Chapter Thirty-eight

21.3K 279 20
                                    

I heaved a deep sigh while thinking deeply how I will say to Cai that I am pregnant.

Our relationship isn't really totally fine after the night that I hugged him and I told him that I missed him. S'yempre, medyo nakakaramdam ako ng ilang tuwing nariyan siya dahil naiisip ko ang mga nangyari. Sinusubukan naming ibalik kung ano kami dati dahil iyon ang mas mahalaga.

Napanatag naman ang loob ko na wala dapat akong ikabahala sa kaniya pero unti-unti ko ring sinisikap bumalik ang tiwala ko sa kaniyang namantsahan dahil kay Lheen. Alam ko namang wala talaga siyang kasalanan pero hindi ko maiwasang mag-isip minsan at alam kong normal lang ang nararamdaman ko.

My Mommy and I visited an obygyne last week, and I'm very happy and relieved to know that the baby is healthy. I had an ultrasound and I can't explain what I felt when I saw that the baby was already starting to form.

May buhay na talaga sa loob ng tiyan ko. Apat na buwan na siyang naroon.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa ultrasound dahil hindi talaga ako makapaniwala. Maging ang mga magulang ko ay tuwang-tuwa habang tinitingnan iyon.

Ngayon nga ay hawak ko na naman ang kopya at nakangiting pinagmamasdan iyon habang nag-iisip sa gagawin kong surpresa.

My brows met while looking at the ultrasound copy. Unti-unti ay napalitan ng ngiti ang pagkakasalubong ng kilay ko saka tumango sa sarili.

Tama ang naisip ko!

I am very thankful na sa Siargao gaganapin ang birthday ni Tito at Hawaiian ang theme ng celebration. Makakapag-dress ako ng medyo maluwag at hindi pa rin mahahalata ang umbok sa tiyan ko.

We'll stay there for three days at hindi lang for celebration ng birthday ni Tito kundi para na rin daw makapagpahinga sila kahit papaano dahil ang tagal na rin daw noong huli silang nagbakasyon.

Kami lang ang invited. Wala nang ibang kasama dahil ang pamilya raw namin ang pinakamatalik nilang kaibigan, that's what Tita said to me when she visited me the other day.

They are like my parents na palaging may dalang prutas tuwing binibisita ako. Puro na nga gulay at prutas ang laman ng ref namin. Nasasayang lang ang iba dahil nabubulok sa sobrang dami kaya naman tuwing may umuuwing kasambahay, pinadadala ko na ang iba para sa mga anak nila kaysa naman masayang lang.

"Mil." Mom knocked on the door but didn't wait for me to let her in. Siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto saka siya pumasok sa loob. "We're going to the mall. Bibili kami ng clothes para sa Siargao trip. We'll stay there for three days, kailangan natin ng mga damit. Sasama ka ba?"

Naisip ko ang shop kung may Hawaiian dress ba kami pero naalala kong hindi ko pa pala nasasabihan sila Jil na mag-design din ng ganoon dahil nagsimula kami sa casual dresses at gowns.

"Sasama po ako," sagot ko saka itinabi na ang ultrasound sa drawer. "Mag-aayos lang po ako."

"Huwag ka nang magtagal. Mainipin pa naman ang Daddy mo. Mag-aayos lang din kami saglit tapos hihintayin ka na namin sa baba, ha?"

Tumango ako bilang sagot kaya tumalikod na siya't umalis at sinara nang dahan-dahan ang pinto.

Green flag! Sinasara nang maayos ang pinto. Walang awang!

Naghanda ako ng susuotin saka pumasok sa banyo para maligo. Nagmadali na ako kasi tama ang sinabi ni Mommy na mainipin si Daddy. Ayaw niyang pinaghihintay siya dahil strict siya pagdating sa oras. Mabait siya pero may mga bagay rin na ayaw niya at kailangan ko iyong sundin.

Iba magalit ang mababait.

Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto at sakto lang din naman na kalalabas lang din nila ng kuwarto nila.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon