20

19.5K 567 253
                                    

"Leave me fucking alone Mavis......You disgust me" punong puno ng pandidiring saad nito.

" Va--valen--tina ma'am please " lumuhod ako sa harapan niya para mag makaawa.

Ubos na ubos na ang dignidad ko at awang awa na ako sa sarili ko dahil sa ginagawa ko pero hindi ko talaga kayang bitawan si ma'am.

" Ano bang hindi mo maintindihan Mavis?! Hindi kaba nakaka intindi?! Nandidiri nga Ako sayo! Nandidiri at nasusuka din ako kapag iniisip kong pinatulan kita!" Tinulak ako nito ng akmang hahawakan ko ang kamay niya.

" Don't touch me with that dirty hands of yours. Nakakadiri ka, do you think after all what happened to us may mararamdaman ako sayo? No dahil nandidiri ako. Gusto mo ba talaga mas masaktan? Pwes isaksak mo ito sa maliit mong Utak na todo kuskos at linis ako ng sarili ko pagkatapos mo akong galawin, pasalamat kana din saakin na pinatulan kita kahit nakakadiri ka at Hindi kita papatulan dahil dukha ka lamang" umiling lang ako sa mga masasakit na sinasabi niya.

Sobrang naninikip na ang dibdib ko sa sakit ng mga sinasabi niya pero ayaw kong paniwalain ang sarili ko sa aking mga naririnig na mga salita mula sa labi niya.

" Valentina I....I..beg you.. please huwag namang ganito" tinulak ako nito at sinampal ng akmang hahawakan ko ulit siya.

" I said don't touch me, now leave this fucking room Ms. Fernandez!!! Bago pa ako tumawag ng gwardya at baliktarin pa kita" tumalikod na ito.

Mukhang wala akong magagawa pa, tumayo ako at pinulot ang bag ko.

" I--i just want to be lo--ve by you ma'am, masama ba iyon? Alam mo bang kahit sobrang sakit ng mga sinasabi mo hindi ko na uni intindi yon dahil mahal kita Valentina sobrang mahal to the point na nag mumukha na akong tanga dito oh, masama bang mahalin kita?...... Pasensya, pasensya kung pandidiri ang epekto ko saiyo hindi ko naman alam eh patawad mahal, pasensya na kung bawal kitang mahalin dahil abnormal ako at naiiba at pasensya na din kung Isa lamang akong dukha...alam ko naman even in the first place hindi ako bagay sayo dahil sa sobrang layo ng estado natin sa buhay" palakas na plakas ang pag iyak ko, Hindi lang luha ang tumutulo sa mukha ko pati na rin dugo pero walang wala ang sakit ng nuo ko sa nararamdaman ko ngayon.

" Pero hindi ko pinag sisisihan na mahalin ka sa kabila ng mga iyon"

Tumingala ako para patigilin sa pag agos ang mga luha ko pero patuloy lang ito sa pag agos.

" Hayyy hindi ko inaakalang dadating ako sa puntong ganito....na mag mamaka awa ako na mahalin ako, pero ma'am mahal talaga kita kahit ang sakit sakit na, napaka laki mong red flag pero dahil color blind ako nagiging green flag ka sa mga mata ko, ang Tanga ko diba ma'am noh? Bobo na, Tanga pa. Kaya siguro wala ka man lang naramdaman saakin kahit kaunti, ay meron naman pala pero puro pandidiri hahahaha" pagak akong tumawa habang nakatingin kay ma'am.

" I don't want to do this but I'll do whatever you want me to do, I will do my best to avoid you kahit masakit titiisin ko ma'am, diba sabi nga ng iba pag mahal at ayaw na saiyo palayain mo ehehehehe kahit walang tayo ma'am papalayain kita para maging masaya ka" napansin kong may dumaang emosyon sa mata ni ma'am, awa? ayoko na mag assume, nakakasakit.

Lalapitan ko sana si ma'am ng umatras ito kaya tumigil ako, ganun ba kalala ang pagkakadiri niya saakin?

Bumuntong hininga na lang ako at tumalikod sakanya. Naglakad ako papunta sa pintuan.

" Ma'am" lumingon ako sakanya.

" Magkita tayo mamaya sa parke, may nais lang po ako ibigay sayo kahit sa huling pagkakataon. Kahit iyon nalang po ibigay mo saakin, last na talaga ito ma'am" sabi ko at naglakad na paalabas.

Loving Professor Miss Alvarez (Unedited!)Where stories live. Discover now