Chapter 11

3.5K 224 21
                                    

"Aalis na ako." aniya ni Raphael. Maagang maaga dahil uuwi siyang Manila. I nodded at him. He look at me like he don't like to go.

"Alright. Take care." sabi ko. Niyayakap ko ang sarili dahil sa lamig. Sobrang lamig pala dito sa Tagaytay talaga. Naka t-shirt lang ako ng magtext si Raphael na uuwi na siya.

He kissed me on my lips before he go. Tinitigan ko ang sasakyan niya habang papalayo.

"Coffee?" narinig ko ang boses ni Ruby sa aking likod. She smiled at me. Gising narin pala siya. Ang aga niya ring nagising.

"Palaging hectic ang schedule ni Raphael dahil sa mga missions niya. Marami rin siyang inaasikaso na trabaho. Inako niya ata lalo na panganay siya."

Ngumuso ako sa sinabi ni Ruby. Marami siyang alam tungkol sa buhay ni Raphael.

Tinanggap ko ang kape na nasa kamay niya. Humigop ako doon kahit mainit. Tumaas ang kilay sakin ni Ruby.

"Gustong gumala mamaya nila Amy at Margo. Maraming magagandang pwedeng galaan dito."

I nodded. "Oo, anong oras raw?"

Nang tumingin ako sa hagdan ay nandoon na si Nathan at gulo gulo pa ang buhok.

"Magluluto ako. Come on." aniya agad samin. Ngumisi ako at sinundan siya. Sumunod sakin si Ruby.

"Here's our sexy chief Nathan." narinig kong' sabi ni Ruby.

Umupo kami doon sa kusina at nakita ko ang padating na si Lola Magda.

"Good morning po." sabay sabay naming bati.

"Nakakahiya naman sainyo at tulog pa ang mga katulong. Ang aga niyo palang gumising!"

"Ayos lang ho." si Nathan na nagtimpla ng kape habang nagtotoast ng itlog. Marami pa siyang nilabas na frozen foods sa ref. Mga pinamili rin niya kahapon sa palengke.

Tumulong kami sa pagprepare ni Ruby at lola Magda hanggang sa makababa na ang iba kong pinsan.

Ilang  sandali pa ay natapos na ang niluto ni Lola Magda at Nathan. Ang sasarap.

"Wow! Ang sarap naman!" si Emerald na may hawak nang kutsara. Maya maya pa ay pumasok si Jack at James Felix.

"Kumain lang kayo diyan ah. Kung gagala kayo ay kumuha lang kayo ng madadala niyong pagkain diyan. Tsaka may irerekomenda akong magandang galaan niyo. Kaso bukid iyon. Iyon na ang pinakamataas na parte dito ng Tagaytay. Maganda ang tanawi at maganda mag picnic doon."

"Sa Rawa ba iyon lola?" singit ni Amy na kumakain ng hotdog.

Tumango si lola Magda. "Oo. Dapat gumayak na kayo kasi malayo layo iyon."

"Wow! Exciting to! Nakakabored na kasi sa Maynila. Ang gala namin ay puro mall lang at swimming pool."

"Kaya nga habang nandito kayo ay gumala na kayo. Minsan lang naman."

Sinang ayunan namin iyong lahat. Matapos naming kumain ay nagkwentuhan muna ang mga pinsan ko tsaka' nagbihis.

Nasa kalagitnaan kami ng paghahanda sa kwarto ng pumasok si Nathan.

"Princess, mom and dad called. Hindi ka raw sumasagot."

Tinitigan ko ang cellphone ko na halos hindi ko na pansinin. "I'm dead batt. Please tell them I am fine."

"I did. Mag ayos na kayo at aalis na tayo ngayon."

"Opo kuya!" pang aasar ni Emerald , Ruby at Amy sa kanya. Umiling nalang ako at tumawa.

Matapos naming mag ayos ay ang Strada ni James Felix ang aming sinakyan. Tig iisang bag lang ang dala namin. Nakasuot kaming lahat ng pantalon dahil masukal raw doon at magubat.

Broken Chains (Montemayor 2nd Gen)Where stories live. Discover now