Chapter 30

13.4K 642 405
                                    

"Say Lolo! Can you say Lolo?" malambing na wika ni Selena sa anak.

Umiling si Wesley at isinubo sa bibig ang laruang hawak niya. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Selena at inagaw sa bata ang laruan. Tumawa naman si Papa habang nanunuod.

"Ang taba-taba na ng apo ko, ah? Baka kung anu-ano na ang pinapakain mo d'yan, Selena..."

"Hindi naman po, Pa. Macho lang talaga si Wesley," tumawa si Selena at ipinunas sa damit niya ang laruang may laway. Napangiwi si Sonny na nanunuod sa dalawa.

"Raya, ano pang ginagawa mo r'yan? Mali-late ka na sa klase mo!" sinita ako ni Mama dahil nakatunganga pa ako sa kusina at pilit na nakikinig sa pag-uusap nina Papa at Selena sa video call.

Ngumuso ako at lumapit sa kapatid. Inagaw ko sa kaniya ang cellphone niya at kinawayan si Papa.

"Pa, alis na po ako! Ba-bye!" ani ko. Tumawa naman si Papa at kinawayan din ako. Ibinalik ko na ang phone kay Selena at kinuha ang bag ko sa couch. Dali-dali akong lumabas ng bahay.

Napamura ako nang sampalin ako ng malamig na hangin pagkalabas ko. March na pero may snow pa rin. Kaagad akong pumasok at kinuha ang scarf ko sa coat hanger. Ipinulupot ko iyon sa leeg ko at nagsuot na din ng gloves dahil sobrang lamig pa rin ng panahon at hindi na kinakaya ng katawan ko.

"Mag-iingat ka!" sigaw ni Mama sa bahay. Nakapang-nurse na siya na uniform pero mamaya pa naman ang duty niya kaya naroon pa siya sa bahay.

Sa tuwing may morning shift si Mama, hindi ko dinadala ang sasakyan sa NYU. Nags-subway ako patungo roon kaya kailangan kong agahan ngayon kundi mali-late na naman ako sa klase ko.

Bumabaon ang boots ko sa snow sa bawat tapak ko. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Karlo na ilagay ko daw ang snow sa garapon at ipadala sa kaniya kaya para akong tanga na tumatawa sa kalsada. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao.

I cleared my throat and fought off the smile from my face. Kaka-video call lang namin last week, Nagpunta kasi silang lahat sa bahay ni Avery para icelebrate ang graduation nila. Nakakainggit dahil tapos na silang mag-aral samantalang ako, second year pa lang. Ni wala man lang maski isang subject ang na-credit nang mag-enroll ako rito.

Hinanda ko na ang MetroCard ko para sa subway. Si Mama naman ang nagde-deposit doon ng pera para makapunta ako kung saan ko gusto kapag wala ang kotse.

Morning rush kaya maraming tao doon at siksikan. I tried to stay away from the platform edge. Hindi rin ako tumititig sa ibang mga pasahero na naroon. I learned my lesson before when I got into a fight just because I zoned out while I was riding the subway and didn't realize I was staring at a random person the entire time. Palaging mainit ang ulo ng mga tao dito at nagmamadali. Everyone here seems like they're wildly chasing their dreams... katulad ko.

Sa dalawang taon ko dito, unti-unti na akong nasasanay. Hindi naman ganoong kahirap mag-adjust lalo pa't naiintindihan ko naman sila. Hindi rin katulad sa mga movies na binubully ang foreigner na estyudante sa mga international school. Walang pakialaman ang mga tao rito kaya wala rin akong naging kaibigan kahit dalawang taon na akong nag-aaral. Ayos lang din naman sa akin dahil gusto ko lang mag-focus at makapagtapos.

"Hey, watch it chink!" Singhal sa akin ng isang babae nang matabig ko siya.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin. I didn't even bother correcting her that I am not Chinese. Ang paningin kasi nilang lahat, kapag galing ka sa Asia, Chinese ka kaagad.

Nang makarating ako sa NYU, mabilis akong naglakad patungo sa lecture hall ko. Dahil malaki ang NYU, iba-iba ang uniform at dress code ng bawat college. May ibang wala talagang uniform kaya ID lang ang sinusuot kapag pumapasok. When I reached the lecture hall, I sat at the far end of the room and stared at the huge projector.

Elyu Series #1: Drifting with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon