PROLOGUE

58.9K 2.5K 383
                                    

PROLOGUE

MADILIM na abo ang kulay ng langit sa araw na iyon. Ang paligid ay nanatiling luntian sa kabila nang bagsik ng panahon. Umaagos pababa ang putik dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. The brown muds became reddish. They were like an endless blood in the middle of storm.

Mula sa baitang na gawa sa kahoy sa harap ng pintuan ng munting bahay, pumangalumbaba si Charlotta habang pinapanood ang pag tangis ng langit.

Hindi na naman siya nakapasok sa escuelahan dahil sa panahon. Kung hindi lang sobrang lakas ng ulan, susugod pa rin siya kahit pa alam niyang puro putik na siya pagkadating doon.

Inaabot siya nang humigit kumulang isang oras sa paglalakad araw-araw mula sa Sitio Verde pababa sa kapatagan. Depende sa kanyang bilis. Mula sa patag, sasakay naman siya ng tricycle papunta sa escuelahan. Kapag kapos sa pamasahe, nilalakad niya na lang ang patungo sa La Carlota Escuela ng halos kuwarenta minutos para lang makapasok.

"Pasensya na, apo. Nasira na ang payong at kapote natin. Hindi ka tuloy nakapasok ngayon."

Ang lola Salma niya lang ang kasama niya sa maliit na bahay na iyon. Inabandona na siya ng kanyang ina at sumama sa ibang lalaki. Hindi niya alam kung sino ang ama niya. Ang sabi ng lola Salma niya ay foreigner daw. Nabuntis ang ina at iniwan kalaunan.

Charlotta wasn't surprise when her grandmother told her about her father. Halata naman sa itsura niya na may dugong banyaga.

Ang kutis niya ay ibang iba sa kulay ng mga tao sa kanilang sitio o kahit pa sa normal na kulay ng mga taong nakatira sa La Carlota. She's almost paper white. Her hair is light caramel. They are like a curly vines hanging on her head.

Girls on their school always accused her that she was putting a mascara on her naturally curl eyelashes to make them thick and long. Samantalang wala siyang pambili niyon. Kapos sila sa pera at walang panahon bumili ng kahit na anong kolorete sa mukha o katawan.

"Sigurado ka? Bakit ang ganda ng pilik mata mo?" akusa sa kanya ni Jayda isang araw sa loob ng classroom nila.

Nakapameywang ito sa harap niya kasama ang dalawang kaibigan. Si Charlotta naman ay tahimik na nakaupo sa silya. Naghihintay sa susunod na teacher nila.

"Wala akong pambili ng gano'n-"

"Sabagay, dukha lang kayo. Nakatira ka pa sa bundok. Dapat hindi ka na nag aral dito e."

Simula nang mag umpisa siyang mag aral, hindi nawawala ang mga taong katulad ng mga kaklase niya. Mapangmaliit, mapanghusga at masasama. Para bang hindi sila tao kung laitin ng mga ito.

Maaaring nakatira sila sa bundok, malayo sa sibilisasyon, pero nakakalapag naman ang mga taga sitio sa sentro kung nasaan ang mga ospital, paaralan, pamilihan, simbahan, at iba pang kailangan ng mga tao.

Sadyang mahirap lang ang buhay doon kumpara sa urban area. Some of the people in Sitio Verde living like how old people lived. They are outdated, but they don't really care. They are used to live like their ancestors.

Nahuhuli sila sa mga bagong teknolohiya. Pagdating naman sa usaping kalusugan, minsan lang sa isang buwan nagpupunta ang mga doktor o nurse. Kaya kapag may nagkakasakit sa sitio, hindi agad nabibigyan ng lunas kung hindi pa bababa sa sentro.

Kaya naman naging pangarap niya ang maging doktor balang araw. Ngunit kaagad niyang natanto na magastos iyon. Alam niyang hindi nila kakayanin ang tuition fee at iba pang kailangan sa gano'n na kurso. Mula sa pagdodoktor, gusto niya na lang maging nurse. Makakatulong pa rin siya sa mga tao sa sitio lalo na sa mga bata.

Charlotta winced when Luella pinched her cheek.

Napahawak siya sa nasaktang pisngi.

"Akala ko may cheek tint," Luella said as an excused for pinching her rosy cheek.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon