Reon Alexis

26.2K 1.1K 292
                                    

Reon Alexis

I already had a hunch that the kid is mine for he looks exactly just like me. Pero hindi ko pa rin gusto paasahin ang sarili ko hangga't hindi mismo sa kaniya nanggagagaling ang katotohanan. But if she decided to tell that the child isn't mine, I won't still believe her.

Ipipilit ko pa rin na akin.

But then it was still a question in my head why Isha had to tell me that my sister Ania has something to do with my son.

What does she know?

Nang sabihin ni Isha na hindi niya itinago si Skyler... at dapat kong itanong sa kapatid ko kung hanggang kailan nito balak ilihim sa akin ang katotohan ay nagkaroon na ako ng ideya sa isip. Pero hindi ko gustong tanggapin. Na sana, imposible at wala siyang kinalaman. Dahil kapag nagkataon na may alam siya at inilihim niya sa akin, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.

Matapos namin mag-usap ni Isha at aminin ang tungkol kay Skyler ay nagdesisyon akong umuwi na ng Maynila. Kararating lang ng Baguio para sana suyuin siya pero heto at aalis na naman para linawin ang isang bagay sa kapatid ko.

I could just call her and ask about it but I know things like this should be done in personal. It is a serious matter and I know in myself that I won't feel contented by just hearing her words over the line.

Kaya kahit nananakit na ang katawan sa pabalik balik na biyahe at matagalan pagmamaneho ay pinilit kong huwag indahin at nagpatuloy pa rin. Kahit pa matinding antok na ang nararamdaman.

The urge to know the truth is keeping me awake.

Kinuha ko ang cell phone sa loob ng pantalon at hinanap ang numero ni Mama. As soon as I found it, I called her and put the phone across my ear.

"Reon, son? Where are you?" bungad niya sa akin matapos ang ilang ring.

"I'm just around, Mama."

Hindi ko gustong sabihin sa kaniya na bumalik ako ng Baguio dahil kay Isha. She would surely freak out. Matagal nang hindi napag-uusapan si Isha pero alam kong hanggang ngayon ay naroon pa rin ang galit niya para dito.

Kapag nagkabalikan na kami... ihaharap ko siya sa buong pamilya ko. It's impossible for now since she doesn't want me anymore but I will still pursue her.

May anak o wala... babalikan ko siya.

"Do you know where Ania is?" I asked.

"They will be here. It's Sunday remember? Family day. Don't tell me you won't be able to come again?"

Hindi ako sumagot. Kung ganoon ay kumpleto ang lahat mamaya. I don't know if it's a good idea or not. Mas gusto kong kausapin si Ania nang kaming dalawa lang pero puwedeng sa harapan na rin mismo ng pamilya namin.

"Your Tita Cheska and her family is already on their way here. Please be here, Reon. Last week ay wala ka rin."

"Pupunta ako, Mama."

Natapos ang tawag. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako ng Maynila matapos ang nakapakatagal na oras ng biyahe. I arrived there almost lunch time.

"Nasaan sila?" tanong ko sa kasambahay na nagbukas ng pintuan para sa akin.

"Nasa dining area na po sila, Sir Reon."

Hindi ko na siya sinagot at dire diretso sa pagpasok. As I walk inside, I can already hear the sound of their laughter playing with my heart beating wild. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang tensyon na bumabalot sa akin. O, mas tamang sabihin na hindi ako nakahanda sa maaaring katotohanan na sumambulat sa akin.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon