Chapter 2

4.6K 185 30
                                    

CHAPTER 2

3 DEAD USELESS MAID, HOT TEACHER, HOT BOY BESTFRIEND, HOT TEMPERED NIGHTMARE, PAYBACK IS A B*TCH

INIS na bumangon si Elijah. Sinamaan niya ng tingin si Crystal na ginising siya ng maaga. Agad naman itong humakbang palayo sa kaniya. Pinikit niya ang kaniyang mga mata upang pigilan ang sarili niyang sigawan si Crystal. Literal na Crystal kase talaga ito. Kaunting masamang tingin, o pagtaas lang kase ng boses para na itong mababasag sa takot. Napailing nalang si Elijah.

Tamad na bumangon siya. Suot niya padin ang puting bestida. Pagkatapos niyang maglinis ng kaniyang sarili ay naglakad na siya sa hallway kasama niya si Crystal na tahimik lang sa tabi niya.

Habang naglalakad napansin niya ang tatlong maid sa gilid na masama ang tingin sa kaniya.

"Ayan na naman ang papansing anak ng hari. Hmp. Bakit ba hindi pa natuluyan 'yan. Buti nalang wala tayo dito ng magising' yan."

"Tama ka, hindi ko nga maintindihan kung bakit niya pinagsisiksikan ang sarili niya dito e halata naman na ayaw sa kaniya ng mga magulang niya."

"Gag*, sino ba naman kaseng magulang ang gugustuhing magkaroon ng ganyan ka walang kwentang anak. Bukod dhon ay papansin pa."

"Ang kapal pa ng mukha, pinagtangkaan pa niya ang buhay ni princess Hope. Palibhasa ingitera."

"Tama ka. Isa pa kahit ano namang gawin niya hindi niya mapapantayan si Princess Hope. Di hamak na wala pa siya sa kalingkingan ng prinsesa natin."

"Sssshh. Tumahimik na kayo. Naglalakad siya papalapit sa atin."

"Ano naman ngayon? Hindi ako natatakot sa kaniya. Sino ba siya? Tsk. Mas malakas pa nga ako sa kaniya kaya bakit naman ako matatakot."

"Tama, sa pagkakaalam ko nangongolelat 'yan sa klase nila. Palibhasa bob*. Hindi tulad ng prinsesa natin na magaling, malakas at matalino."

"Kaya nga niya binalak patayin ang prinsesa natin diba. Kase inggit siya . Hahahh"

"Princess, huwag mo nalang silang pansinin. Mga kulang lang' yan sa pansin."

Sinubukan siyang pigilan ni Crystal pero huli na. Naka lapit na siya at hawak hawak na niya sa leeg ang isang maid. Gulat at kinabahan naman ang dalawang hindi na nakagalaw sa kinatatayuan nila. Kung kanina malalakas ang loob nila at siguradong sigurado pa sila na mas malakas sila kay Elijah, ngayon naman parang natuod sila sa kinatatayuan nila. Medyo nanginginig din ang tuhod nila.

Nakakatakot kase ang aura ni Elijah. Nandidilim ang paningin niya. Mainit ang ulo niya dahil maaga siyang ginising para lang sumabay sa pagkain sa mga walang kwentang tao dito sa palasyo tapos mas lalo pang pinainit ng tatlong bubuyog na 'to. Wala na, ubos na ang pagtitimpi niya.

"Princess, b..bitawan m--mo na p-po siya. Mukhang m-malapit ng maubos ang h..hangin niya sa katawan."

Kinakabahang pagpigil ni Crystal sa kaniya. Sa halip na mangamba, nagimbal sila ng lumitaw ang maglarong ngisi sa labi ni Elijah. Kinilabutan ang dalawa samantalang nawawalan na ng kulay ang mukha ng babaeng katulong na sakal sakal niya.

Mas lalo niyang hinigpital ang pagkakasakal dito. Nang mawalan na ito ng buhay, matalim na tinitigan niya ang dalawa. Adrenaline rush, kusang tumakbo ang mga paa ng dalawang katulong. Hindi nila alam, basta ang alam lang nila kailangan nilang makalayo kay Elijah.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon