KABANATA CCXVII

3.9K 19 9
                                    

Katabi ni Dalton ang isang batang babae na mas matangkad kaysa sa kaniya.

"Napakaganda kong Giselle, gusto mo ba akong samahan sa pag inom? Nanunuksong tanong ni Dalton habang nilalapitan si Giselle.

Tiningnan mula ulo hanggang paa si Giselle habang hindi pinapansin si Darryl na nakatayo sa tabi niyo.

Inakala nito na isa lang si Darryl sa mga bodyguard ni Giselle dahil sa suot nitong sunglasses.

Nginuso lang ni Giselle ang kaniyang mga labi habang hindi sinasagot si Dalton. Agad siyang nakaramdam ng pandidiri habang inaalala ang ginawa niyong pag hawak sa kaniya noong dumalo siya sa isang interview ng entertainment company na pagmamay ari ni Dalton.

Agad na nagalit si Dalton sa ginawang pananahimik ni Giselle. "Ano ba ang dapat mong ipagmalinis, Giselle Lindt? Kumusta ka naman nitong mga nakaraang araw? Wala na bang nag ooffer sa iyo na maging cast sa kahit na anong movie o advertisements? Alam mo ba kung bakit?

Nagmukhang makapangyarihan sa mga sandaling ito si Dalton.

Dito na naging galit ang walang pakialam na ekspresyon sa mukha ni Giselle. "Ikaw ba ang nasa likod ng lahat ng ito?"

Dito na nagdikit  ang mga kilay ng katabi nitong si Darryl.

Nanatili si Giselle sa company building ng ilang araw dahil wala naman siyang kahit anong gagawin habang si Lana ay inuulan ng mga projects kahit na mas late siyang nagdebut kaysa kay Giselle. Hindi inimbitahan si Giselle na maging ng mga hindi popular na shows na kasalukuyang umeere sa TV.

Alam ni Darryl na mayroong hindi magandang nangyari noong sabihin iyon sa kaniya ni Pearl, pero hindi pa niya ito nagagawang tingnan nang maigi hanggang ngayon.

Naintindihan na rin ni Darryl ang nangyari matapos marinig ang mga sinabi noon.

Dahil pala ito sa matabang lalaking na iyon.

"Binabalaan kita! Hinding hindi ka magkakaroon ng resources para sumikat kahit na gaano ka pa kapopular noong una kang magdebut sa telebisyon kung hindi makikipagtulungan sa akin! Pinagsisisihan mo na ba ang ginawa mo noon? Okay lang dahil hindi pa huli ang lahat para sa iyo. Mayroon pang space na natitira sa kama ko ngayon."

Nagngingitngit na nanginig ang buong katawan ng galit na galit na si Giselle, sasagot na sana ito ng pigilan siya ni Darryl.

"Huwag mo siyang pansinin," Sabing kalmadong si Darryl.

Dito na nabago ang itsura sa mukha ni Dalyon; malinaw na makikita ang panginginig ng matataba nitong mga pisngi.

"Sino ka bang hayop ka! Paano nagawa ng bodyguard na itong pagsalitaanbako ng ganoon?"

Tumitig siya kay Darryl habang sumisigaw na sinasabing, "Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang namang bodyguard; wala kang karapatan na magsalita ng kahit na ano rito. Umalis ka na sa harapan ko."

"Siya ang aming president." Sabi ni Giselle.

Natigilan nang isang sandali sa kaniyang narinig si Dalyon bago sumabog sa katatawa habang sinasabing, "Oh, ikaw pala ang presidente ng Platinum Corporation? Hindi ko naman alam na isang bata lang ang humahawak dito! Bakit ka naman nakashades ngayong gabi? Nagkukunwari ka ba na isang panda? Nagulat naman ako sa iyo, inakala ko kanina na isa kang emperor."

"Nahihibang na ba siya?"

Waka sa mood si Darryl na makipag usap kay Dalton kaya hindi niya sinagot ang mga sinabi nito at nanatiling tahimik sa tabi ni Giselle.

Pero kabilang si Dalton sa mga uri ng taugal sa kanilang nga ginagawa. Kaya nang makita niya ang tahimik na si Darryl, mabilis na tumayobsi Dalyon at tinuro ng diretso ang ilong ng kaharap niyang si Darryl habang sinasabing, "Kiddo, ikaw ang presidente ng Platinum Corporation, ano naman ngayon? Gaano katagal na ba mula noong itayo mo ang kumpanyang iyan? Gaano karaming mga resources at kuneksyon na ba ang mayroon ka? Isa ka lang kutong lupa para sa isang katulad ko! Kaya lilinawin ko sa harap mo ngayong araw na makukuha ko rin si Giselle Lindt! Ibabasura mo ang kontrata ng Platinum Corporation kay Giselle Lindt kung alam mo talaga ang ginagawa mo. Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong hindi na aabot pa sa susunod na taon ang Platinum Corporation na ito."

Makikita ang nalalamig na itsura ni Darryl sa mga sandaling ito.

Ang nag iisang bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay ang pagturo ng kahit na sinong tao sa kaniya.

"Alisin mo ang baboy mong kamay sa mukha ko." Nanlalamig sa sinabi ni Darryl.

"Niloloko mo ba akong hayop ka?!"

Dito na tuluyang nagalit si Dalton.

Nagsimula na ang engrandeng event kaya gumawa na ng ilang introductions ang emcee sa stage. Pero agad na naalarma ang ilan sa mga bisitang malapit kina Darryl dahil sa komosyon na kasalukuyang nagaganap sa pahitan ng dalawa, nacucurious na tumingin ang mga bisitang ito sa dalawa.

Napahiya naman nang husto si Dalton sa kaniyang narinig.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now