Chapter 43: Favor

1.1K 28 21
                                    

© EynJey 2014



Chapter 43



Pinunasan ko na 'yung luha ko dahil feeling ko, sobrang namamaga na 'yung mata ko. Nasa likod ako ng high school department at buti na lang, walang pumupunta dito dahil halos lahat ay nasa gym dahil nga J.S. Prom namin.



Nagpahangin lang ako dun ng mga 30 minutes then nung feeling ko e ok na ako ay bumalik na ako sa gym.



'Di pa nga ako nakakarating sa entrance ng makita kong palabas na si Dara... at umiiyak.



Hinarangan ko kaagad siya at nang makita niya ako ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit atsaka umiyak ulit.



"J-jill." humihikbi pa siya, kaya naman hinagod ko lang 'yung likod niya.



"Dun tayo sa may bench." sabi ko sa kanya dahil napapatingin na sa amin 'yung ibang lumalabas ng gym, at sumunod naman si Dara kaya inalalayan ko siya.



"Anong nangyari?" tanong ko kaagad sa kanya pagka-upo namin. Imposible naman kasi na iiyak si Dara ng basta basta at nang walang dahilan.



Umiyak ulit siya pagkatanong ko kaya inalo ko na muna siya hanggang sa medyo kumalma na siya.



"Kung 'di mo pa kaya magsabi sa akin, ok lang." sabi ko sa kanya, dahil mukhang nahihirapan siyang magsalita dahil napapaiyak lang ulit siya.



Nandun lang kami sa may bench ng mga 1 hour tapos hindi na rin umiiyak si Dara. Tahimik lang kaming nakatingin sa langit dahil ang daming mga stars ngayon. Ang sarap din ng simoy ng hangin kaya medyo refreshing din dito.



"Nagka-usap na kami." napatingin ako kay Dara ng magsalita siya. "Sabi niya mag-usap daw kami, at dahil wala naman akong choice ay pumayag na ako." mukhang si Jeremy ang tinutukoy niya.



Nakinig lang ako dahil alam kong ito ang mas kailangan niya ngayon, ang tagapakinig.



"Ok naman 'yung pag-uusap namin e, nagpaliwanag naman siya sa akin at konti na lang, mapapatawad ko na siya." tumigil siya tapos pinunasan 'yung luhang tumulo sa mata niya.



"Kaso nagulat na lang ako nang may biglang lumapit sa amin na babae, at sinasabing nilalandi ko daw 'yung boyfriend niya." huh? May gf na si Jeremy? Akala ko... "Tapos ang mas matindi pa dun, sinampal niya ako nung sinabi kong 'di naman sila ni Jeremy. Tapos ang mas masakit pa dun, hindi man lang ako ipinagtanggol ni Jeremy, umalis lang sila nung babae at naiwan lang ako dun na nakatayo at gulat sa mga nangyari." tulala lang si Dara after niyang ikwento 'yung nangyari.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now