Kabanata 19 : Pagtitimpi

307 33 6
                                    

Kabanata 19 : Pagtitimpi

C-Tower Parking Lot


Naglakad si Gian na ikinasunod ni Franco hanggang makarating ang mga ito sa kotse ng binata at sumakay doon.

"Bata ka pa at hindi kita masisisi, pero tumatanda tayong lahat kahit ikaw na dapat matutunan mo pag-aralan kung paano mo makakalma ang sarili mo kahit sa panahon na sasabog ka na. Nang sa ganoon mabawasan ang maaari pang ikalala ng sitwasyon ng galit mo." sabi ni Gian saka nito pinaandar ang kotse na ikinatahimik lang ni Franco.

Inilapag ni Gian ang tuta sa kandungan ni Franco saka ito nagpatuloy magmaneho.

"Maraming masasamang tao at habang tumatagal padami pa sila ng padami. Kung ngayon hindi mo sila mahahawakan o hindi mo matutunan hawakan ang emosyon mo what more pa kapag namulat ka na sa social media.

Dahil sa nakikita ko hindi ka pa masyadong nakakapunta sa mundo kung saan lahat ng tao feeling perpekto, at mas malala ang mundong iyon kung saan lahat may sasabihin sayong mali kahit anong gawin mo... nasa tama ka o nasa mali ka.

Ang mundong hindi physical ang labanan at emosyonal ang sumasakop tulad ng ginagawa mong pagsuntok at galit na nangingibabaw sayo, kundi mentalidad na susubukin ang tibay ng utak mo kung paano mo hawakan ang mga taong perpekto sa likod ng makabagong mundo sa bullying." sabi ni Gian.

Nanatiling tahimik si Franco habang hinahaplos ang aso nito na nakasiksik sa kanya at tila takot at may masakit dito.

"Ipagamot muna natin siya, pagtuunan mo muna ng pansin ang nilalang na mas kailangan ka, kaysa sa mga taong nilalagay ka sa mundong ayaw mo, at iyon ang kadiliman na kasasapitan mo kapag nagpailalim ka sa kanila at sa galit mo." sabi ni Gian at ilang sandali pa huminto ang kotse nito sa isang vet clinic na ikinatingin ni Franco.

Bumaba si Gian sa kotse at pinagbuksan ng pintuan si Franco.

"Ito ang tunay na lalaki, responsibilidad muna ang inuuna hindi ang mga bagay na tingin mo makakatulong ka sa taong may responsibilidad ka. Ang ibig kong sabihin kung hinabol mo sila oo makakaganti ka sa pananakit nila sa tuta mo, pero ang tanong ikaw bilang mapagmahal na amo sa aso mo naibigay mo ba sa tuta mo ang responsibilidad mo na unahin siya at ang kalagayan niya?

Hindi.

Kaya matuto ka mag-isip dahil ang galit mo ay patuloy lang na ikakalayo kung sino ka talaga. Kapag hinabol mo sila nakaganti ka pero sa pagbabalik mo puwedeng wala na ang tuta mo, bagay na dapat inuna mo." nakangiting sabi ni Gian habang nakatitig si Franco sa kanya.

"...bumaba ka na para umokey na si Diggie." sabi ni Gian na ikinatango ni Franco.

...............

Canmore Tower

"Hindi na naman siya nagrereply. Anak, ano bang ginagawa mo?" sabi ni Shaira sa isip sabay tingin sa folder na bigay ni Gian na nasa lapag ng mesa niya na kagabi pa niya pinag-aaralan at binabasa.

Kanina pa niya tinitext si Franco pero wala itong sagot mula pa kanina.

"Anak, okay ka lang ba talaga." sabi muli ni Shaira sa isip na may pag-aalala.

....................

Vet Clinic

One hour later

"Okay ka na Diggie, uuwi na tayo." nakangiting sabi ni Franco matapos mapagamot si Diggie, may cast ang isang paa ng aso at binigyan na rin ito ng gamot.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon