Chapter 5

3.5K 155 16
                                    

CHAPTER 5

SINGTONADO, MGA BANDIDO, FIRST KISS

"NIGHTMARE!!!"

Sigaw nila maliban kay Coldy na napiling iling nalang. Bakit pa nga ba siya nag-alala. Oo, nag-alala siya. Alam niya kasing may pagka tanga si Nightmare kaya naisip niya baka kinakain na ngayon yun ng higanting kalahating ahas at kalahating tao. Pero dahil kakaiba at tanga si Nightmare, sa halip na matakot nagawa niya pang makipagbiruan at paglaruan ang buntot nito.

"Wow, ang haba ng buntot mo. Pwede ko bang hiramin ito? Saglit lang. Promise. Pagkatapos, ibabalik ko din sa'yo. Pwede ba? Pwede naman diba?"

Natampal nalang ni Coldy at Justine ang kanilang nuo. Tumatawa naman ng mahina si Prince Geo na talaga namang tuwang tuwa sa ipanapakitang ugali ng dalaga. Ngayon, pakiramdam niya, hindi na ang dating Nightmare ang kaharap nila, ibang iba kase talaga ito.

Nakangiti naman si Hope Less dahil nga sa natutuwa siyang makitang masaya ang kapatid niya. Si Bae Lhat naman ay napakamot nalang sa kaiyang ulo habang si Demon You ah hindi na alam ang gagawin, kung hahatakin ba niya ang kapatid niya o mananatili nalang siya sa kinatatayuan niya dahil sa totoo lang, kinakabahan siya. Malakas lang siya at mayabang dahil sa lakas ng kapangyarihan niya. Ngunit ngayon na wala ito sa kaniya, hindi niya ala kung anong gagawin niya.


"Ano ba ang iyong ginagawa, binibini? Tigilan mo ang kakahaplos sa aking buntot. Nais mo bang ako ay galitin? Pinasok niyo na nga ng walang pahintulot ang aking tahanan, ngayon ay nilalapastangan mo pa ang aking makintab na buntot. Isa kang pangahas."

Sa halip na matakot inirapan lang siya ni, Elijah. Nagawa pa nitong mameywang at taasan ng kilay ang pangit na halimaw. Naiinis siya, pasalamat nga ito at hinawakan ng mahiwagang kamay niya ang buntot nito, dapat matuwa ito dahil walang mago na nasa matinong pag-iisip na makikipag-usap sa halimaw at talagang hahaplusin pa ang buntot nitong marami ng napaslang. Eww, makasalanan.


"Isa akong pangahas? Duh, mago ako. Hindi mo ba alam yun? Sige, ipapaliwanag ko. Ang mago ay mga taong biniyayaan ng kapangyarihan. Kaya nilang gawin ang mga bagay bagay na akala ng mga ordinaryong tao na naninirahan sa Earth ay imposible. Kung baga, kayang gawin ng mga mago ang mga bagay na akala ng mga ordinaryong tao ay imposibleng gawin. Ganun, duh. Ganun ka na ba katagal dito para hindi mo malaman ang mga simpleng bagay bagay gaya nun. Labas labas din kase pag may time. Huwag ka ng umasayang gaganda ka at puputi ka sa katatago mo sa lungga mo."


Namamanghang tinitigan ni Cloud si Nightmare. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya pero isa lang ang nasisigurado niya.

"Interesting, I'm starting to like you, Nightmare. Be ready, once I announce that I like you, you'll be mine, no matter what it takes"


Akala niya walang may nakarinig, dun siya nagkakamali. Narinig ni Hope ang mga binuling niya. Nasaktan ang dalaga. Pinipigilan niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nasa isip niya, mas maayos nadin siguro ang ganiyo, siguro, kapag nakatuluyan na ng kapatid niya ang minamahal niya na minamahal din nito ay baka magkaayos sila at maging malapit sa isa't isa.

Hindi lang si Hope ang nakarinig, maging si Coldy ay narinig din ang sinabi ni Cloud. Hindi niya namalayang mahigpit ma mahigpit na pala ang pagkakakuyom ng kamao niya. Masama din ang naging tingin niya sa likod ni Cloud. Napansin nito ang masamang tingin niya, hinarap ni Cloud si Coldy at nginisihan. Napatiim bagang nalang si Coldy at itinuon ang pansin sa babaeng baliw na hanggang ngayon ay walang kakaba-kabang nakikipag argumento sa halimaw.


Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon