Chapter Forty

22.7K 258 26
                                    

Since the day that he had known that I am pregnant, he became more caring that he doesn't want me to be out of his sight. Kulang na lang 'di na siya pumasok sa trabaho at bantayan na lang kami ni baby.

We talk about things like being parents. We promised to each other that we'll be the best for our child. We will give him or her a good future, and we won't be like other parents out there.

I smiled. Hindi na rin ako makapaghintay na makita ko siya. Nakatutuwa lang na pinag-iisipan na namin kung ano ang magiging pangalan niya kung lalaki o babae.

Kapag lumabas na siya, sa bahay na kami ni Cai tutuloy na 'ika niya'y matagal na raw naghihintay sa akin. Ngayon, sa aming dalawa na ng baby namin.

We're here in Zambales. We will held a gender reveal using fireworks here in Anawangin Cove. Hapon pa lang at hinihintay na lamang namin gumabi.

The whole place captured my heart because of its tranquility. Its crescent shape, fine white sand beach, and secluded island vibe is an oasis of serenity.

Limang buwan na akong buntis at mas kita na ang baby bump ko ngayon kumpara noong nakaraang buwan.

They're already casting their votes. We made it using crochet headbands. Ang cute nga tingnan sa mga lalaki. Kahit ayaw ni Zai noong una dahil nga may pagka-kj siya, napilit din naman siya at ang cute tingnan sa ulo niya ng headband.

Fini-film namin ang lahat ng nangyayari para may memories kaming babalikan at panonoorin sa tuwing gusto namin.

Mas marami ang bumoto na lalaki ang baby, while Tita Meryll, Tito Cain, and I voted for a girl.

Si Mommy ang may alam ng gender kaya siya ang kumausap sa mga organizer about doon. In-invite ko rin sina Jil, Lily, at Bethany dahil they're my friends, too.

I contacted Lux about my pregnancy, too, and she volunteered to be a ninang. She even joked na siya raw ang magiging pinakagalanteng godmother ni baby.

It doesn't matter to me what they can give to my child. That's not their real purpose of being godmothers and godfathers.

Nagba-barbeque ang mga lalaki habang hinihintay naming sakupin ng kadiliman ang kalangitan. Nakahanda na ang mga firework na gagamitin.

Sayang lang at wala sina Raya at Kylei. I want them to be here, but the situation made it hard for them to go back. I'm planning to call them later before the fireworks display. Sana lang makisama ang signal kahit mukhang malabo dahil mahina ang sagap ng signal sa lugar.

If I won't be able to call them, I'll just send them a video. Magkaiba ang hula nila. Si Kylei babae habang lalaki naman ang kay Raya. Nagtatalo pa nga silang dalawa noong kausap ko kaya bandang huli, nagpustahan na lang sila.

I watched them being excited. Tahimik lang ako rito pero sabik na sabik na rin akong malaman. Gusto ko nga sanang tanungin si Mommy dahil sa sobrang excited ko pero gusto ko rin namang ma-surprise.

She's the only one who knows about the gender. Ayaw rin malaman ni Daddy dahil mas gusto niyang malaman through gender reveal. He wants to be surprised, too.

Pero malinaw sa amin ni Cai na hindi man tumugma sa gusto naming gender, wala pa rin namang magbabago sa magiging pagtanggap namin sa anak namin. Ano man ang maging kasarian niya, mahal namin siya.

Mini Cai or mini Milgrace, we will love our child endlessly.

Cai looked at my direction. The corner of his lips rose and started walking towards me. Nang tuluyan siyang makalapit ay pinatakan niya ako ng isang halik sa tuktok ng ulo saka tumabi sa akin.

"Are you okay here?" he asked.

I nodded my head and smiled at him, too. "I'm excited."

"Me neither," he replied and caressed my cheek.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon