CHAPTER 23

177 17 4
                                    

"huh? saan tayo pupunta?" nagtaka ang tingin ni Josh kay Justin na nakatuon ang atensyon sa daan.




"basta," Justin answered. Tumigil ang kotse sa tabi ng dagat na nadaan nila. Wala na nagawa si Josh nang hilahin na siya ni Justin sa kung saan.



"Nasaan tayo?" tanong ni Josh habang inililibot ang tingin sa buong paligid.



"Hindi ko alam kung bulag ka ba, Josh. Malamang dagat- aray!" napahawak si Justin sa braso niya na sinuntok ni Josh.



"Sa susunod, mukha mo na suntukin ko." pagbabanta niya rito na tinawanan lang ni Justin.



"Dito ako pumupunta noong nawala ka sa'kin," umiwas ng tingin si Justin kay Josh at pinagmasdan niya ang kulay asul na dagat na hindi gaanong malayo sa kinaroroonan nila. Umupo siya sa malaking ugat ng malaking puno na malapit sa main road.



Hindi sumunod si Josh. Nakatayo lang siya roon at pinagmamasdan ang bawat galaw ni Justin.



"Josh," nagtama ang mga mata nila pero umiwas din agad si Justin. "Sobrang saya ko ngayon." patuloy niya saka nilaro ang nahawakan niyang maliit na sanga ng puno.



Hindi sumagot si Josh. Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya.


"Masaya ka rin ba?" nagtama muli ang mga mata nila nang tanungin iyon ni Justin.



Si Josh naman ngayon ang umiwas ng tingin. Masaya ba ako? iyon ang tanong niya sa sarili. Hindi ko alam. at iyon ang kanyang sagot. Hindi niya alam. Hindi niya alam kung masaya ba siya.




"Pwede parin naman na bumalik tayo sa dati diba?" mahinang tanong ni Justin. Masaya siya. Pero alam niya na panandalian lang iyon dahil alam niyang hindi pa siya ganon natatanggap ulit ni Josh. Kung hindi na, pwede bang magsimula ulit tayo na parang hindi pa tayo bagkakilala at hindi pa nangyayari ang mga nangyari sa'tin?" patuloy niya at tinignan ulit si Josh na hanggang sa mga oras na iyon ay tahimik parin.




Hindi na ulit nagsalita si Justin. Napangiti siya ng may lungkot sa mga mata habang nakatingin sa kalmadong dagat. Ilang minuto rin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa si Josh na ang bumasag dito.




"Josh," napatingin si Justin sa kanya nang sabihin niya iyon. Nagtataka ang tingin na ipinukol niya kay Josh. "I'm Josh." Josh added.




"H-huh?"




"Stupid. Sabi mo magsimula ulit na parang hindi pa tayo nagkakakilala." umirap si Josh nang sabihin niya iyon. Napakurap si Justin. Hindi pa nagsi-sink in sa utak niya ang sinabi ni Josh. "Ano? Parang tanga 'tong hayop na 'to."




"Ah- gagi. Ulit kasi." tumayo pa siya sa pagkakaupo habang malawak ang ngiti.




"Ayaw ko na." sagot ni Josh at akmang babalik na sa kotse nang pigilan siya ni Justin.




"Sige na kasi! Ulit na, Josh!" parang bata na sabi nito at nakahawak pa sa kamay ni Josh. Natigilan naman doon si Josh at napatingin sa kamay ni Justin na nakahawak sa kamay niya.



Ang bilis ng tibok ng puso niya. Napalunok siya saka tumikhim, "Sige na. Bitaw na muna." mas lumawak ang ngiti ni Justin at binitawan na ang kamay ni Josh.




Tumikhim si Justin at inilahad ang kamay niya na parang makikipagkamay ito. "Justin De Dios nga pala, lods."




Umirap naman muna si Josh bago abutin ang kamay ni Justin, "Josh. Josh Santos." hindi na mawala ang malawak na ngiti ni Justin nang makita niya ulit ang genuine na ngiti ni Josh.



"Ang gwapo mo pag nakangiti ka. Lagi kang ngumiti, Josh. Your smile makes me happy."



Thank you. Thank you dahil pinangiti mo ako ulit, Justin.









tbc...

para akong naiiyak doon sa last part 😭

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon