KABANATA CCXXI

4K 35 12
                                    

Masyadong naging boring ang gala na ito, isa lang itong event kung saan nagperform ang maraming mga artista sa stage.

Naglakad lakad si Darryl sa paligid ng venue, pero hindi niya nagawang makita dina Giselle at Lana. Naisip niya na baka nasa backstage ang mga ito habang hinihintay ang kanilang turn para magperform sa stage.

Mapagdesisyunan niyang huwag nang samahan pa ang mga ito, gusto na niyang umuwi, maligo at matulog.

Umalis siya sa Donghai Satellite Television Building at nagsindi ng sigarilyo malapit sa entrance nito. Malapit nang sumapit ang 9pm, kumurap ang mga ilaw habang naglalakad ang mga tao sa mga kalye sa paligid nito.

Tatawag na sana si Darryl ng taxi nang mapansin niya ang dalawang kahinahinalang mga lalaki na nasa tabi ng isang luxury MPV.

Mas payat ang isa sa mga ito kaysa sa kaniyang kasama, naglagay ang dalawa ng isang bag malapit s baggage compartment ng MPV bago magtago sa isang utility pole.

"Ano ang ginagawa ng dalawang ito?" Ipinagpatuloy ni Darryl ang paninigarilyo habang interesadong pinapanood ang dalawa.

Isang magandang babaeng nakasuot ng kulay puting dress ang naglakad ilang sandali pa ang nakalilipas. Nagmukha itong isang kalehiyala.

Mayroon siyang hawak na mga susi na kaniyang ginamit para buksan ag kaniyang MPV. Binuksan niya ito at pinaatras palabas ng parking lot.

*Thump*

Dalawang mga lalaking mulas a likuran ng di kalayuang utility pole ang agad na nagpakita nang tamaan ng sasakyan ang bag na kanilang nilatag sa daan.

"Hoy, marunong ka bang magdrive? Hindi mob a nakikitang mayroong gamit sa likuran ng sasakyan mo? Lumabas ka nga riyan!" Paulit ulit na kinatok ng galit na matabang lalaki ang bintana ng sasakyan habang pinapababa ang babae sa sasakyan.

Ditto na umupo ang payat na lalaki habang nasasaktang binuksan ang maletang nabangga ng sasakyan.

"Ang antigo kong vase! Kabibili bili ko lang dito sa halagang 2 million dollars! Nabasag ang vase ko!"

Napuno ang malerang iyon ng mga piraso ng nabasag na vase na may iba't ibang laki.

"Nakakatawa! Masyado nang mautak ang mga manloloko ngayon." Ipinagpatuloy ng natutuwang si Darryl ang panonokd sa ginagawa ng dalawa.

Agad na nakuha ng sigaw na ito ng matabang lalaki ang atensyon ng isang taong naglalakad sa kalye, dito na dumami ang mga taong umusyoso sa pangyayari.

Natigilan naman ang dalaga sa kaniyang sasakyan. Bumaba siya at tinitigan ang mga basag na piraso ng vase, mukhang nagulat siya habang tinitingnan ito.

"Pasensya na, pasensya na talaga."

Agad na namutla ang mukha ng dalaga. Sinabi ng matabang lalaki na isa itong antigong vase na nagkakahalagang dalawang milyong dolyar Kaya paano niya magagawang bayaran ang mga ito?

Napakagat na lang sa kaniyang labi si Dora Simpson habang nababalot ng pagkabagabag ang kaniyang katawan. Isa lang siyang estudyante sa Donghai University na nag apply bilang isang driver para makaipon ng pambayad sa kaniyang tuition fee dahil hindi naman siya nagmula sa isang mayamang pamilya.

Pero hindi niya inakalang mapapasok siya agad sa isang gulo sa unang araw ng kaniyang trabaho.

"Hindi ko ito nakita. Pasensya na. Pasensya na talaga..."

Agad na napuno ng pawis ang mukha ni Dora habang paulit ulit na humihingi ng tawad sa dalawang lalaki.

"Hindi ko ito mapapalampas! Binasag mo ang vase kong nagkakahalaga ng 2 million dollars! Siguradong mayaman ka naman matapos mong magdrive ng ganiyang kagandang sasakyan! Kaya bayaran mo na ako ngayon din!"

Irap ng payat na lalaki habang nagpapakita ng naiinis na itsura sa babae.

"Ano?"

"Dalawang milyon?"

Buntong hininga ng mga tao sa paligid. Impossible para sa isang pangkaraniwang tao na magbayad ng ganoon kalaking halaga.

Nakahinga naman ng maluwag ang mga taong hindi nakaintindi sa sitwasyon nang makita ang sasakyang minamaneho ng babae.

"Mayaman ka namang babae ka, bayaran mo nalang siya."

"Oo nga! Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit nabasag ang vase niya."

Agad na nakaramdam ng matinding takot si Dora. Nagpapanic nitong sinabi. "Wala akong pera, isa lang akong driver..."

Nagkakahalaga ito nv dalawang milyong dolyar.

Hinding hindi siya makakaipon nang ganito kalaking halaga kahit na magtrabaho pa siya ng habang buhay.

Pinanatili naman ng payat na lalaki ang seryoso niyang mukha habang nagagalit na sinabing. "Dapat ka lang magbayad sa ginawa mo iha. Bayaran mo na ang nasira mo!"

Nagpatuloy naman ang matabang lalaki sa pagsasalita. "Oo nga, iha! Hindi naman kami naghahanap ng gulo, at hindi naman kami humihingi ng halagang mas mataas kaysa sa halaga ng nabasag ming vase. Dalawang milyon ang nagastos namin para rito, ito ang resibo at certificate nito, tingnan mo!"

Ibinigay niya ang resibo at certificate na hinanda nila para sa babae bago sabihing. "Mukha ka namang edukado kaya hindi mo madedeny ang katotohanang ikaw ang nakabasag sa porselana naming vase."

Wala naman magawang tiningnan ni Dora ang certificate, makikita na malapit na itong umiyak.

Hindi na nakapagpigil pa ang isa sa mga nakikiusyoso sa kaniyang sarili, malakas itong nagsalita ng. "Kailangan mong bayaran ang nasira mo, iha! Pero dalawang milyong dolyar ba talaga ang halaga nito? Dalawang milyong dolyar? Maaaring peke lang ang certificate na iyan, madali lang makakakuha ang kahit na sino ng ganiyang klase ng certificate sa tabi tabi!"

Agad na nagising sa realidad ang mga tao sa paligid, ditto na sumang ayon ang karamihan sa kanila sa babae. "Oo nga, wala ka naming katibayan na nagkakahalaga talaga ang vase na iyan ng dalawang milyong dolyar. Aabot ba talaga ito sa halagang iyan? Kahit na isa pa itong antique?"

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now