CHAPTER 47

1.7K 65 1
                                    

Hermione's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw hindi ko alam kung nasaan ako pero sobrang liwanag inilibot ko ang aking paningin at unti unti ring naaawala ang sobrang liwanag sa paglibot ng aking mata ay may nakita akong napakalaking palasyo sa di kalayuan sobrang laki at ganda nito isama mo pa yung mga bulaklak na nasa paligid nito na ibat iba ang kulay pati na rin ibat ibang paru paro

Sobrang saya siguro manirahan dito kasi mga huni ng ibon lamang ang iyong maririnig sa paligid at talagang nakaka relax

Lumakad ako patungo sa tarangkahan ng palasyo at masasabi kong sobrang ganda nito at matibay ang pagkaka gawa,sino kayang naninirahan dito

Nang malapit na ako sa gate ay may nakita akong dalawang bantay kaya naman lumapit ako dun para manghingi ng permiso sa pag pasok

"Ahm,excuse me po pwede ho ba akong maka pasok sa loob?"tanong ko nag ke-kwentuhan sila e,pero hindi nila ko pinansin kaya naman kinalabit ko yung isa at tumagos lamang ibig sabihin nasa panaginip lamang ako haist kala ko pa naman totoo na dito nalang sana ako

Pumasok nalang ako sa loob kasi di naman nila ko nakikita at sa pag pasok kong iyon nakadama ako ng pangungulila dahil sa lugar na ito parang ang dami kong naiwan parang gumalak yung puso ko sa saya na parang dito ako nanggaling ganun why do I feel this way

Inilibot ko pa ang aking paningin at masasabi kong sobrang lawak talaga sa loob siguro kulang ang isang araw sa paglilibot  dito may malaking fountain sa gitna at sa bawat gilid ay maraming ibat ibang kulay ng bulaklak na magkakahanay ,Pumasok ako sa isa pang tarangkahan at iyon ay patungo na sa mismong loob ng palasyo

At kung maganda sa labas ay ganun din sa loob sobra akong namamangha sa mga kagamitan nila dito dahil puro ginto ang nandito siguro kung may magnanakas dito yayaman agad kasi puro ginto

Patuloy lamang akong nag lilibot hanggang sa maraming to ang sala nila at nakita kong andaming tao doon na parang nagtitipon tipon sila nang makalapit ako doon ay nakilala ko sila sila ang mga hari at reyna ng ibat ibang kaharian dito sa majestic at mayroon ding mga bata sa gilid nila na mga nasa edad ko lang din at alam kong sina Airess ito at ang iba pa

Kung ganon bakit magkaka pare-parehas kami ng edad nina Airess kung hindi naman kami sabay sabay na ipinanganak dahil sa panahong nagpupulong sila ng araw na ito ay nasa tiyan pa lamang ako ni Ina so how come,hmm isa lang ang ibig sabihin niyan may hindi pa ako nalalaman at kutob kong dito kona yun malalaman

"Kailangan nating mag handa dahil anumang oras ay maaari siyang sumugod sa ating palasyo"sabi ni Ama,yes si Ama nagpupulong pulong sila

"Oo lalo pa at hindi natin alam kung kai—"naputol ang sasabihin ng Ama ni Kaiden ng mag sumigaw papasok ang isang kawal kaya napabaling silang lahat doon

"Pagbati mga kamahalan nais ko lamang pong ipabatid ayaon sa ating espiya roon sa kalaban ay sa susunod na araw raw po susugod ang mga darkian iyon daw utos sa kanila ni Drakulo"aniya ng isang kawala na nag paseryoso sa kanila 

"Sa susunod na araw kung gayo'y sa mismong pagsisilang ng Reyna Alyssa mismo susugod ang mga darkians"aniya ng ama ni Challix

"Kung gayon kailangan nating maghanda lalo pat sa araw na iyon isisilang ang ating taga pagligtas"aniya naman ng ama nina Calvin at Calculus

The Long Lost Princess Of Majestic Kingdom (Majestic Moonlight Academy)Where stories live. Discover now