Simula

147K 3.4K 3.5K
                                    

"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I hope you find solace."

***








Alas otso ang oras ng unang klase ko pero heto pa rin ako, halos mahulog na ako sa hagdan dahil sa pagmamadaling makalabas ng bahay. Kahit magulo ang basang buhok at hindi pa nakatali ang sintas ng sapatos ay dire-diretso lang ako habang bitbit ang bag. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko ngayon, kailangan kong umabot sa klase ko dahil kung hindi ay paniguradong masasarhan na naman ako at sa canteen na naman tatambay. Sa istrikto ba naman kasi ng professor namin sa subject na 'yon.



Bakit ba kasi ang aga ng start ng klase? At bakit ba kasi siya ang prof ko sa unang subject ko? Mas lalo tuloy akong naiinis habang iniisip iyon.



Nang makalabas ako ay narinig ko na rin ang pag-andar ng sasakyan niya. Ayaw kong sumakay, ayaw kong may makakita sa school na sabay kaming pumasok.


"Late ka na, paiiralin mo pa rin ba 'yang pride mo?" Malamig at iritang sambit nito nang tumigil ang sasakyan niya sa harap ko.


Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad at nagdasal na sana dumating na iyong nabook kong taxi. Bakit ba kasi ang tagal?



"September—"



"Nagbook ako ng taxi, maya't maya ay nandito na—"



Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil pinaharurot na niya ang sasakyan niya palayo sa akin. Sa inis ay napasigaw ako at parang batang nagdadabog sa kalsada habang titig na titig sa sasakyan ni Zahira.



Nakarating ako sa school na tagaktak ang pawis. Mabuti na lang at may dala akong extra t-shirt pero ang hindi mabuti ay sarado na ang pintuan ng room nang makarating ako, ibig sabihin no'n ay hindi na pwedeng pumasok. Kaya heto ako ngayon, kumakain sa canteen kahit labag sa loob ko.



Maya't maya ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang message sa akin ng kaibigan ko.




Pamela:

hoy, asan ka? nagpaquiz si hernandez, wala ka na namang quiz sa kanya.





Magrereply palang sana ako nang makita ko na siyang papalapit sa akin. 10 na pala at halos dalawang oras din akong nakatambay rito sa canteen. Nagsayang lang ako ng oras, edi sana hindi na lang pala ako pumasok.


"Hoy, gaga ka! Bad mood si ma'am Hernandez—"



"Walang bago," pagpuputol ko sa kaibigan ko.



Tama naman ako, wala pang isang beses na hindi ko siya nakitang hindi bad mood. Pinaglihi nga ata sa sama ng loob.



"Nagquiz kami kanina. 50 items, girl. Halos magdugo na naman ang ulo ko sa mga tanong niya. Tapos recitation habang nagdidiscuss siya. Buti naman sana kung hindi nakakatakot iyong aura niya kapag nagtatanong siya. Kahit alam mo iyong sagot parang hindi mo masabi at nauudlot iyong pagsagot mo dahil sa sunud-sunod niyang tanong." Parang batang nagsusumbong si Pamela.



"Hindi ka na nasanay." Tanging nasumbat ko.



Sa sobrang sungit at terror niyang professor ay napapatanong ako kung anong nakain ng mga magulang ko't napagdesisyonan nila iyong bagay na iyon. Napabuntong-hininga ako dahil sa naisip ko.



"Hindi kasi ata napagbibigyan ng asawa niya kaya ganoon na lang kung magsungit—okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Pamela nang makita niya akong nasamid sa iniinom kong juice.




Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon