CHAPTER 15

3 0 0
                                    

CHAPTER 15 - LEFT WITHOUT A WORD

Parehong walang nagsasalita sa amin ni Choy. Nasa byahe na kami ngayon pabalik sa Norte. Hindi ko lubos maisip na nilisan ko ang Quezon nang ganoon na lang. Maging si Cleah ay nagulat pero wala kaming nagawa.

"What are you thinking?" sa wakas ay tanong niya.

"Si papa." matabang kong sagot. "He's so unfair."

Ipinasundo niya ako dahil gusto niyang ako ang humalili sa kanya habang nasa business trip siya sa ibang bansa. Ang sabi pa ni Choy, ayos na raw ang lahat at ako na lang ang kailangan.

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "How did he do that? He didn't even bother asking me, consulting me, and considering my schedules." naiinis kong litanya. "I have a stable job there, Choyen. And you all know that!" isa pa 'yon. Hindi man lang ako nakapagpaalam kila Renz. Ano kayang iisipin niya? Hahanapin niya kaya ako? Mamimiss niya kaya ako? Hays.

"I understand." sagot niya. Alam kong totoo 'yon dahil simula't sapul, kahit na ito pa lang ang pangalawang beses na nagkita kami sa personal ay ipinaramdam na niya sa akin ang suporta niya. Bagay na hindi ko naramdaman kay papa noon.

"Pero mabuti na rin siguro ito." bulong ko at humugot nang malalim na hininga.

"What do you mean?" saglit niyang itinuon sa akin ang paningin niya at agad ding ibinalik sa daan. Para hindi na ako mas mahulog pa sa kanya. Para hindi na mas lumalim pa. Mukhang kaibigan lang naman talaga ako sa kanya. Baka sobrang mabait lang talaga siya katulad nang sinabi ni Cleah. "May problema ba?" gusto kong matawa sa tanong niyang iyon. Hindi pa ba problemang matatawag ang sitwasyon ko ngayon?

Mas pinili kong matulog na lang sa buong byahe namin. Napapagod na rin kasi akong mag-isip. Ayoko muna ng kausap at gusto kong tumakas sa sakit.

"Seffie." tawag sa akin ni Choy. Halos masilaw ang mga mata ko sa liwanag na nanggagaling sa sikat ng araw. "Nandito na tayo."

It doesn't feel like a home sweet home.

"Darling!" salubong na bati sa akin ni mama. Ikinulong niya ako sa mahigpit na yakap niya. "Choy, iho, tuloy ka." hindi ko alam kung bakit si Renz ang naalala ko sa sinabing iyon ni mama. Ganiyang-ganiyan din niya pinapasok si Renz noon. Hays. Namimiss na kita, Renz. Sigurado akong sa oras na ito ay alam na niyang wala na ako. Paanong hindi, kung empleyado niya ako na nag AWOL.

"Glad you're back." sabi ni papa na mukhang galing sa kusina.

"Dad." ani Choy at yumakap dito. Pinanood ko kung paano himasin ni papa ang likod niya habang yakap ito. Para bang napakatagal na panahon nilang hindi nagkita at sabik na sabik siya rito. Ilang buwan rin naman akong nawala ah? Hindi niya ba ako namiss man lang?

"Maiwan ko muna kayo. Ipaghahanda ko kayo nang makakain." at dumiretso na si mama sa kusina.

Naiwan kaming tatlo ritong nakaupo sala. "Kumusta, Seffie? I heard, nagtatrabaho ka raw sa auto repair shop? Seriously?" pilit kong pinigilan ang pagtaas ng isang kilay ko. Anong ibig niyang sabihin sa seriously niya?

"Yes po."

"Talagang mas pinili mong mamasukan kaysa hawakan ang kumpanya?" parang biglang uminit ang pisngi ko. Kauuwi ko lang at iyan talaga ang ibubungad niya? Idagdag pa ang katotohanang ipinapahiya niya ako sa harap ni Choy. Minsan gusto kong itanong sa kanya kung anak niya ba talaga ako.

"Dad, I think let's give her time to rest for a while? Medyo mahaba po kasi ang byahe and I'm sure, she's still tired." hindi ko alam kung paano pasasalamatan si Choy sa pagiging sensitive niya sa nararamdaman ko.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon