpapakain daw ba si Mama.

"Lyd, pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi na ata nakatiis si Papa at tinawag na ito. My mother calmly nodded and dropped whatever dress she's holding. Mukhang para kay Selena ata yun. Tumayo siya at sumunod kay Papa sa labas.

"Alam mo ba 'to?" tanong ko kay Selena. Siya nalang kasi ang madalas na kumakausap kay Mama sa chat.

She shrugged. "Alam mo naman yun, diba? Palagi niyang sinasabi na uuwi na siya tapos hindi pala. Hindi ko naman in-expect na seseryosohin niya pala ngayon."

I sighed. Hinawakan ko ang dibdib ko. For years, I imagined what it would be like to see my mother come home. In my imagination, there were tears of joy, laughter, and profound happiness. But in my reality today, I feel nothing.

Magkamukha nga kaming dalawa, pero estranghero pa rin siya para sa akin.

Nagluto nalang ako habang nag-uusap sina Mama at Papa sa labas. Wala namang sigawan o kung ano. Kalmado silang nakaupo at nag-uusap sa kahoy na upuan. I couldn't see the expressions on their faces.

Nang matapos akong magluto, tinawag ko na ang mga kapatid para kumain. Hindi ko na sana didisturbuhin ang mga magulang kaso pumasok naman silang dalawa.

Naupo si Mama sa tabi ni Sonny. Inabutan ko siya ng plato at nagsandok na para sa kanila.

"Selena, luluwas tayo ng Manila bukas..." biglang wika ni Mama.

"Para saan?"

"Para sa checkup..." she smiled at her. "First trimester mo na ngayon, diba?"

Natahimik si Selena at napatingin sa akin. Mukhang sinabi na ata ni Papa ang tungkol sa pagbubuntis niya. Akala ko ay magagalit din siya sa kapatid pero wala naman kaming nakitang ganun sa kaniya. Kalmado niya lang na tinanong kung anong pangalan ng ama ng bata at kung tutulong ba ito sa pagpapalaki.

"H-Hindi ko po alam..." she stammered.

My mother nodded once again. "Huwag kang mag-alala, nandito naman kami. Pagkatapos mong manganak, babalik ka sa pag-aaral, ha? Sobrang hirap ng walang tinapos, Selena."

I didn't know how to feel with my mother around so I just kept quiet. Nakasanayan ko nang maghugas ng plato pagkatapos kumain kaya nagulat ako nang si Mama ang magligpit at nagtungo sa lababo.

"Ako na po, magpahinga nalang kayo..." ani ko.

She turned to me. "Ayos lang, anak. Ikaw ang magpahinga. Kanina ka pa sa kusina, eh."

Hindi ako nakapagsalita at umalis nalang sa kusina. Nagtungo ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang tagal ko 'tong wish, eh. Kinompleto ko pa ang simbang gabi para lang dito. Bakit wala akong maramdaman ngayong nandito na siya? Kung may galit man akong nararamdaman para sa kaniya, hindi ko ito makapa sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto ngayong narito na siya.

Mukhang hindi ata matutulog sa iisang kwarto sina Mama at Papa dahil nakita ko siyang nililinis ang kwarto ni Lola paglabas ko para kumuha sana ng tubig. Tulog na ang mga kapatid ko pati na rin si Papa. I hesitantly stepped inside my grandmother's old room.

Elyu Series #1: Drifting with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon