Chapter 20

414K 19.4K 16.1K
                                    


Chapter 20

Dedicating this chapter to Chaela, Glaiza, my dINKScord family, Mafel, Winter, Liane, Inksteady Merch, and of course, the rest of my inks, all of whom wished me a happy birthday, sent me letters and gifts, and shared their talents. You made my day extra special. Very much appreciated! Mahal ko kayong lahat!

***

Christmas and the New Year came and went, and I greeted Leon over the phone on both occasions. Naging abala kasi siya sa pagtao sa palengke dahil sa pagdagsa ng mga mamimili kaya hindi na kami nagkaroon ng tyansa na magkita ulit.

He was announced the top 1 of our batch, and it didn't surprise me because I knew he deserved it. I came second. Kinapa ko sa puso ang dating inggit at selos pero wala akong ibang naramdaman kung hindi pagmamalaki para sa kanya.

I felt myself changing . . . or reverting back to my old self. 'Yong Amari na kayang maging masaya sa achievement ng iba. 'Yong Amari na hindi iniisip ang makalamang sa kapwa niya.

I wouldn't lie. The rental payments were still behind me. I know I need to at least find another job. Siguro ay mag-a-apply na lang ako bilang service crew sa isang fast food restaurant o mag-a-apply na canteener sa school namin para kapag wala akong ginagawa ay doon na ang diretso ko.

I got everything ready. My resume and the requirements needed. Hindi ko alam kung paano ko pagsasabayin ang thesis writing namin at pagtatrabaho. Sooner or later, Leon needs to know what's going on. Nahihiya lang ako sa ngayon na magsabi.

"This semester will be the most crucial one for you. Bukod sa thesis ay puro major courses na rin ang i-ta-take n'yo so, mag-expect kayo ng mas mabigat na project. Magkakaroon din kayo ng tri-sem for your clinical internship," saad ni Ms. Lubrica sa klase. "And guys, what you need now is to help each other. Hindi na kayo bata para isumbong pa ng mga ka-partner n'yo na hindi tumutulong. Compromise and work harmoniously. Okay?"

We agreed in chorus. Wala pa man ay kinakabahan na ako sa mga posibleng mangyari. Exams, projects, thesis, reports, and my part-time job . . . how could I do all that?

"Ma'am, kinakabahan si Mari! Naluluha na tuloy agad ako!" pagbasag ni Shaira sa iniisip ko.

I glared at her. "Ako na naman ang nakita mo."

"Kasi naman! Ikaw na 'yan, 'te! Paano pa akong normal na tao lang?!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko at awtomatikong lumipad ang mga mata ko kay Leon. May maliit na ngisi sa labi niya habang pinapanood kami. Nang makitang nakatingin ako ay lumaki ang ngisi niya, dahilan para lalo akong mapasimangot.

"Ma'am, puwede po bang magpapalit ng thesis partner?" tanong naman ni Zoey.

Nanlalaki ang mga matang napatingin si Shaira sa ka-partner.

"Grabe ka manakit, ah!"

Naiiling na lang ako sa kalokohan nila. It was no question. Sila talaga ang pinakamaingay sa classroom. Lalo si Shaira. Unti-unti na ngang nahahawa sa kanya si Zoey.

Nothing much happened the following days except that we were so busy with our thesis that it was difficult for me to take clients. Sa library kami ni Leon madalas gumawa ng thesis pagkatapos ng klase at napagkasunduan naming hanggang alas sinco lang kami lagi ng hapon.

"Bakit ba mag-a-apply ka pa sa canteen? Baka naman mapagod ka nang sobra d'yan," sabi niya, isang hapon habang nagta-tally kami ng scores ng respondents namin.

I pursed my lips and nodded. "Kulang ang kinikita ko lalo ngayong nagthe-thesis tayo. Kakaunti ang kliyenteng natatanggap ko. Eh, kapag naging canteener ako . . . puwedeng kapag walang tao sa canteen, doon ko gagawin 'yong part ko sa thesis natin."

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon