KABANATA CCXX

3.8K 33 10
                                    

"Napakadominante nitong magsalita!"

Dito na biglang nagkaroon ng ideya si Darryl, nakangiti niyang sinabi na. "Sige nga, sabihin mo sa akin kung sino si Ms. Scott? At paano naman niya ako pagdudusahin?"

Napabuntong hininga na lang ang assistant ni Sunny, iniisip niya na isa lang mangmang ang nabangga nilang bodyguard na wala nang ginawa kundi patagalin ang kanilang usapan sa halip na humingi ito ng tawad.

Iniling nito ang kaniyang ulo at sinabing. "Ito si Ms. Scott, ang pinakapopular na female celebrity sa Dalton entertainment. Siguradong mawawalan ka ng trabaho sa sandaling galitin mo pa siya."

"Oh, sa Dalton entertainment ba kamo? Kaiinom inom lang ng presidente mo sa ihi ko."

Ngumiti si Darryl at kalmadong sinabi na. "Wala akong pakialam kung sino ka pa. Ikaw ang nagkamali dahil ikaw ang bumangga sa akin. Magpasalamat ka at hindi ko nagawang humingi ng apology sa iyo. Kaya huwag niyo na akong guluhin."

"Katuturo turo ko lang sa presidente ng Dalton entertainment ng leksyon kaya bakit ako matatakot sa isang maliit na artistang nasa ilalim nito?"

Nagtipon tipon ang ibang mga bisita para panoorin ang eksenang ito. Tinuro nila si Darryl at nadidismayang iniling ang kanilang mga ulo.

"Napakatigas talaga ng security guard na ito. Paano niya nagawang sumagot sa isang artista?"

Nanatili namang seryoso ang mukha ni Sunny habang galit na sinasabing. "Maghintay ka lang. Napuno ka na ba ng lakas ng loob matapos maging security guard at matapos umalis sa probinsyang tinitirhan mo? Paano mo nagawang sagutin ako!"

Agad na napansin ang isang komosyon mula sa direksyon papunta sa washroom bago magpakita si Dalton mula sa loob nito, agad naman siyang sinuportahan ng dalawa niyang mga bodyguards.

Basang basa ang tatlo nang lumabas sila sa washroom.

Makikita ang inis na inis na si Dalton. Kababanlaw lang nito sa kaniyang sarili gamit ang tubig sa gripo pero hindi pa rin niya nagawang alisin ang amoy ng ihi sa kaniyang katawan. Napuno siya ng pandidiri sa mga sandaling ito!

"President Zander!"

Agad na nagpakita ang saya sa mukha ni Sunny nang makita si Dalton. Malambing niya itong tinawag at mabilis na nilapitan.

Ipinadyak ng galit na si Sunny ang kaniyang paa at nagrereklamong sinabi na. "Binangga ako ng security guard na iyan, president Zander!"

Pero agad na kumunot ang noo ni Sunny habang tinatakpan ang kaniyang ilong.

"Bakit nangamoy ng ganyan si President Zander?"

Pero hindi na ito pinansin pa ni Sunny.

"Sino? Sino ang nangahas na bumastos kay Sunny Scott?" Galit na sinabi ni Dalton.

Kilalang kilala siya sa pagkauhaw sa mga babae, at marami na ring artistang babae ang nakasama niyang matulog. At si Sunny ang kasalukuyan niya ngayong target kaya kinakailangan niyang magpakalalaki at ipagtanggol ito sa sinumang nang aapi sa mga mata nito!"

"Siya po!" Lumingon si Sunny at tumuro sa nakatayong si Darryl hindi kalayuan sa kanilang puwesto.

"Ano?"

Napalunok na lang si Dalton nang malaman niyang si Darryl ang tinuturo nito, masyadong nakakatawa ang mabilis na pagbabago sa itsura ng mukha ni Dalton! Agad niyang naalala ang nakakadiring sandali kung saan nagawa silang ihian nito.

"Dalton Zander, mukhang wala n ngayon sa standard ang Dalton entertainment. Hindi mo manlang magawang mamanage nang maayos ang mga artista mo." Lakad ni Darryl palapit kay Dalton habang pinipilit na ngumiti.

"Wala manlang itong basic manners kahit itinuturing na siyang isang public figure. Paano kaya kung ako na ang magturo sa iyo ng tamang paghahandle sa iyong mga empleyado?"

"Paano mo nagawang umarte nang ganiyan kahit na isa ka lang security guard sa lugar na ito---" nanlalamig na sinabi ni Sunny habang tinuturo si Darryl, malinaw na nakita ng lahat ang galit sa maganda nitong mukha.

Pinatigil siya ni Dalton sa pagsasalita sa pamamagitan ng isang malakas na sigaw. "Manahimik ka!"

Grabe! Hindi na niya magagawa pang bastusin si Darryl matapos niyang inumin ang ihi nito! Marunong pumili ng laban na kaniyang lalabanan ang isang madiskarteng lalaki!

Nanginig ang huong katawan ng gulat na si Sunny, nanatili siyang tahimik habang napupuno ng confusion ang kaniyang mga mata.

"Ano ang problema ni President Zander?"

Hindi pa nito nagagawang sumigaw nang ganoon kay Sunny.

Dito na agad na hinila ni Dalton ang buhok ni Sunny bago pa man ito makapagreact at mabilis na kinaladkad papunta sa harapan ni Darryl.

"Humingi ka ng tawad sa kaniya, ngayon din! Ito si President Darby, siya ang presidente ng Platinum Corporation. Humingi ka ng tawad hayop ka!" Sigaw nang nagpapanic na si Dalton.

Namilipit naman sa sakit ang kinaladkad nitong si Sunny habang tuluyan nang naiintindihan na ang tao na tinatawag niyang 'security guard' ay isang tao na hindi niya dapat bastusin! Nanginig ang buong katawan ni Sunny bago mapagdesisyunang isuko ang kaniyang pride at ego.

"Patawarin mo ako, kasalanan ko ang nangyari." Napakagat na lang sa kaniyang labi si Sunny habang mahinang humihingi ng tawad kay Darryl.

*Gasp*

Agad na umingay ang mga tao sa paligid dahil sa kanilang nakita.

Anong nangyari?

Nagawang yumuko ng hindi matibag na si Dalton Zander sa isang tao?!

Maging si Sunny Scott, na kilala bilang artistang may maiksing pasensya sa entertainment industry ay humingi ng tawad sa lalaking iyon!"

Nakangiting tumingin si Dalton at sinabing. "Hmmm, maigi kung ganoon. Mag iingat ka sa susunod."

Naglakad na siya palayo habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Buwisit!" Nagngingitngit ang mga ngipin ng nakaramdam nang pait na si Dalton habang tinititigan ang likuran ni Darryl.

Kailangan niyang gumanti sa nangyari noong araw na iyon dahil kung hindi ay hindi na niya deserve maging isang lalaki!

"Tatratuhin ko rin nang ganiyan ang asawa't pamilya mo!"

Isinara nang husto ni Dalton ang kaniyang mga kamao habang nanginginig sa galit ang mataba niyang mukha.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now