Kabanata 1 : Single

456 35 5
                                    


Kabanata 1 : Single

Canmore Telecom Tower


"Good morning Maam Shaira." bati ng mga guard kay Shaira ng umagang iyon.

"Good morning mga kuya." nakangiting sabi ni Shaira.

Alas singko y media pa lang ng umaga at tulad ng nakaugalian maaga siya pumasok para makapagtrabaho ng maayos. Mas nais kasi ni Shaira ang tahimik na lugar sa pagtatrabaho isama pa na iwas siya sa mga empleyadong wala ginawa kundi mag-usap lang tuwing umaga. Pakiramdam niya sayang ang oras niya sa mga ganoong bagay.

"Maam, good morning." bati naman ng mga utility kay Shaira na nakatoka sa palapag na iyon para maglinis.

"Good morning din." masayang bati ni Shaira. Isa sa nagustuhan niya sa kompanya ang mga taong tulad niya na nasa baba, ang mga security, utility at mga taong tingin niya mas close pa siya kaysa sa mga empleyadong nakakurbata, nakasuot ng miniskirt, at nakasuot ng formal attire na kung maglakad taas noo na tila ayaw tumapak sa lupa.

Masayang naglakad si Shaira at nagtungo sa loob ng private elevator na kung tutuusin bawal sana siya doon kaso mabait ang amo niyang si Vladimir na ipinakilala sa kanya ni Harmony. O siguro mabait ito kasi kaibigan siya ng isa sa grupo ni Autumn. Hindi naman kasi niya napapansin o nakikita na kumakausap ito ng mga mababang tao sa kompanya. Ni pagngiti nga ng Presidente ng kompanya sa mga utility o guard hindi niya napapansin.

Pumasok si Shaira sa loob ng elevator at tulad ng nakagawian napangiti siya dahil sa lahat yata ng mababa o hindi kataasan na posisyon siya lamang ang nakakasakay roon na para sa kanya nakaka boost ng confidence. Suwerte ika pa nga nila.

"Good morning."

Napangiti si Shaira pero nakaramdam ito ng kalungkutan, dahil wala doon si Kyla inilipat kasi ito sa Utility Department ng unang araw nito na mahimatay dala ng pagkahilo nito sa taas ng palapag na tinatahak ng paulit-ulit bilang operator ng elevator na iyon.

"Kamusta maam?" nakangiting sabi ng babae na ikinangiti ni Shaira.

"Mabuti naman." sabi ng Shaira habang nakatitig sa babae. Hindi kasi siya ang naghire dito bigla na lamang ito sumulpot. Inilagay kasi ito AJ doon. Si AJ Valiente ang anak ni Autumn na isa sa kasosyo ng negosyong iyon.

"Ang ganda niyo po talaga maam."sabi ng babae.

"Tsss. Bola." sabi ni Shaira na bahagyang natawa dahil tipikal lang naman ang itsura niya lalo na kpag wala siyang make up.

"Simple ang ganda niyo. Mula ng pumuwesto ako dito at sa dinami-daming sumasakay dito kayo talaga ang napansin ko." sabi ng babae.

"hahaha! Siguro naamoy mong pareho tayong hampas lupa." natawang sabi ni Shaira. Totoo lang naman siya sa sarili niya, hindi siya tulad ng iba na gandang ganda sa mga sarili. Aminado naman kasi siya ang ganda niya ay maihahanay sa mga tipikal na tao lamang.

"Grabe! Pero Maam, wala po ba kayo balak mag-asawa?" sabi ng babae na ikinatingin ni Shaira dito.

Mabait naman ang operator na iyon, may pagkamadaldal nga at jolly tingnan. Maganda, simple at kahit sabihin halatang kakaiba sa kanya ang babae. Iba kasi kumilos ito, parang laging listo na tila ito pulis, sundalo o maihahanay nga ito sa mga Security nila. Mabait ito at mukhang madaling pakisamahan at sa elevator na iyon kung saan matataas ang sumasakay bagay ang babae doon dahil mukhang wala itong iniindang sakit sa mga matatapobre at maarteng empleyado na madalas mapanglait at mapanuri ang tingin.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon